DEVAS

39 3 0
                                    

"Tagapagmana? Maari Po palang magkaroon Ng Tagapagmana ang Devas?" Tanong Ng Isang paslit sa kanyang ama

"Oo Naman, Lahat Ng Kaharian ay kailangan Ng Tagapagmana.. maging ang Devas" Tugon Ng Bathala at pinantayan ito

Ginulo Ng Bathala ang kanyang buhok , napabuntong hininga

"Ngunit para maging Tagapagmana ay kinakailangan na Bumaba Ng May ari ng trono o Hindi kaya ay mapaslang Sila" Paliwanag nito

Napanguso lang ang Bathaluman at tumingin sa kanyang Ama

"Kung gayon ay Hindi ko Po nanaisin na maging isang Tagapagmana" Ngiti nito at niyakap ang Ama
_______

"Andito ka lang Pala Kiera" Saad Ng isang Ivtre...si Lilasari, liningon Niya ito.. ang Malamig na ekspresyon Ng kanyang mata ay Hindi nagbago

"Lilasari" Mahinang Saad nito, nagbigay pugay Naman si Lilasari sa kanya, Isang malungkot na Ngiti lang ang isinukli nito na siyang napansin Ng Kasama

Tinabihan Siya ni Lilasari at bumuntong hininga

"Alam Kong nasa isip mo parin ang nangyari" Saad ni Lilasari, napatingin Naman sa kanya si Kiera

"Hindi ko Matanggal sa isipan ko iyon Edea..paulit ulit kong naalala kung paano Sila kinuha sa akin" Sagot Niya at tumingin sa Isang Bulaklak

"Si Ina Mismo ang nagtanim ng bulaklak na iyan" Saad ni Lilasari at Hinawakan ang talulot Ng Bulaklak

"Ang tanging ala ala ni Ina sa atin" Bulong ni Kiera na may malungkot na ngiti

Bumaling Naman sa kanya si Lilasari

"At Ikaw ..Ikaw Ang pinakamahalagang ala ala na iniwan sa akin ni Ina" Saad nito at Hinawakan ang Pisngi ni Kiera, bahagyang nakangiti...pero kita parin ang lungkot sa kanyang mata

"Talaga?" Tanong nito, nakangiti Siya Ng kaunti at Hinawakan ang Kamay ni Lilasari na nasa kanyang Pisngi

"Oo Naman, at sa iyong pamumuno ay nandito lang Ako pag pagod ka, andito Ako para puntahan mo...sandalan mo, andito Ako para tulungan ka" Saad ni Lilasari, niyakap Naman Siya nito Ng mahigpit, niyakap Niya ito pabalik

"Edea, Mangako ka,  Mangako ka na Hindi mo Ako iniwan gaya nila Ina" Hikbi nito, pumatak ang luha sa kanyang mga mata

"Pangako...Pinapangako ko na Hindi kita iiwan, ano Mang mangyari" tugon nito at hinaplos ang likod  Ng Kapatid at pinakalma ito

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now