Pag ibig

44 3 0
                                    

Hindi parin ma alis sa isipan ni Deshna ang winika ni Muyak sa kanya tungkol Kay Gilas, ni Hindi na Siya mapakali sa kakalakad

"Deshna. Ano't kanina ka pa Hindi mapakali diyan?" Napalingon si Deshna nang marinig ang tinig Ng Bathaluman, napaayos Siya Ng tindig dahil sa lamig Ng titig Ng Bathaluman

Agad itong nagbigay pugay sa Bathaluman Bago niya sagutin ang katanungan nito "Wala Naman po"

"Sigurado ka?" nagtaka Naman si Deshna sa sinabi nito, Hindi niya mawari kung seryoso ba o Hindi ang Bathaluman dahil sa Tono Ng pananalita nito. Napabuntong hininga si Deshna

"Hindi lang Po talaga maalis sa isipan ko ang mga sinabi kanina sa akin ni Muyak" Napakagat sa ibabang labi si Deshna bago Niya ikuwento ang pangyayaring naganap kanina lamang
______

"Deshna! Nakita mo ba si Gilas?  Hinahanap Siya ng kanyang Ina" napalingon na lang si Deshna Nang marinig ang tinig Ng Kaibigan— Hindi pa Niya nakikita si Gilas mula kanina kaya't nagtaka Siya kung bakit siya ang tinanong nito

"Hindi rin eh" napabuntong hininga si Deshna at tumingin sa malayo "Nagkita kami kanina pero Tila umiiwas Siya sa akin"

"Ganyan talaga pag may gusto sa'yo ang isang lalaki"  natutuwang paliwanag ni Muyak na siyang ikinataka ni Deshna

"Si Gilas? May Gusto sa akin.. imposible Naman ata Yun Muyak" Biro nito, ngunit nang mapansin niya Ang seryosong mukha Ng kaibigan ay napatigil Siya

"S-seryoso?"

"Oo Deshna, si Gilas Mismo ang nagsabi sa akin kahapon na Iniibig ka Niya"  Sagot ni Muyak Hindi Naman nakapagsalita si Deshna at tumango nalang at umalis
_____

"Ngunit ang tunay na katanungan ay may nararamdaman ka ba para Kay Gilas?" Tanong Ng Bathaluman at Umupo sa tabi ni Deshna

Napatingin nalang si Deshna habang namumula ang kanyang Pisngi sa kilig...sa hiya

"W-wala Po akong nararamdaman para Kay Gilas, Kaibigan lang ang Turing ko sa kanya"

Bahagya namang natawa si Cassiopea sa pagtanggi Ng Ivtre, napailing siya at tumingin kay Deshna

"Hindi mo malalaman kung kailan ka makakaramdam Ng Pag ibig Deshna, kaibigan mo man o Kalaban"

"Inasahan niyo rin Po ba na Iibig kayo kay Emre?" Tanong nito na dahilan upang tumingin sakanya si Cassiopea, ngunit Ngiti lang ang tugon nito at Saka umalis

Natawa nalang si Deshna, ngunit Patuloy niyang naisip ang sinabi ni Cassiopea, kung ang nararamdaman ba Niya ay Dahil sa magkaibigan Sila o Dahil na ito sa pag ibig

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now