Bagong Kaibigan Ng "Tagapagmana"

59 3 6
                                    

Part two of "LUNTAIE"
Requested by: jovi16-17

Ito Po yung time na nagkita yung dalawa
________

Habang naglalakad si Lira (Mira) sa kagubatan ay nakasalamuha Niya ang Isang paslit na naglalakad, nakabunggo pa niya ito

"Poltre! Hindi ko tinitignan ang dinaanan ko!" Paghingi Ng Paumanhin ni Mira o mas Kilala nila sa ngalan na Lira sa nakabunggo Niya

"Ahh, Ayos lang 'yon, Mahal na Diwani" Nagbigay pugay ito sa kanya, Hindi alam Ng Diwani ang maramdamdaman Niya Lalo pa't napakagaan Ng kanyang pakiramdam sa Kaharap— napakagaan Ng loob Niya Dito

"Mahal na Diwani?" Kinumpas pa Niya ang kanyang kamay sa Mukha Ng Diwani na tila ba lumipad kung saan ang kanyang diwa..napakurap nalang si Lira(Mira) at umiling

"Patawad ah, medyo nawala Ako sa aking diwa" paghingi muli nito Ng Paumanhin

"Naku ayos lang yun— Quesha nga pala" pagpapakilala nito sa Sarili at Nilahad ang kanyang kamay

Tinanggap Naman ito Lira(Mira)

"Lira..Lira ang ngalan ko" pakilala Naman nito, ngumiti lang Si Quesha sa kanya

"Simula Ngayon ay magkaibigan na Tayo!" Nagagalak na Saad ni Quesha, Hindi Naman nakapagsalita agad si Lira ngunit kalaunan ay ngumiti narin ito at tumango

"Siyempre Naman...mhmm?  Nais mo bang makilala ang aking inang Reyna?" Tanong nito,tumango Naman ang una sa kanyang sinabi

Dahil hindi pa sila dumadaan sa banyuhay ay tinahak nila ang Daan patungo sa Lireo
Gamit ang paglalakad
____

Namangha si Quesha sa laki at Ganda Ng Palasyo

"Ang Ganda Naman rito Lira" Komento niya habang tinitignan ang mga halaman, namamangha Siya sa laki Ng Palasyo

"Lira, Sino Yan?" napalingon silang Dalawa nang marinig ang boses ni Amihan— malambing at malumanay ang kanyang tinig, agad Namang niyakap ni Mira si Amihan

Nagbigay pugay si Quesha sa Hara Ng Lireo

"Quesha Po"

"Kay gandang ngalan,bagay sa'yo" Saad ni Amihan, na siyang nag pangiti rito, Napakagaan Ng loob Niya sa paslit na ito

Napakamot nalang sa kanyang batok si Quesha Nang mapansing malapit Ng Dumilim

"Aalis na Po Ako, papagalitan Ako ni Ila Cassiopea" Saad nito at tumakbo na palayo

"Sino ang iyong Ina? Walang anak si Cassiopea" Saad ni Amihan na pinigilan ang pag alis nito

Nagkibit balikat Naman si Quesha "Hindi ko Po alam, natagpuan at kinupkop lang Ako ni Ila Cassiopea"

Inosenteng sagot nito, tumango Naman si Amihan at Tinanggal ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito, nakangiting kumaway si Quesha sa kanila na tumatakbo palayo— pabalik sa isla

Napangiti Naman si Amihan, sa kanya— tunay na napakagaan Ng Kanyang loob sa Bagong Kaibigan Ng kanyang mata "anak"

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now