Taken

59 3 10
                                    

Requested by:  Celestia_Encantadia, here's your request
_________

"Ivo live Lireo"

"Ivo live ENCANTADIA" kasabay Ng Pagsigaw ni Mashna Muros ay ang pag papasabog Ng pailaw sa Lireo  na tanda Ng pagsisimula Ng piging, piging para ipagdiwang ang kapanakan ni Adamus gayun din ang pagkatalo Ng mga Etherian at ni Hagorn

"Hasne Ivo Live Diwan Adamus" Bati Ng Bathala na nasa tapat lang ni Adamus at hinandugan ito Ng Isang bolang Kristal na kahugis at kawangis Ng brilyante Ng tubig ang tanging kaibahan ay Wala itong Taglay na kapangyarihan at may palamuti itong Isang batis

"Hasne Ivo live Diwan" Bati rin Ng Bathaluman at kinumpas ang kanyang kamay, lumabas Doon ang isang purselanang gawa sa perlas, na alam niyang maiibigan Ng Diwan, nag ningning ang mga mata nito dahil sa handog Ng Dalawang Bathala

"Avisala Eshma Po!" Tugon nito na ikinangiti Ng Dalawa

"Hindi pa ba Tayo kakain? Nagugutom na Ako!" Reklamo ni Lira na siyang ikinalingon Ng iba

"Sige na nga, Mamaya na Yan, Kumain Muna Tayo"  paanyaya ni Alena

Laking tuwa ni Lira at nauna Ng kumuha Ng pagkain na ikinailing lang Ng Bathaluman

"Hehe, Peace!" Tawa ni Lira at umupo Ng maayos sa kanyang upuan at nag simula Ng Kumain na lang

Ilang Sandali lang at nilapitan Siya Nina Banak at Nakba at hinila ang laylayan Ng kanyang kasuotan

"Bakit" Tanong nito pero ingay lang na Hindi niya maunawaan ang sagot ng mga adamyan at Patuloy na Hinila ang kanyang kasuotan

Walang nagawa si Lira kundi ang sumunod sa Dalawa

"Mahal na Sanggre...Poltre kung Ikaw nagambala kita pero nais kitang Makausap" Saad Ng Isang Encantado

Nagtaka Naman si Lira, kung problema ito ay dapat sa mga Hara o Sanggre na lang nito ipaalam

"Ano ba Yun?" Kalmadong Tanong nito

"Nahihiya Kasi Ako na lumapit sa kanya" Saad nito at Sumulyap sa Bathaluman na kumakain, nanglaki Naman sa gulat ang mga mata ni Lira Nang mapagtanto ang nais na ipahatid Ng Encantado

"May Gusto ka sa Bathaluman!?" Napatakip siya Ng bibig, marahang tumango ang Encantado

"Nais ko sanang malaman kung..Maari na ipahatid niyo sa kanya ang aking naramdaman" Kabadong Saad nito, Tumango Naman si Lira at Ngumiti Bago ito bumalik sa Hapag kainan

Pero Hindi Siya umupo bagkus ay diretso siyang nagtungo Kay Cassiopea

"Cassiopea...may nagpapasabi palang Encantado na Gusto ka daw niya, Single ka Naman diba? Kaya Go! Saka Hindi ka Naman masyadong Abala" Laking Ngiti nito dahilan upang masamid ang Bathaluman dahil sa pagkakalunok nito Ng mabilis sa kanyang kinakain habang napatigil Naman ang Bathala at mapatingin sa kanila

Agad na tinapik ni Emre ang kanyang likod at inabutan siya Ng Tubig na agad Naman niyang ininom

"A- Avisala Eshma" Saad ng Bathaluman na tila bahagyang nahiya at muling bumaling Kay Lira "Ano ulit Iyon Lira?"

"May Nagpapasabi na Encantado na may Gusto daw Siya sa iyo, at single ka Naman Diba? Go at Hindi ka Naman na masyadong Abala kaya pwede na-"

"Hindi" Madiin ngunit Kalmadong Saad ni Emre dahilan upang mapatingin sa kanya ang Sanggre at mamula sa hiya si Cassiopea

"Po?"

"Hindi pa maari Lira, isa pa Abala parin Si Mata sa mga tungkulin Niya" Paliwanag Ng Bathala at Bumaling sa Bathaluman"Hindi ba? At kahit Hindi ay May Katipan narin siya" na ikinagulat ni Lira at Mira pero nanatiling Kalmado ang iba na tila alam nila

Ngumiti lang si Cassiopea Ng Sarkastikong Ngiti at tumango Bago naglaho pabalik Ng Devas

Napatingin Naman Sina Lilasari at Amarro sa Isa't isa...Kapwa alam ang tunay na relasyon Ng dalawa, napailing nalang si Emre at sinundan ang Bathaluman
______

"Hindi na Ako dapat na magtaka pa kung dito kita matatagpuan, E corrie" Saad Ng Bathala at Umupo sa tabi ng Bathaluman na nakatitig lang sa himpapawid

"Cassiopea?" Pagtawag nito, nilingon Naman siya Ng Nakangiting Bathaluman

"Alam mo nakakatawa ang reaktyon mo nung pinaulit ko ang sinabi ni Lira" Tawa Ng Bathaluman at sumandal sa balikat Ng Bathala "Hindi ko akalain na, magaling ka rin palang mag paglusot para sa Isang Bathalang laging seryoso"

"Palusot? Mahal totoo Naman ang aking mga binanggit" Saad nito at tumingin sa ibang direksyon habang pinipigilan ang kanyang tawa

Muli Siyang humarap sa Bathaluman at pinatakan ito Ng halik sa labi Bago ito yakapin sa Bewang, napangiti nalang ang Bathaluman at niyakap Siya pabalik

"Ila Bathaluman? Nais daw kayong Makausap ni-" napakurap nalang si Deshna sa kanyang natunghayan at napaiwas Ng tingin "Ina"

Agad na Umalis si Deshna roon at tinignan Naman ni Emre ang Kanyang Bathaluman

"Puntahan mo na Muna ang anak mo" Tawa ni Emre at bahagyang tinulak si Cassiopea, na siyang medyo ikinainis Ng Bathaluman, Ngiti lang ang iginawad sakanya nito Bago umalis at magtungo sa Tarangkahan Ng Devas

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now