Digmaan at Kaparusahan

56 6 0
                                    

Maririnig ang pag hampas Ng mga sandata Ng magkabilang panig sa Isa't isa, nagtatagisan Ng kapangyarihan

"Walang Lugar ang mga dilim na kagaya niyo sa tahanan natin. Tinanggap namin kayo ngunit Hindi niyo kami ginalang, Pinagtaksilan niyo pa kami" malakas na sigaw Ng Pinakamataas na Bathala

Nasa likod Niya ang mga Kasama na pawang mga nakaputi at gintong kasuotan,  may hawak na mga sibat at sandata, nakikipaglaban sa mga dilim, mga isinumpa

Binatuhan Sila Ng kapangyarihan Ng itim na panig na agad nilang nasangga, kita ang  Galit, lungkot at dismaya sa mga kalaban, Patuloy ang pag sugod sa kanila Ng mga ito, puno Ng Galit at poot ang mga mata Ng kabilang panig

"Ang kaharian Ng langit ay mapapasakamay din namin!" Sigaw Ng pinuno Ng mga dilim na nagrebelyon sa langit, Patuloy silang sumugod Hanggang sa Hindi na makatiis pa ang kataastaasang Bathala

Itinaas niyo ang kanyang kamay, tumigil ang panahon at ang galaw Ng lahat, Galit at napopoot itong tumingin sa kalaban

"Ang araw na ito, ay araw rin na Hindi na kayo makakatapak pa Ng langit. Kayo ay maninirahan at masusunog, mahihirapan sa nag niningas na apoy, Doon sa isinumpang lupain" at Doon nga ay naipatapon na ang mga ito sa Lugar Ng mga isinumpa at nagwagi na ang liwanag sa digmaan
___

Ngunit Hindi lahat ay sumabak, limang Bathala, masasabing mas Bata Sila sa kaysa iba nilang kasamahan, Sila nag Hindi nakisali sa digmaan

"Pinapatawag daw Tayo Ng kataastaasang Bathala, bakit kaya?" Takang Tanong ni Keros sa mga kaibigan,tumingin naman sa kanya ang isa pang Bathala

"Ewan, Basta Wala akong ginawang mali ah!" Saad nito at nagkibit balikat at nauna ng maglakad patungo sa kinaroroonan Ng kataastaasang Bathala

"EMRE MAGHINTAY KA NGA!"Reklamo ni Arde Ng biglaang naglakad nalang ang kapatid

Liningon naman Siya ni Emre, ngunit ngitian lamang Siya nito, Isang nakakalokong Ngiti at mas binilisan pa ang paglalakad

"Bahala kayo, kung gusto niyong Lalo pang mapagalitan labas na Ako" Saad ni Emre na tila nang aasar

Wala namang nagawa ang  mga ito at sumunod sa kaibigan
___

"Kataastaasang Bathala, nandirito na Sila" Saad Ng Isang kawal, nagbigay pugay Naman ang Lima sa kataastaasang Bathala

Tumingin si Ether sa paligid na nagtataka, Lalo na at walang ni Isang nilalang na nandoroon na nangyayari lamang kung may masamang nangyari na nagpakaba sa kanya

"Mahal na Bathala" Kabadong Ngiti ni Ether at napalunok

Umiling iling ang Bathala, kita sa kanyang ekspresyon ang pagkadismaya

"Naunawaan ko ang Hindi niyo pagsabak sa digmaan, una dahil mga Bata pa kayo kung tutuusin  at alam namin na Hindi niyo kanyang saktan ang mga kaibigan niyo, ngunit nalaman ko din na nakapinsala kayo sa ating kagubatan" dismayadong Saad nito

"Hindi Po namin sadya ang nangyari" Galit Sagot ni Emre na ikina iling nalang Ng kapatid

"Sadya man o Hindi ay kailangan niyong maparusahan, lalo pa't napakaraming nilalang ang napaslang niyo" Saad nito at tumayo sa kanyang trono

"Naalala niyo ba ang pinakita ko noon sa inyong patay na Mundo?" Tanong nito, tumango Naman ang Lima, na halatang nagtataka

"Ito ang inyong kaparusahan, maipapatapon kayo sa Mundong  iyon" Malamig na Saad nito

"PO!? KAY BABAW NA RASON NAMAN ATA PARA IPATAPON KAMI!" Galit na Saad ni Emre at masamang tumingin sa lahat Ng nandoroon

"Emre Tama na, kung ayaw mong madagdagan pa ang parusa mo" Pabulong na sigaw ni Haliya at agad na hinila ang kaibigan

Itinaas Ng kataastaasang Bathala ang kanyang kamay at agad na naglaho ang Lima paalis Ng langit
___

"Asaan Tayo?" Tanong ni Ether nang imulat niya ang mga mata, nagkibit balikat lang ang tatlong Bathala

Nakatingin sa kanila na walang emotion si Emre, hawak nito ang isang baling sanga

"Encantadia" bulong nito

"Ano?" Tanong ni Haliya Na Hindi narinig ang kaibigan sa hina Ng kanyang boses

"Encantadia" Malamig na Saad Ni Emre at tumingin sa kalangitan, mabigat ang kanyang pakiramdam na banggitin ang kanyang mga salita

"Wala na Tayo sa langit. Hindi na nila tatanggapin Doon"  Malamig na Saad niya, nanggigilid ang kanyang luha

"Kung gayon ay Hindi Tayo naiiba sa mga isinumpa dahil maging Tayo man ay pinaalis na sa ating tahanan" Paghikbi ni Ether na nakaupo sa batuhan, tumingin lang sakanya si Emre Ng Malamig, pinipigilan ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata  at tumango

"Encantadia, ang Bago nating tahanan" Pagpapalakas loob ni Keros sa mga kaibigan.
___

A/N: In this story, The Five Bathalas were pretty young their age ranging from 12-16 at the time they're thrown out of Celestial Realm, with Arde being the eldest to the five of them.

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Donde viven las historias. Descúbrelo ahora