Laro

49 3 3
                                    

A/N:Cassiopea's Past...again
_____

"Isang laro, Edea?" Tanong ni Mitena sa kanyang kakambal, Masaya at nagniningning ang mga mata nito

"Anong klaseng laro?"

Ngiti lang ang sinagot Ni Cassiopea sa kanyang katanungan Ng Kanyang Kapatid, nagtungo Siya sa isang silid, lumabas Siya Na may dalang mga kasuotan

"Anong gagawin natin diyan?"

"Maglalaro Tayo, Sabi ko Diba? Pagpapanggap ang lalaruin natin"  Sabi nito dahilan upang magtaka si Mitena sa kanyang sinabi nito "Magpapanggap Tayo bilang isa sa mga Tagapagsilbi sa Etheria"

"ANO!? Poltre Cassiopea ngunit mapanganib ang nais mong mangyari."

"Mitena, Kinakailangan nating iligtas Sina Ina sa pataw Na kamatayan Ng Reyna Ng Etheria" Pakikipagtalo ni Cassiopea, pinatili Niya ang pagiging Kalmado sa kabila Ng matinding pag aalala para sa mga magulang, tumingin Siya sa kakambal Ng Malamig "o Dahil ba sa nakipagkasundo ka Kay Ether para sa Sarili mong kapakanan, na kahit Anong mangyari ay Hindi mo pipigilan ang Reyna Ng Etheria!?"

"CASSIOPEA!" sinubukan niyang pigilan nah kakambal ngunit nakapaglaho na ito,  napatingin nalang Siya sa kaninang kinatatayuan Ng kakambal, Tunay na nakipagkasundo Siya Kay Ether pero Hindi na Niya mababawi pa at tila nagkaroon na Ng lamat ang kanilang relasyon

Nang Magbalik si Cassiopea ay agad na napansin ni Mitena ang kanyang Ekspresyon, Tahimik lang ito at nakatingin Ng Malamig sa kanya

"Cassiopea?"

Ngunit nilampasan lang Siya nito

"Cassiopea, ano bang mayroon at Hindi mo Ako pinapansin?" Tanong nito, naiinis na Siya dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Cassiopea

"May gagawin pa ako"Saad nito, Hindi parin Niya binabaling ang tingin Kay Mitena

"Ano ang iyong gagawin?"

"Basta, Iwan mo na ako" Sagot lang nito

"Maari ba akong makatulong?"

"MAARI BA MITENA! SINABI KO NA IWAN MO AKONG MAG ISA" nabigla si Mitena Ng Bigla siyang pagtaasan Ng boses ni Cassiopea, Hindi na Siya nakapagsalita Nang Lampasan lang Siya nito

Napayuko nalang si Mitena at napakagat sa kanyang ibabang labi

Agad na napansin ni Evades ang lungkot na bumabalot sa isa sa kanyang mga alaga, kaya nilapitan Niya ito

"Mitena, intidihin mo Muna Siya...marami lang iniisip ang Edea mo Ngayon" Paliwanag Niya rito, malungkot na tumingin sa kanya si Mitena, naiintidihan niya Ang kanyang Edea.. ngunit nais rin Niya itong makasama

Hindi nila namalayan ang pasimpleng pagsilip ni Cassiopea sa kanila, tila kumirot ang kanyang puso sa kanyang Nakita— Hindi niya gustong Makita na nalulungkot ang Kapatid.

Nang sumapit ang hapon ay agad na niyaya ni Cassiopea si Mitena sa batis, nagtaka Naman ang una

"Patawad...may iniisip lang Ako"  pagputol ni Cassiopea sa katahimikang bumabalot sa kanila

"Ayos lang yun Edea, naiintidihan ko Naman..sana lagi nalang tayo na Hindi nag aaway, Payapa"
______

"Cassiopea" agad na pinahid Ng Bathaluman ang luhang  tumulo mula sa kanyang mga mata  at Saka hinarap ang nilalang

"Ayos ka lang?"

"Oo Haliya, Ayos lang Ako" Sagot nito sa katanungan Ng Kanyang kaibigan, ngumiti ito Ng mapait at napabuntong hininga.

Alam niyang Hindi naniwala si Haliya sa kanyang sinabi, kaya muli Siyang nagsalita para Hindi na ito mag alala pa "May iniisip lang Ako"

"Sige kung yan ang nais mong paniwalaan ko"

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now