Sikreto

52 4 0
                                    

Masayang naglalakad ang mga bagong Sanggre at si Deia sa kagubatan, Kasama Ng kanilang mga bantay na kawal nang may narinig silang kaluskos sa Hindi kalayuan

Dahil narin sa pag kakuryos nila kung ano o sino ang gumagawa Ng ingay ay agad nila itong pinatunguhan, Doon ay Nakita nila ang Dalawang Encantado na nakaupo sa batuhan, kaya agad nila itong nilapitan

"Avisala" Bati nila, ngunit nagtataka lang na tumingin sa kanila ang Dalawa, dahilan upang Sila ay kabahan

"H-Hindi kami kalaban, namamasyal lang kami...gusto lang Naman namin makipagkaibigan" Paliwanag ni Cassandra na agad Namang sinang ayunan Ng dalawang Sanggre

"Alam ko. Pero kataka lang na may Kasama kayong Isang Minea-ves" Malamig na wika Ng Encantada

Tumingin naman agad Ang tatlo Kay Deia, na siyang nag mula sa Minea-ve

"Si Deia ba? Kaibigan namin Siya, bale nakatira Siya sa Lireo....tumakas Siya, nga pala Cassandra ang aking ngalan, Siya si Adamus at yung nakapula si Flamarra" pakilala ni Cassandra

"Kilala na namin kayo" Bagay na ikinataka Nila ngunit agad ding nakapagpaliwanag ang Encantado "Kayo ang mga bagong Sanggre...liban Kay Deia, sino ang Hindi makakakilala sa inyo?"

"Ako Si Yria...Siya Naman ang aking kakambal, Arzhel ang kanyang ngalan" pakilala ni Yria, may kaunting Ngiti sa kanyang labi

"Kung gayon...halikayo mga kaibigan dahil magtutungo Tayo sa Lireo" paanyaya ni Cassandra
___

"Ang Ganda parin talaga dito"

"Nakapunta ka na rito?" Tanong ni Cassandra na halatang gulat sa sinabi ni Yria, ngunit tumawa lang ito Ng tahimik

"Sa loob Hindi pa, sa labas oo..nadadaanan Kasi namin ang Lireo tuwing namamasyal kami" Paliwanag nito, napatango nalang sila Cassandra at inimbitahan ang kambal sa loob

"Cassandra, sino Sila?"Tanong ni Lira sa kanyang anak nang makasalubong niya ito

"Arzhel Po, at Yria" Pakilala ni Cassandra sa Dalawa, na nagmamasid sa Lireo

"Ahh Ganun ba, kung Ganon ay ipakilala mo na Sila Kila Ashti, matutuwa Sila sa mga new friends niyo" Ngiting Saad ni Lira at Saka Sila sinamahan sa punong bulwagan
___

Nang marating nila ang punong bulwagan ay agad na nagbigay pugay ang dalawa sa mga Hara at sa Rama

"Avisala, kayo ba ang mga bagong kaibigan nila Cassandra?" Tanong Ng Hara

"Opo, kami nga Po uhhh" Napalunok Ng Sariling Laway si Yria nang mapagtantong Hindi niya pa Kilala ang mga ito

"Hara Alena" napatingin Siya Kay Cassandra na biglaan nalang sumulpot sa tabi niya

"H-Hara Alena" Patuloy nito, huminga Muna ito Ng malalim Bago muling nagsalita "Yria Po ang aking ngalan"

"Hindi ba marunong magsalita ang itong Kasama?" Tanong ni Pirena na nakatingin sa binatilyo

"Marunong Po Hara, Arzhel ang aking ngalan"  Kalmadong Saad ni Arzhel

Napatango nalang si Pirena at ngumiti sa mga Bisita nila

"Pirena, Yun ang aking ngalan" Pakilala nito

"Tapos na kayo? Ako Si Ybrahim, rama Ng sapiro" pakilala Naman ni Ybrahim sa kanila

"Kinagagalak namin na makilala kayo, Mga Hara at Rama" Saad ni Yria, may ngiti sa kanyang labi

"Ngunit aking maitanong kung maaring magtungo Po kami sa Hardin?" Patuloy nito

"Sasamahan ko ang ating mga panauhin upang Hindi Sila maligaw at mapahamak" Boluntaryo ni Lilasari

Nagtaka ang Hara ngunit kalaunan ay pumayag narin ito sa kondisyong Hindi Sila lalayo Kay Lilasari
____

"Anong ginagawa niyo dito? Alam ba ito Nila-" labis na pag aalala ni Lilasari, ngunit agad  na nagsalita si Yria

"Namamasyal lang, bumibisita, Hindi Naman masama iyon, Diba? At isa pa, alam Nina Ina na nandito kami" Ngiti nito Kay Lilasari at naupo sa may bato

"Oo na, mga ashtadi kung gayon paano nalang kung may makaalam Ng inyong sikreto?" Tanong  ni Lilasari na ikinakibit balikat lang Ng kambal

"Kung  mangyari man ay hayaan mo na, nakakapagod ring magsisinungaling t magkubli" sagot ni Arzhel na ikinailing Ng ulo ni Lilasari

"Mga ashtadi, kaya nga Hindi pinaalam ang inyong pagkakakilanlan ay para palagaan kayo" naiinis na Saad ni Lilasari habang naglalakad

"Kaya Naman na namin ang sarili namin Edea, maiwan ka na namin" Saad ni Yria Bago niya hawakan ang balikat Ng kakambal at Doon ay naglaho Sila paalis at iniwan si Lilasari room

Lingid sa kanilang kaalaman ay natuklasan ni Mira ang pangyayaring iyon

A/N: Cliffhanger ba ito? I thinks so, malalaman din Naman nila, part two? saka na

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now