Bisita; Selos

48 4 0
                                    

Part three of Luntaie
A/N: nagbago Bigla isip ko
_______

"Ila Cassiopea, Hindi po ba Tayo bibisita sa Lireo?" Tanong ni Lira sa Sinaunang Reyna Ng Lireo, ngumiti lang Si Cassiopea at tinabi ang kanyang ginagawa— alam na ni Lira maging ni Mira ang katotohanan ngunit ninais ni Lira na manirahan parin sa isla ni Cassiopea "Nais ko pong bisitahin sila Ina"

"Sige.. magtutungo Tayo Doon"

"Avisala Eshma Po Ila!" sabay yakap nito Kay Cassiopea, napangiti Naman ang una sa inugali nito

"Tara na nga"

Hinawakan ni Cassiopea ang Balikat Ng Diwani at Saka Sila nag Laho patungo Ng Lireo
________

"Lira, mabuti Naman at nakadalaw kayo rito"  Salubong sakanya ni Mira na agad kumapit kaagad sa Pinsan na ikinatuwa nito

"Ikaw talaga, nangulila ka agad sa akin" pagbibiro ni Lira sa Pinsan, natawa Naman si Mira

"Siyempre,Kay tagal mo ring Hindi bumisita, halika na sa loob" Hinila ni Mira si Lira papasok Ng Lireo. Agad Namang sumunod sa kanila si Cassiopea

Nang Makita ni Amihan ang kanyang mga anak ay agad niyang niyakap ang mga ito

"Buti at Bumisita ka Lira" Saad ni Amihan

"Nais ko na pong manirahan dito...Yun ay kung ayos lang sa inyo ila" Saka ito tumingin kay Cassiopea

"oo naman"

"AVISALA ESHMA ILA!" Nagagalak na Saad ni Lira at niyakap Ng mahigpit si Cassiopea na Siya namang niyakap ito pabalik

Naglambing si Lira Kay Cassiopea, Hindi man lang nila napansin ang Pagpasok ni Lilasari

"Mahal na Reyna...may Bisita Pala" Nagbigay pugay agad si Lilasari Kay Cassiopea

"Dito na maninirahan si Lira" Balita ni Amihan, tumango nalang si Lilasari at pinilit ang Sarili na ngumiti

"Mamaya ko na sasabihin ang aking natuklasan" Saad nito at nagmamadaling  umalis

Nagtaka Naman silang lahat sa inasal ni Lilasari, ngunit Napagpasyahan ni Cassiopea na sundan ito
______

"LILASARI"  agad Naman siyang nilingon nito

"May problema ba?"

"Wala Po, bumalik na kayo sa loob baka hinahanap na kayo ni Lira" Halata ang pait sa tinig ni Lilasari habang nagsasalita ito

"Lilasari, wag kang magsinungaling sa akin...pakiusap"

"Wala Naman pong problema" Suminghap si Lilasari at hinarap si Cassiopea "At kahit Meron ay...Ako rin Naman ang dahilan"

"H- Hindi ko Naman mapigilan na masaktan na Makita ang pagiging malapit ni Lira sa inyo" Hindi na mapigilan ni Lilasari ang papatak Ng kanyang luha "ngunit pakiramdam ko ay Wala Naman akong karapatan na Masaktan dahil Ako rin Ang dahilan kung bakit nagkaroon Ng lamat ang ating relasyon"

Napalunok Ng Sariling Laway si Lilasari at wlang pasabing niyakap ang Sinaunang Reyna Na siyang ikinagitla nito ngunit niyakap rin Siya pabalik

"I-ina...Patawad" pagtangis ni Lilasari, hinaplos Naman ni Cassiopea ang likod Ng anak anakan

Huminga ito Ng malalim Bago humiwalay sa yakap nito at nagsalita "matagal na kitang pinatawad— halika na naghihintay Sila Doon sa loob"

Agad na nagbalik ang Dalawa sa loob, Doon ay naabutan nila ang mag iina nag kukwentuhan tungkol sa kanilang mga karanasan Bago nila malaman ang totoo, napangiti nalang Sina Lilasari at Cassiopea sa kanilang natunghayan

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now