Mundo Ng Tao

47 4 3
                                    

A/N: This is an Alternative Universe, an what if rather

#Whatif(s): What if Minea agreed with Raquim to go with him in the human realm and live there with Pirena and Amihan, whilst Cassiopea became it's acting Ruler
________

"Amihan, Pirena! Kakain na Tayo" Tawag ni Raquim sa Dalawa na agad Namang tumakbo papunta sa hapag kainan

"Wag kayong tumakbo" Paalala nito ngunit Ngiti lang ang isinukli Ni Amihan sa kanya

"Totoo Po ba talaga ang Encantadia? Bakit Hindi kami maaring magtungo roon?"  Tanong ni Pirena, habang kumakain

"Anak Pirena Hanggang kailan ko ba sasabihin na may dahilan kami at wag kang magsalita habang Ikaw ay kumakain" Paalala ni Minea sa nakakantadang anak, inirolyo lang ni Pirena ang mga mata ngunit kalaunan ay ngumiti na ito

Patuloy lang ang kanilang pagkain, Isang napakasayang pamilya kung tutuusin
________

"Nagpakita saakin ang Mata, Isang bagong sanggol raw ang aking isisilang....sa lalaking nagngangalang Enuo na noon ay nagligtas sa ating anak na si Amihan" Saad ni Minea, nakatingin Siya sa kanyang palad...nandoon ang tanda Ng pagdadalang diwata Niya, hinawakan Naman ni Raquim ang kamay Ng kinakasama at ngumiti

"Gaya ni Pirena ituturing ko ang sanggol na ito na aking anak.......kahit anak Siya ni Hagorn" Nakangiting Saad ni Raquim

Lingid sa kaalaman nila ay nakikinig ang Dalawa sa kanila,totoo na alam ni Pirena na Hindi Siya anak ni Raquim pero hindi ito alam ni Amihan kaya pakiramdam Niya ay Pinagtaksilan Siya nito. Ngunit hindi rin inasahan ni Pirena Ng huling niwika ni Raquim

" 'Nay....'Tay?" Tawag ni Amihan na ikinalingon ng Dalawa, malungkot itong nagsalita "nagsinungaling kayo sa Amin?"

"Ina!? Sabi mo ay....ay patay na ang aking ama? Bakit niyo itinago ang lahat Ng ito!?" Halata ang galit sa tinig ni Pirena dahil sa katotohanan na Ang kanyang ama ay Isang masamang nilalang

Tumalikod Siya at nagtungo na sa kanilang silid Bago pa tuluyang makapag salita si Minea
______

Sinundan ni Minea si Pirena sa silid, naabutan nito na tumatangis ang Dalaga, nakaramdam siya Ng pagkahabag

"Pirena anak" Tawag nito ngunit Hindi Siya nilingon ni Pirena, nakaramdam Ng lungkot ang inang Reyna.

Alam niyang galit ang anak dahil sa kanyang ginawa

"Ina? B- Bakit muli akong magkakaroon Ng kapatid sa ibang Ama?" Tanong ni Pirena na tumatangis parin, nais niyang malaman ang dahilan kung bakit

" Anak, sa ating lahi....Hindi kami nag pipili Ng magiging ama Ng isisilang at ipagbubuntis namin kundi ang Bathalang Emre, kaya wag ka Ng magtanim Ng Galit sa Amin Ng iyong amang Raquim, naiintidihan mo?" mahabang paliwanag ni Minea, Hindi Naman nag salita si Pirena

Lumingon si Pirena at niyakap ang Ina, niyakap Siya Naman ni Minea pabalik, lingid sa kanilang kaalaman ay nandoroon ang mag ama na nakamasid sa kanila

"Sama Kami!" sigaw ni Amihan at yumakap sa Ina't kapatid, bagamat gulat ay niyakap narin nila ito pabalik

Lumapit narin si Raquim at niyakap ang mag iina, Isang napakasayang pamilya ang makikita
___________

A/n: Raquim will be Pirena's Father figure kung sumama lang Sila sa Mundo Ng tao, no one can tell me otherwise

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now