Kaarawan

48 3 0
                                    

A/N: Kung aakalain niyo na Masaya itong chapter na ito....you are wrong.

WARNING: Neglect
_______

Tumingin sa paligid ang Hara Ng Niyebe, ilang araw na rin ang nagdaan simula nang  sugurin Niya Ng Lireo, ngunit Hindi niya nais na sirain ang kanyang araw na ito Lalo pa't napakahalaga para sa kanya ang kanyang kaarawan, kung kaya't gagawin Niya ang lahat para lang Hindi masira ang kanyang araw

Lumabas Siya sa kanyang silid at agad Naman na nagbigay pugay ang kanyang mga alagad ngunit Hindi niya pinansin ang mga ito, naglaho Siya sa Isang Lugar na paborito niyang puntahan simula Nang naipatapon Siya sa Lugar na iyon

Naupo Siya sa Ilalim Ng puno at nagsimulang Humimig Ng Isang awitin habang inaalala ang mga nagdaan niyang kaarawan Kasama ni Cassiopea.
_______

Samantalang agad Namang binati Ng Mga Ivtre si Cassiopea, Ngiti lang ang tinugon Niya sa mga ito at Hindi man lang nagsalita, may Isang Ivtre na nais siyang kausapin pero tinalikudan Niya agad ito at nag tungo sa batis Ng katotohanan

Bukod sa Kanyang isla ay paborito Niya ring patunguhan ang Batis, dahil nakakapagpakalma ito, pero Hindi ito nakatulong ngayon

Inalala Niya ang hirap na naranasan at kung paano na halos walang Oras sa kanila ang mga magulang, napaluha Siya nang Malala ang nagdaang Kaarawan nila Ng Kakambal
_______

Bagamat marami ang handa ang nasa kanilang harapan ay Hindi parin nagsimulang Kumain ang Dalawa, na tila may inaantay

"Bakit Hindi pa kayo Kumain?" Tanong ni Evades na napansin ang Dalawa

"Hinihintay Po namin si Ama, Guro"

"Sabi Niya ay gagawa Siya Ng paraan para makadalo sa aming kaarawan" Umaasang sagot ni Mitena sa guro

Hindi Naman nagsalita si Cassiopea bagamat alam Niya ang ugali Ng Ama ay Umaasa din siya na tutuparin nito ang pangako Niya

Ilang Sandali lamang ay dumating na ito, Halatang pagod dahil sa maghapon na pag tatrabaho

"Avisala Ado" Saad ni Cassiopea at nagbigay pugay

Ngiti lang ang isinukli Ng kanilang Ama

"Hasne Ivo Live Mitena, Cassiopea" Bati nito

"Kumain na Po Tayo Ama!" masayang sambit ni Mitena, may kaunting Ngiti Naman si Cassiopea

"Oo nga Po, matagal kaming nag antay" pag sang ayon Naman ni Cassiopea

"Poltre ngunit, Abala pa Ako sa aking gawain, pumunta lang Ako upang ibigay ang aking regalo sa inyo" Saad nito at Nilabas ang Dalawang Kuwintas, tinanggap Naman ito Ng Dalawa na nagbigay Ng isang malungkot na Ngiti

Tumalikod na Ang kanilang Ama, ngunit humarap itong muli sa kanila

"Bago ko makalimutan, Cassiopea...pakitandaan mo na May Pag sasanay ka pa" bumaling Siya Kay Mitena "Magbait ka Mitena...wag ka Ng muling gagawa Ng gulo"

At Doon ay umalis na ito...nanlumo si Mitena, Hindi niya akalain na Isang Aksidente lang ang magiging dahilan upang lumayo ang kanilang Ama sa kanya

"Hindi ka ba kakain?" Tanong nito nang Makita si Cassiopea na tumayo sa kanyang kinauupuan

"Hindi na, babalik Ako ...kailangan ko pang magsanay, Kumain ka na lang diyan..Wala na akong gana" Malungkot ngunit Malamig na sagot Ng Kapatid

"Kumain ka kahit kaunti...ilang araw ka Ng nalilipasan Ng gutom oh" Sagot nito at hinatian Ng Paneya ang kakambal pero tinanggihan Siya nito

"Sa'yo nalang Yan, magpakabusog ka Mitena at wag mo na akong sundan"

Naglaho na si Cassiopea, naiwan Naman si Mitena Doon na nakaupo, sinundan Niya si Cassiopea..Nakita Niya ito na nagsasanay sa Tapat Ng Batis Ng Katotohanan, tila ba naglalabas Siya Ng Galit, Sandali siyang tumigil Nang mapansing ang Presensya Ng Isang nilalang, kaya humarap Siya dito

"Mitena? Bumalik ka na sa tahanan natin...Lalo pa't may mga Etherian parin nagmamasid sa paligid" Saad nito at lumapit sa kapatid

"At Ikaw!? Hahayaan mo nalang na mapahamak ka!?" Pasigaw na Tanong ni Mitena, bahagyang nainis si Cassiopea dahil Doon

"Kaya ko ang aking sarili! Nais lang kitang protektahan Mitena!" Sagot ni Cassiopea

Hindi nila namalayan ni Mitena ang isang Etherian sa kanyang Likuran ngunit Bago pa man Siya mapuruhan ay Binato na ni Cassiopea ang kanyang sandata at agad na tinago ang kakambal sa kanyang likuran

Dumami Ng Dumami ang mga Etherian Hanggang sa napalibutan na sila, Matalim na tumingin si Cassiopea sa kalaban at nilabanan mga ito, may kaunting sugat na natamo si Mitena dahil natamaan ito Ng Sandata... ngunit kumpara Kay Cassiopea na may natamong saksak ay kaunti lang ito

Nang mapansin ni Cassiopea na Sila ay Wala ng laban dahil parami na Ng parami ang mga Etherian ay hinawakan Niya ang kamay Ng Kapatid at naglaho

Ginamot nito ang kanilang mga sugat at matalim na tumitig sa kakambal

"Sinabi ko na sa'yo na akong sundan Mitena!"  Nirolyo Niya ang kanyang mata at humalikipkip "Napahamak ka pa tuloy! Sa susunod ay wag mo na akong sundan"

"Napahamak!? Sa aking pagkakaalam ay Ikaw Ang nagtamo Ng saksak!" Pakikipagtalo ni Mitena pero tinalikudan lang Siya ni Cassiopea at iniwan sa Hardin
_______

Napabuntong hininga na lang ang Bathaluman, tumingin Siya sa himpapawid at malungkot na ngumiti

"Andito ka lang Pala...hinahanap kita Anak" lumingon si Cassiopea sa nagsalita at nakita Niya Doon ang ama na alam niyang hinahanap Siya

"Oo...magbabalik din Ako Ng Devas..Mauna na kayo" Bagamat Hindi niya nais na kausapin ang Ama ay pakiramdam Niya na Wala Naman siyang pamimilian

Gamit ang kapangyarihan ay pinalitaw Niya ang regalong kuwintas Ng Ama at binalik ito sa kanya, nagtataka Naman nitong tinanggap ang kuwintas pabalik.

Naupo Siya sa bato at tumitig lang sa ama naghihintay na Iwan Siya nitong mag isa
__________

May luhang tumulo mula sa Mata ni Mitena,  malungkot siyang tumitig sa Himpapawid, Tinanggal Niya ang kuwintas na regalo Ng Ama sa kanyang leeg at tinago ito gamit ang kanyang mahika

"Ano bang nagawa Kong Mali?... dahil ba sa aking Wangis kaya tinuring nila akong Isinumpa!?" Tanong niya sa Sarili, kahit na alam niyang Wala  namang sasagot sa mga katanungan Niya

Katanungan na matagal Ng nanatili sa kanyang isipan...nais niyang malaman kung bakit Ganon nalang kadali sa kanyang ama na ipatapon Siya dahil lang sa sinabi Ng kapwa nila Encantado.

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now