Pahinga

53 3 11
                                    

Requested by: _CydneyFrancisco, sorry late
______

"Lola Cassy Please na Kasi, Ngayon lang Promise" Pagsusumamo Ng Sanggre sa Bathaluman, Pero Hindi Siya nito pinansin

Napahalukipkip Naman ang sanggre at pinahaba ang kanyang nguso

"Sige na please!" pangungulit nito sa Bathaluman

"Lira, Abala Ako..Mamaya na Yan" Saad Ng Bathaluman at bumalik sa kanyang ginagawa, napairap lang si Lira pero Hindi Siya umalis

"Nasaan ba si Mira? Siya nalang ang ayain mo, Iwan mo Akong mag isa" Tanong niya

"Please, Cassiopea...Ngayong araw lang, kailangan mo rin Ng pahinga oh" pagpupumilit Ng Sanggre pero Hindi nalang Siya pinansin Ng Bathaluman

"Cassiopea? Hindi ka pa ba tapos diyan?" Napalingon ang Dalawa sa Bathalang Kakadating pa lamang

"Kaunti nalang at matatapos ko na ito" Sagot Niya, napataas Naman ang kilay Ng Bathala

"kahapon mo pa ginagawa Yan, nalilipasan ka na rin Ng gutom, Cassiopea. Mag pahinga ka Muna...pagbigyan mo ang hiling Ng luntaie dahil parehas nating Alam na mas mapapagod kang kakasaway sa kanya" Ngiti nito na ikinairap lang Ng Bathaluman

"manahimik kayong Dalawa" Madiin na Saad niyo at Pinagpatuloy ang ginagawa

Napasinghap Naman ang Bathala at Ginamit ang kanyang kapangyarihan upang maitago ang ginagawa nito

"PARA SAAN YUN!?" Inis na sigaw Ng Bathaluman, ngitian lang Siya Ng Bathala samantalang Mahinang natawa Naman si Lira

"Wala ka Ng ginagawa? Magpahinga ka na, may pagkaing nakahanda sa hapag kainan" Saad nito at tumalikod na ito at umalis

"Kung Ganon...Kadamay ka rin Emre, kung nais mo na magpahinga Ako ay Kasama ka rin" Ngiti nito at Ginamit ang kanyang kapangyarihan para harangan ang dadaanan Ng Bathala

Napatingin Naman sa kanya ang Bathala at Gamit ang kanyang kapangyarihan ay sinira nito ang pananggalang na ginawa Ng Bathaluman

"Walang magbabantay Ng Devas kung Sasama ako sa inyo" Saad nito, tumingin lang si Lira sa Dalawa habang nagpipigil Ng tawa

"Ako Na ang bahala sa Devas." Napalingon Sila Kay Haliya na bigla nalang sumulpot sa harapan nila "kaya maari kang Sumama sa kanila"

"Haliya...Wala akong tiwala sa iyo" Saad Nito na may ngiti sa labi

"PASHNEA! Tinutulungan ka na nga lang! Umalis na nga kayo. Avisala meiste" Saad nito at tinulak ang Dalawa palayo

"Well nakasettle na Po?" Tanong ni Lira at Hinawakan ang Balikat Ng Dalawang Bathala Bago Isabay ang mga ito sa kanyang paglalaho
_______

Tumingin sa paligid ang Bathala na nagtataka, ang Lugar kung saan Sila dinala ni Lira ay nag Lugar na una nilang pinagtagpuan ni Cassiopea

"Dito? Bakit mo kami Dinala dito Sanggre?" Takang Tanong ni Cassiopea na nililibot ang paningin sa Paligid

"Ayaw niyo Po?" Tanong ni Lirasa Bathaluman habang nakaupo sa Batuhan

Nakatingin lang sa kanila ang Bathala na tila naiinip na

"Hindi Naman sa ganon ngunit...sa Dami Ng Lugar, Bakit Dito pa?" Pagtataka Ng Bathaluman

"Trip ko lang Po" Ngiti ni Lira

Sarkastikong tumawa nalang si Cassiopea, nang kumalam ang sikmura ni Lira

"Lira...wag mong Sabihin na nagtungo ka Ng Devas na Hindi pa kumakain" Takang Tanong ni Emre na ikinatawa nalang ni Lira

"Uh...Hindi nga Po"  Ngiti nito

"Lira." Madiin na Saad Ng Bathala, at humalikipkip

*Napasinghap nalang ang Bathala Bago niya gamitin ang kapangyarihan upang makagawa Ng makakain*

"Kumain na kayong Dalawa" Saad Ng Bathala at inabutan ang Dalawa Ng Prutas

Tinanggap Naman nila ito at nag simulang Kumain

"Hindi ka kakain?"  Tanong ni Cassiopea sa Bathala

"Kumain na ako kanina" Tugon nito.

Samantalang Abala Naman masyado sa pagkain si Lira na nakaupo sa batuhan, ilang Sandali lamang ay Nakakita ito Ng kakaibang pashnea — Isang mala yelong kuwago, nagpasyahan niyang sundan ito mabuti nalang at Nakita agad Siya Ng Dalawa

"Lira!" Sigaw ni Cassiopea, na napatigil sa Sanggre, batid Niya kung sino ang may ari ng pashnea— agad niyang hinila si Lira

"Po?" Tanong Ng Sanggre. Napailing nalang si Emre

"Lira, wag kang lalayo sa amin." Saad Ng Bathala na ikinataka Ng Sanggre

"Pero bakit Po?" Tanong nito

"Mapanganib Lira" tugon Ng Bathaluman at tumingin sa himpapawid"maggagabi na..bumalik na Tayo"

"Wait lang Po..may ipapakita lang Ako!" Saad ni Lira at hinila ang Dalawang nagtataka na Bathala
_____

Narating nila ang Isang batis...kakaiba ito, maraming nagliliparang mga pashnea, kakaiba ang wangis Ng mga ito. Hindi kagaya Ng mga ibang pashnea

"Ngayon ko lang Sila nakita. At ang Lugar na ito" Bumaling ang Bathaluman sa Bathala na nakatitig lang sa Isang direksyon "Bakit Hindi mo sinabi na may ganitong Lugar Pala dito sa Encantadia? Emre?"

"Ngayon ko lang din nalaman ang Lugar na na ito" Saad Ng Bathala

Si Lira Naman ay nalilibang sa pakikipaglaro sa mga pashnea, sumasayaw pa ito habang pinapalibutan Siya Ng Mga Pashnea

"Kay Ganda Rito..Kay payapa" Saad ni Cassiopea na nakatitig sa Sanggre na siyang sumasayaw sa saya— sinandal Niya ang kanyang Ulo sa Balikat Ng Bathala

"Tunay nga" Saad Ng Bathala at ngumiti Ng kaunti

"Ngunit tara na at Magbalik dahil madilim na Ang langit" Patuloy pa nito

"Lira! Sa susunod na lang Tayo Magbalik dito, halika na" Saad Ng Bathaluman

Agad Namang lumapit si Lira sa dalawa at tumango, parehas nilang hinawakan ang Balikat Ng Luntaie Bago Sila nag Laho pabalik Ng Devas

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now