Babala

47 4 2
                                    

"Danaya" Napailing ang Hara durye Ng Lireo nang marinig ang tinig Ng Bathaluman sa kanyang isipan,alam Niya  na may Hindi Siya magandang Balita Lalo malamig  ang tinig nito at tila nababahala

"Danaya, makinig ka sa aking sasabihin. Ilayo mo Ang iyong anak, magtungo kayo ni Aquil sa Mundo Ng tao"

"Hindi na kayo ligtas rito....Enai!"
_________

Napabalikwas Ng bangon ang Hara durye dahil sa pagpapakita Ng Bathaluman sa kanyang panaginip, Hindi matanggal sa isip Niya ang sinabi nito—bumangon Siya mula sa kanilang higaan at tinignan ang kanilang anak, si Terra...masyado siyang nag aalala para sa kaligtasanng kanyang anak

"Mahal ko, bakit Ika'y gising pa?" Narinig Niya ang tinig ni Aquil, na niyakap Siya mula sa likuran

Napabuntong hininga nalamang si Danaya at Hinawakan ang gilid Ng higaan Ng kanyang sanggol, Hindi Siya nagsalita, labis na pag aalala ang nararamdaman ni Aquil— ni Hindi man lang niya malaman ang tumatakbo sa isipan ng asawa

Alalang alala na si Danaya para sa kanyang mag ama, para sa kanilang kaligtasan

"Mahal ko?" Muling tawag sa kanya ni Aquil, sa pagkakataong ito ay nilingon na Niya ang asawa

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito nang mapansin ang pagkabahala Ng una, napabuntong Hininga nalang si Danaya

"Nag aalala ako Aquil... nagpakita sa akin ang Bathalumang Cassiopea, nagbigay Siya Ng Isang babala, Hindi na ligtas dito si Terra" Sagot nito, Hindi niya mapigilan ang pag taas Ng boses dahilan upang magising si Terra at umiyak agad Namang kinuha ni Danaya ang kanyang anak at muling pinatulog

Hinawakan niya Ang kamay Ng Asawa Bago maglaho sa Azotea Ng Lireo upang Doon nalang sila mag usap

"Danaya Anong ibig mong Sabihin na Hindi ligtas dito ang ating anak?" Tanong ni Aquil, maging Siya ay nababahala narin.

"Binigyan Ako Ng babala Ng mahal na na Bathaluman, ang Sabi lang niya  ay nasa panganib ang ating anak, wala na siyang detalyeng sinabi" Sandaling tumigil sa pagsasalita si Danaya at niyakap si Aquil,Hindi na Niya mapigilan ang pag tulo Ng kanyang luha "Nag aalala na akong masyado aquil"

Niyakap naman pabalik ni Aquil si Danaya at hinaplos ang kanyang likod, pinapakalma ang asawa, nang kumalam na si Danaya sa Kanilang Yakapan ay pinatakan Niya ito Ng halik sa labi at ngumiti

"Wag kang mag alala mahal ko, proprotektahan ko kayo — kung kinakailangan nating magtungo sa Mundo Ng tao ay gagawin natin. Mailigtas lang si Terra, kaya payapain mo Ang iyong sarili" Pagpapagaan loob na Saad ni Aquil Kay Danaya, tanging tango lamang ang sinagot ni Danaya Bago Siya yakapin Ng mahigpit.

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now