Komprontasyon

51 3 0
                                    

Patuloy na naglakad sa kagubatan ang isang Encantado,  pinagmasdan Niya ang madilim na kalangitan at pulang mga buwan, alam Niya ang delubyong nagaganap ngunit Hindi ito halata dahil sa Hindi Naman nagalaw ang Encantadia. Napabuntong hininga Siya....kung magagawan lang niya Ng paraan para mawala na Ang poot sa puso Ng kapatid ay ginawa na Niya  pero Hindi niya nagawa

Nagtungo Siya sa Batis Ng katotohanan, ang paboritong Lugar Ng kanyang kapatid, Doon ay Nakita Niya ang Bathalumang Haliya na nakaupo't tumatangis....pinagmamasdan ang dating mga sandata Ng mga dating kaibigan

"Bathaluman" Mahinang sabi nito na ikinalingon ni Haliya, huminga ito Ng malalim Bago ito magsalita "Nais ko sanang hiramin ang sandata Ng aking Ina"

"Pagkaingatan mo" Saad Ng Bathaluman at binigay ang sandata sa Encantado, nagbigay pugay ito Bago naglaho
_______

Nagtungo ang Encantado sa isang kaharian noon ay ayaw siyang papuntahin Ng mga magulang, naglalakad Siya sa kaharian na dating pagmamay Ari Ng Reyna Ng Niyebe, ang mineave. tumingin Siya sa paligid, walang nagbago, liban nalang sa kaharian na Ang iba rito ay nasira na

Huminga Siya Ng malalim, kumuha Ng lakas Ng loob na pumasok sa kaharian, walang mga bantay.....magaling, ngunit Kilala Niya ang Kapatid, Hindi ito mahilig na may Kasama. Sa kanyang pagpasok ay Nakita Niya ang pagtatalo Ng Kapatid at Ng isa pang Encantada

Pinatamaan Niya ang mga ito Ng kapangyarihan dahilan upang mapatigil at mapatingin ang mga ito

"E corrie Apwe....Avisala Elios" Sarkastikong Saad Ng Encantada at niyakap Siya, Hindi Niya ito itinulak ngunit Hindi rin Siya yumakap pabalik ngunit agad rin Siya nitong binitawan

"Anong ginagawa mo!?" Halo halong emosyon ang bumalot sa Encantado, pinagmasdan Niya ang kapatid....dismayado sa ginawa nito

"Masama ba? Masama ba na iganti ko ang nangyari sa ating mga magulang!?" Saad nito at Sarkastikong tumawa

"Shedda Asha, Hindi lang Ikaw Ang nawalan....nawalan din kami ni Lilasari Ng Ina" Pagsigaw ni Elios sa kapatid

Natawa lang si Asha

"Si Lilasari? Hindi natin Siya kadugo Elios....lumaki Siya sa piling ni Ina, Hindi natin Siya kapatid" Madiin na Saad nito

Napailing lang dahil Doon si Lilasari

"Tama na!" Malakas na sigaw nito, nagpabaling baling ito sa Dalawa "At Sa tingin niyo ay magugustuhan nila ang pagtatalo ninyo!?"

Natahimik ang Dalawa dahil Doon, dismayado siyang napailing

"Mga Bathala kayo, sana ay pag isipan niyo ang ginagawa ninyo" bumaling Naman siya Kay Asha "At Ikaw sa lahat ang nakakaalam na Hindi gugustuhin ni Ina ang ginagawa mo, Hindi niya nais ito"

Hindi nakasalita si Asha sa sinabi nito,mahigpit ang kapit Niya sa kanyang sandata

"SHEDDA! SHEDDA!" Sigaw Niya at sinugod si Lilasari pero sinangga ito Ng kapatid

Sila ang naglaban sa huli, nakatayo lang si Lilasari Doon, pinaalala sa kanya ang galaw Ng Ina inahan

"Shedda! Tumigil na kayong Dalawa" Huminga Siya Ng malalim Bago lapitan si Asha

"Asha...Mali ang ginagawa mo, Hindi Tama na itong ginagawa mo. Lahat Ng ayaw ni Ina ay ginagawa mo...Gumising ka nga!" Saad niya

Napatingin si Asha sa kaharian at sa sandatang hawak hawak.... napagtanto Niya ang ginawa, alam Niya na Hindi ito Tama pero nagpadala Siya sa Galit, bumasak Siya sa sahig, tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata....matang puno Ng pagsisisi, naramdaman Niya ang paghawak Ng kapatid sa kanyang balikat

"Mali ang ginawa mo...alam mo yan" Kalmadong Saad ni Elios

"Alam ko pero.." Sandali siyang tumigil at Patuloy na umiyak Bago nagsalita "Nais ko lang Naman iganti ang ating mga magulang"
_______

A/N: Eyy this is the second time.....so Make them, orphans

Kayo na bahala sa mangyayari, Ituloy niyo whatever. Wala itong part two

ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons Where stories live. Discover now