C O N T I N U E D. . .
Mas lalong lumapit si thiago sa dulohan ng apakan ng truck na ikinabahala ng lahat.
"A-anong gagawin mo, sir thiago?" Kuryosong tanong ni kenzo na kanina pa pinagmamasdan si thiago.
"I just got motivated— meara just confessed her feelings for me, HAHAHA!" Tinapon niya ang gallon ng gas kung saan naroroon ang talagang pinakatarget nila, ang RATTERS, sabay kuha ng pistol na baril na nasa baywang niya.
"THIAGO!" Nanggagalaiti niyang pasigaw na tanong sa binata habang nakaluhod at nakabend ng kaunti ang kaniyang katawan at takip takip nito ang tenga niya, paghahanda dahil sa paparating na pagsabog kapag binaril ni thiago ang gas.
Parang slow motion ang bawat galaw na nakikita ng dalaga sa ginagawa ng binata. Walang pag aalinlangan ni thiago na binaril ang hinagis niyang gas na sakto rin na tumalon ang higanteng infected na ratters papunta sa truck nila at handa ng taubin ang sinasakyan nila...
"AGGHHH!" Takot na sigaw ni grace. Ayaw niya ng makita ang susunod na mangyayari kaya ipinikit niya ang mga mata niya ng mariin at takip takip ang ulo nito gamit ang kamay niya. iniisip niyang hindi mapagtatagumpayan ng binata ang binabalak niya.
"EAT THAT SH*T UP!" Thiago arrogantly yelled at the zombie as he saw the explosion to the ratters body and other zombies.
*Explosion*Mabilis na itinuon ni thiago ang atensyon nito sa nagda-drive na si manong ronnie na nakatingin rin sa pasabog na nangyari.
"Tay ronnie!" Tawag ni thiago sa matanda na nagpabalik sa katinuan nito. "Iikot niyo ang sasakyan ng mabilis para magsipagkalasan na 'yang mga hinayupak na nakasabit sa trak!"
"Kumapit kayong mabuti dahil," mabilis niyang inikot ang manobela at ginalaw ang gear ng pasulong. "Ililipad ko na ang punyetang sasakyan na 'to!!!" Malakas na sigaw na babala ni manong ronnie sa mga kasamahan niya.
Lahat sila ay napakapit sa puwede nilang kapitan habang nakayuko't nakaupo ang lahat. Kitang kita nilang lahat sa dalawa nilang mga mata ang nangyari kahit na paikot ikot ang paningin nila sa bilis ng pagpapaikot ng matanda na kunti na lang ay malalaglag na ang mga hayop na karga karga ng sasakyan nila.
Nang makabwelo na si manong ronnie at napansin niya na rin na wala ng nakasabit na mga pesteng nilalang na 'yon ay mabilis niyang pinaandar ng diretso ang malaking sasakyan. Saktong nakaalis na sila sa lugar na nagpahirap sakanila, nakatingin halos lahat sila sa gawing pagsabog na nangyare kanina. Sa hindi nila inaasahan ay sumabog na naman ito. Nagsipagliparan ang mga zombie roon. Ayos na ang lahat dahil malayo na rin naman sila roon pero nakaukit pa rin sa kanilang mga mata ang apoy na naglalagablab habang nakatingin sila roon at papalayo na sa lugar.
BẠN ĐANG ĐỌC
THE CURE OF THE UNDEAD (ON-HOLD)
Khoa học viễn tưởng" WE MUST STRIVE, TO SURVIVE." Would you rather be alone than to be one of them? Zombies! Isa si Meara sa natatanging natitirang survival sa mundo, isang walang kinakatakutang babae. Ang akala nito'y wala ng natitira pang buhay na tao sa mundo han...