☢️/27/ GIRLS FIGHT ☢️

112 7 3
                                    

CHAPTER TWENTY - SEVEN: GIRLS FIGHT

3 WEEKS HAD PASSED

|•|•|THIRD PERSON POINT OF VIEW|•|•|

TATLONG linggo na rin sinusubukan tumakas ni meara. Halos lahat na ng paraan ay ginawa niya. Umakyat sa naglalakihang pader, hinahanap ang kung ano man para lang mabuksan ang matangkad, makapal at malaking metal main gate ng lugar pero wala siyang napagtagumapayan roon. She even try to swim in the ocean in the middle of the night kahit na takot ito lumangoy ng hindi abot ng paa niya but she failed. Ang bangkang nakablaranda lagi sa dagat malapit sa tambayan ng mga matatanda sa safe house ay tinago ni thiago.

Of course, if meara will do anything to escape, Thiago will do everything prevent meara from leaving their place.

|•|•|THE CURE OF THE UNDEAD|•|•|

Tanghaling tapat at nakahilata pa rin ang ang dalaga na si meara sa kaniyang kuwarto. Wala itong balak tumayo o makipaghalubilo man lang sa mga tao na nasa labas. She look so miserable hugging her knees and herself at the mattress. She didn't even eat properly for the passed 3 weeks. Kahit na masasarap ang niluluto ni thiago na siya rin ang nagbibigay sa tatlong linggong iyon ay madalas na hindi ni meara ito binabawasan. Bihira lang niya ito galawin, kapag gutom na gutom na talaga ito pero kakaunit pa rin ang nababawasan. Kahit pakiusapan ito ni thiago, kinukumbinsi sa kung ano ano ay nauuwe lang sila sa pagtatalo, kaya minabuti ng binata na umiwas muna sa dalaga.

Ngayon ay pinakikisuyoan niya si giann ng maayos na siya muna ang maghatid ng pagkain sa dalaga at baka sakaling kumain ito kapag hindi siya ang nakita nitong naghatid. Ang mabait na doktora ay pumayag naman sa request ni thiago.

Mga nasa trentang hakbang na lang ito ay mararating na niya ang kuwarto ni Meara sa ikalawanh palapag ng building. Dala dala niya syempre ang pinakaiingatan niyang pagkain para sa dalaga. Isang inihaw na isda ang ulam ni meara, may kanin rin, malamig na tubig, at ang dessert naman niya ay tatlong vanilla cupcakes. Ang iniingatang dala dalang pagkain ni giann ay muntik ng masayang dahil sa ginawang pag-gulat sakaniya ng kaibigan na si dahpne mula sa likuran niya. Napatalon kasi ito sa gulat. Mabuti na lang at naagapan pa niya ang higpit at balanseng paghawak niya sa tray.

"Napakapilyo mo talaga, daphne!" Inirapan niya ang kaibigan saka siya huminga ng malalim.

Tawang mapang-asar muna ang naging reaksyon ni daphne rito bago siya nagsalita. "Hindi ka na nasanay sa akin, doktora." Depensa nito. "Teka, 'yung mukha mo kanina subrang nakakatawa!" Tawa nito uli habang nakaalalay pa ang mga kamay niya sa da tuhod nito. Pinapalo palo niya pa ang hita sa hindi makalimutang nakakatawang nagibg reaskyon ni giann kanina.

"Naka-trip ka nanaman ngayon. Bakit? Nakakainka ba ng—." Naputol ang sasabihin niya dahil nag-iba ang reaksyon ng kaibigan niya nang makita niya ang hawak nitong tray na may pagkain.

"Bakit may dala dala kang pagkain rito? Lagi tayong kumakain ng sabay sabay sa kusina at walang nagdadala ng pagkain ng kahit sino dito sa atin ng ganiyan. Para kanino iyan?" Sunod sunod niyang tanong kay giann na nananitili pa rin ang tingin sa hawak ng kaibigan na pagkain.

"A, ito— para kay meara 'to. Pinakisuyoan kasi ako ni thiago na ako muna raw ang maghatid ng pagkain na niluto niya baka sakali na kumain si meara 'pag iba ang naghatid at hindi siya."  Sagot nito sa tanong ng kaibigan kanina.

"Tama ba ang pagkarinig ko? Pinakiusapan ka ni thiago na ibigay iyang pagkain na 'yan malanding babae na 'yon!" Pagtaas nito ng boses sa inis na dahiln na sinabi ng kaibigan nito sakaniya.

THE CURE OF THE UNDEAD (ON-HOLD)Where stories live. Discover now