☢️/9/ THIAGO'S CERTAINTY☢️

180 9 2
                                    

           >•>•>•>•>וו×<•<•<•<•<

CHAPTER NINE: THIAGO'S CERTAINTY

           >•>•>•>•>וו×<•<•<•<•<

NAKATINGIN si meara sa inabot na kamay nitong si thiago. Tinaas naman ng binata ang kilay nito na nagpapahiwatig na sumama na ito. Nang mapansin din ni kenzo ang tingin ng dalaga kay thiago ay bumulong ito sa binata na katabi niya.

"Sa tingin mo ba, sir thiago, ay gagana 'yang paliwanag mo't pamatay na ngiti sakaniya?"

"Of course. Sino ba namang humindi sa 'ki—" bumuntong hininga ang dalaga dahilan para matigil ang iwiwika ni thiago kay kenzo at isa rin ito ang kumuha sa atensyon ng dalawa.

"You're just wasting my time," sabay tingin nito sa relo niya nang saglit. Iniisip niya kung malayo pa ang pinang-galingan nila ay kailangan na nilang umalis dahil kapag naabutan sila ng gabi, uubosin silang lahat ng halimaw. "You all should go back where you belong before the sun down, dahil kung hindi pa kayo kikilos ngayon, siguradong magiging peste na rin kayo kagaya nila," lalakad na sana itong dalaga nang may naisip pa siyang idagdag sa sasabihin niya kaya hinarap niya sila uli. "At isa pa, hindi kayo pwede tumuloy rito, ayokong may alagain sa bahay ko." Tuloyan na itong tumalikod sakanila at pumasok na sakaniyang tahanan wala itong pakialam kung ano man ang iisipin ng mga kasamahan ni grace sakaniya, basta sinabi niya ang dapat niyang sabihin.

Sa kabilang banda naman ang iniwan ni meara'ng tao sa labas ng kaniyang bahay ay nakaukit sakanilang mukha ang pagkadismaya at inis na reaksyon ng iilan sa dalaga.

"Grabe, ang trash ng attitude niya~ ngayon lang ako nakakita ng gano'ng kasigang babae. Mabuti na lang talaga ay bumawi si ate girl sa ganda at kaseksihan~" saad ni sienna. Bukod kay grace ay siya ang isa pang babae nilang kasama. Bata pa ito, nasa dese nuebe ang edad (19).

"Mmm!" Sinamaan ng tingin ang dalaga na si wren, ang boyfriend ni sienna.
"Nakikisali ka pa, hayaan mo na baka may pinagdadaanan lang 'yung tao kaya siya ganiyan, babe" Paliwanag nito sa nobya na nakanguso pa't nakatingin sakaniya.

"Sorry, babe~ 'di na po mauulit, promise." Saad ni sienna habang yakap nito sa bisig ng kaniyang kasintahan.

"Tsk," wala na ginamit niya na naman ang pagpapa-cute niya, paano pa 'ko magagalit niyan sakaniya. "Oo na, pasalamat ka.. mahal kita." Naging pabulong ang huling salita ni wren.

"Hmm? Ano 'yon, babe??" Kuryoso na tanong sa nobyo ni sienna habang tinitignan ito nang may pagpapacute.

"Wala." Huling sambit ni wren saka ito tumingin sa ibang direksyon habang tinakpan pa ang bibig nito dahil sa hiyang pamumula nito ng kaniyang pisngi.

"Ang sakit niyo namang dalawa sa mata" biro ni kenzo sa mag kasintahan na ikinatawa ng lahat. Si kenzo talaga ang palabiro sakanila, kahit sa lugar na tinutuloyan nila ngayon siya ang nagpapabuhay roon sa pamamagitan ng mga biro niya.

"Ang sabihin mo inggit ka lang" ani ni sienna na laging nakikipagsagutan sa biro ni kenzo. Nagtinginan tuloy ang dalawa nang may nakakaloko.

"Talaga? 'Pag ako nakahanap pa ng babaeng survivor, tapos mabango, sexy at maganda, naku! baka mas sweet pa kami sainyo sienna, na pati langgam didikit sa 'min." Tumawa naman ang lahat sa birong sinabi nitong si kenzo.

THE CURE OF THE UNDEAD (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon