☢️/8/MEARA AND THIAGO FIRST MEET☢️

241 10 1
                                    

        >•>•>•>•>ווו×<•<•<•<•<

CHAPTER EIGHT: MEARA AND THIAGO FIRST MEET

        >•>•>•>•>ווו×<•<•<•<•<


"Meara!" bungad nitong ani ni grace habang papalapit sa dalaga at sinalubong ito ng yakap. Napatulala sa gulat ang dalaga no'ng una pero kalaunan ay napalitan ito ng iritang reaksyon sakaniyang mukha. "Masaya ako at ayos ka lang," kumalas na ito sa pagkayakap at hinarap ang dalaga na may ngiti sakaniyang labi habang winika iyon.

Irita siyang tinignan ni meara pero wala lang ito sa ginang at nakahawak pa rin ito sa balikat nito at pinatuloy ang dapat sabihin.  "Nakita ko ang mapa sa kotse mo, nakalagay do'n kung saang lugar matatagpuan ang ibang pang mga survivor, tapos may mga iilan din doon na police— at willing pa'ng maghanap pa ng mga iba pang buhay dito sa atin, at isa sila do'n" Turo nito sa mga tao na naroroon sa truck. Kumaway naman sila at ngumiti kay meara ng tumingin ang dalagang walang emosyon sakanila. "Tinulongan nila kami agad nang makarating kami sa lugar nila. Mas safe doon. Kaya, iha, sumama ka na sa 'min bilang pasasalamat k-" inalis ni meara ang pagkahawak sakaniya ng ginang at talagang pinagpag pa ang pinanghawakan sakaniya nito sa balikat niya.

"E 'di sana hindi ka na lang bumalik dito. Hindi mo pa rin talaga maintindihan e 'no? Kaya ko nga inilagay 'yon do'n para hindi na kayo bumalik pa rito, but i was wrong, you have guts to come here and you really took someone else with you?" Sabay tingin nitong lahat sakanila. Binigyan naman nila ng hindi nakapaniwalang titig ang dalaga sa sinabi niya itong sakanila bago sila magtinginan sa isa't isa. "Stop this nonsense, 'cause I'm not going anywhere hindi ni'yo ako mapipilit na sumama sainyo kahit ano pa'ng gawin ninyo, kaya kung ako sainyo umalis na kayo dahil nagsasayang lang kayo ng laway niyo." Tatalikod na sana ito at iwan sila roon nang hawakan siya uli ni grace sa braso nito dahilan para mapahinto siya. Inalis naman agad ito ng dalaga.

"P-pero, meara, malaki ang utang na loob ko sa'yo— binuwis mo ang buhay mo para lang iligtas kaming mag ina, kaya hayaan mo na ako naman ang tumulong saiyo."

"Wala akong hinihinging tulong sa'yo at wala akong tatanggapin na tulong kahit sino man sainyo, JUST LEAVE!" pag taas ng boses nito sakanila na ikinagulat ng lahat. Hindi niyo rin masisisi si meara dahil sa pinakitang reaksyon ni grace noong tumuloy kasi ito sakaniya at no'ng nakita niya ang kalagayan ng kaniyang magulang. Nababahala rin si meara na baka sinabi nito sakanila ang nakita niya at baka taktics nila ito para patayin na lang ang magulang niya.

"Woah! Woah! Miss," bumaba ang isang binata na nasa edad bente singko anyos sa truck. May saklay itong malaki't mahabang baril na nakasabit sakaniyang leeg. Pinuntahan niya ang dalaga't hinarap na may mga nakakalokong tingin. "Alam mo ba na kapag nakasalubong 'yang kilay mo at galit ka ay hindi bumabagay sa maamo mong mukha. Maganda ka pa naman sana, kaso-!" Naudlot ang sasabihin nito nang mabilis na kinuha ng dalaga ang pistol gun nito sa likod niya't kinasa ito at tinutok sa noo ng binata. Napalunok tuloy itong si kenzo habang umaaktong sumusuko ang mga kamay, dahil do'n ay tinawanan siya ng mga kasamahan niya.

"HAHAHA! Ano, kenzo? Nakahanap ka ng katapat mo. Wala ka pala sa babaeng 'yan e." Ani ni mang ronie na driver ng truck at nag-iisang matanda sakanila. Nasa 60 na ito pero malakas pa rin ang pangangatawan.

"Manong ronie naman," saglit na tingin nito sa matanda. "Pinagbibigyan ko lang siya kasi sexy at maganda siya!" Mas lalong diniin ni meara ang tutok ng baril nito sa noo niya, na ikinadaing ni kenzo.
"Aghh! Oo na, oo na! Tatahimik na nga ako oh, kainis." ang pag tawa ni thiago ang nagkuha ng atensyon ni kenzo, siya na lang ang pagkakataon nito para maalis do'n. Tinignan niya si thiago na sinalubong naman ng tingin ng binata.
"Sir thiago, ba-baka pwede namang patulong oh, tinatawanan lang ako ng mga kasamahan natin e, mga siraulo." mas lalo pang lumakas ang halakhakan nila nang winika niya iyon nang may takot na reaksyon sakaniyang mukha. "Baka mamaya eh, mapindot ni miss beautiful 'yong baril, e 'di tege na 'ko rito."

Lumapit naman itong si thiago sakanila. He gave a lovely smile at meara even though the girl's not looking at him, not even paying attention at him. Thiago was really amazed by here figured kaya ganoon na lang ang confident nito na kausapin si meara.

"That is not how you compliment the gorgeous lady right here,p kenzo," tinapunan naman siya ng matalim na tingin ng dalaga sa sinaad niyang iyon.
"Finally, you noticed me now," he then chuckled. Pinakita pa talaga ang dimple nito sa magkabila, at itinaas ang kanang kilay nito na may hikaw na bilog sa taas.
"Pardon me, i didn't introduce myself first," pagpag nito sa kanang kamay niya sa pantalon nito bago ito inabot kay meara upamg magpakilala rito. "Thiago by the way, miss mear-" wala pa ring effect sa dalaga ang pagpapa-pogi points nito dahil isa rin itong tinutukan ng baril sa leeg. Dalawa na tuloy sila ngayon. "Hey easy!" He said sarcastically. He then raised his arms and hand gesturing like he is surrendering.

"Say my name one more time and I won't hesitate to shoot this gun on your head" meara seriously said while not breaking an eye to eye contact at him.

Hindi naman nagpatalo ang mga kasamahan nila dahil tinutukan rin nila itong si meara ng kaniya kaniya nilang baril.

"Siraulo rin talaga kayo, ano" wika ni kenzo sa kaniyang mga kasamahan habang hindi pa rin inaalis ang tingin nito kay meara. "No'ng ako 'yong tinutukan wala kayong ginawa, tinawanan niyo pa 'ko, samantalang no'ng si sir thiago ang tinutukan lahat kayo nagsipaghandaan ng baril at tinutok sakaniya. Sip sip talaga kayo." Arteng paglahad ni kenzo mula sa damdamin nito sakanila. Nagbibiro lang naman ito.

"Arte mo, kenzo, 'di mo bagay." asar na sabi nitong si jake. Matalik na kaibigan ni kenzo. Matanda ng Isang taon sakaniya. 

Napatunog na lamang ng dila itong si kenzo sa pang-aasar sakaniya ng kaibigan.

"I-ibaba niyo 'yan! M-mabuting tao itong si meara at isa pa hindi natin kailangan mag away away rito, hindi naman tayo ang magkakalaban rito ha, tayo tayo na lang ang natitirang buhay dito magpapatayan pa ba tayo?" Paliwanag ng ginang sa bawat isa habang tinitignan sila isa isa.

"Hindi naman kami ang nag umpisa, kundi 'yang alaga mo, ate." sigaw ng dalagang babae na nasa truck.
Tumango naman si grace sakaniya, may punto naman ito kaya pipilitin niyang kukumbinsihin si meara na ibaba na ang baril ngunit napabuntong hininga ang dalaga dahil ro'n.

"Alright lady. You already proved that you're the badass one here, okay? So at least put the gun down, we're no harm." Pakiusap ni thiago kay meara. "You too." tukoy niya rin sa mga kasamahan niya na nasa truck na ibaba rin ang kanilang mga baril. Nagkatitigan muna ang lahat ng ilang segundo bago nila binaba ang mga baril. Binalik naman ni thiago ang mata nito sa dalaga na tinatago na ngayon ang baril sa likod. May balak siyang sabihin kasi rito. "Look mear- no, I mean, lady. We are rescuing some other survivors and that's our duty. I see that your place is good, looks safe, but for now," tumingin ito sa bahay ng dalaga napansin niyang may sira ng kunti ang ang bubong nito. "Cause It looks like that won't take too long. So the best offer you will get for us, is to come with me— I mean. . . come with us," nagtawanan ng palihim ang ibang kasamahan nila sa ura-uradang sabi na iyon ni thiago pati si kenzo ay hindi mapigilan ang matawa. "Huwag kang mag-alala walang kapalit 'to.." diretsong tumingin si meara sa mga mata nitong si thiago. Hindi naman maalis-alis ang ngiti ng binata sakaniya. Inalok ni thiago ang palad nito kay na nagpapahiwatag na sumama na ito sakanila. "So ano? Tara?"

To be continued. . .







THE CURE OF THE UNDEAD (ON-HOLD)Where stories live. Discover now