☢️/3/ HER HEART☢️

281 16 1
                                    

              >>>>>>>>>•••••<<<<<<<<<

        CHAPTER THREE: HER HEART

              >>>>>>>>>••••<<<<<<<<<<

A-anong binabalak mo? Ibaba mo 'yang baril mo na 'ya—!

BANG!

BANG!

"MOMMY!"  Tawag ng batang lalaki sa ina na may kasamang hagulhol na pag-iyak. Kahit nasa kotse ito't nagsisisgaw ay nag alingawngaw pa rin sa labas ang boses niya.

Nakita niya kasing napaupo ang ina habang takip takip nito ang magkabilang tenga niya't umiiyak. Nalako ang tingin ni grace sa likod niya at doon niya napagtanto ang dahilan ng ginawa ng dalagang. Isang halimaw na babae ang nakahilata sa lupa at nanginginig. Kung hindi ito binaril ni meara ay malamang ay kauri na ito ng ginang.

Kaagad siyang tumayo at sinalubong ng tingin ng dalaga na binubuksan na ang pinto ng kotse nito, papasok na sana ito nang matigil ito dahil sa pag salita ni grace.

"Salamat sa.. pagligta" naudlot ang sasabihin nito dahil narinig niyang napabuntong hininga ang babae nasa harap niya.

"Be alert at all times, at huwag ta-tanga tanga." Tuloyan na ito pumasok sa kotse.

Napahiya si grace sa binulalas sakaniya ni meara. Dismaya itong pumasok ng kotse. Pinilit niyang balewalain ang sinabing iyon ng dalaga. Binaling niya na lang ang atensyon sa anak, nginitian ito at hinalikan sa noo, pero 'di lubos na akalain ni grace ang ginawang pagtanggol sakaniya ng anak.

"Ate, that's not nice po!" pagtanggol ni jero sa kaniyang ina. Tinignan lang sila ni meara sa rear view mirror ng sasakyang nang saglit, saka binaling ang tingin sa daan.

"It's alright anak, its alright," mainit na mga palad ang dumapo sa magkabilang pisngi ni jero sa haplos ng kaniyang ina habang sinasabi ito. "Kamusta naman ang mahal ko, may sugat ka ba hah? ayos ka lang ba?" Pag susuri nito sa bawat parte ng katawan ng anak.

"Ayos lang po ako, mommy, tignan niyo po oh pati si raf raf okay~tumahol naman ang cute na asong yakap ni jero sa pagsang-ayon nito kay jero. Napatawa naman itong si grace bago hinawakan ang aso.

"That's good, mahal ko." sabay halik sa noo ng anak pagkatapos ay niyakap ito.

"A-ate," tawag nito kay meara na busy sa pagmamaneho pero no'ng tinawag siya ng bata ay napatingin uli ito sa rear view mirror, tumingin rin doon si jero at pinagpatuloy ang gusto nitong sabihin. "Turo po sa'kin nila mommy and daddy na I should be grateful, and appreciate the person kapag may tumulong po sa'kin, kaya. . ." Tumingin muna ito sa ina na para bang humihihingi ng permiso na gawin 'yon. Grace just smiled and nodded to her son. "Thank you po ate sa pagligtas mo sa buhay ni raf raf, ni mommy at sa'kin din po." Nagbibilang pa ito sa kamay habang binabanggit iyon. Agad niya ring niyakap ang ina. Proud na proud naman itong si grace sa ginawa ng anak. Sino ba naman hindi 'di ba?

"That's my son. You did a great job, anak." Proud na sabi nito sa anak habang may matamis na ngit sa labi nito. Samantalang buntong hininga naman ang nirespondeng itong si meara sa mag ina. Mahigpit ang hawak niya sa manobela, parang may emosyon itong tinatago. Imbes na mag-isip ito ng kung ano ano ay itinuon niya na lang ng mabuti ang atensyon niya sa pag mamaneho.

THE CURE OF THE UNDEAD (ON-HOLD)Where stories live. Discover now