☢️/5/CAUSE OF EVERTHING?☢️

210 13 1
                                    

May sensitive scene po ito na baka hindi niyo magustohan, lakasan nalang ng loob po ito.

BE OPEN MINDED.  ✓ this story is all fiction, everyone! Please do not take this seriously!

___________________________
CHAPTER FIVE: CAUSE OF EVERYTHING?

         

            

THIRD PERSON P.O.V.

MASYADO nang madilim ang isipan ni meara sa pangyayari. Iyon lang naman ang pakiusap niya sa ginang pero hindi niya ito sinunod, Kaya sa pagkakataong iyon ay naubos na ang pasensiya nitong si meara, kinuha niya ang baril na nasa likuran niya at itinutok ito kay grace, windang na windang ang ginang no'ng mga sandaling iyon, lumuluha na ito sa takot at nerbyos habang iniisip na baka mamatay na siya s mga sandaling iyon. Gustong gusto nang paputukan ni meara si grace nang matapos na, pero parang may pumipigil sakaniya para hindi niya ito magawa.

BANG!

BANG!

BANG!

Sunod sunod na baril nitong si meara malapit sa pwesto ni grace. Takip takip naman ng ginang ang kaniyang dalawang tenga habang nakayuko.

"Mommy! Mommy ano po 'yon?!" sigaw ng anak ni grace na si jero na kasalukuyang nasa baba. Balak sana nitong tumaas para makita ang ina para malaman kung anong nagyayare roon at kung ayos lang ba ito.

"Mommy's okay, baby, just stay right there! Stay right where you are, jero!" Nanginginig niyang sigaw na paalala sakaniyang anak. Mabuti na lamang at nakinig ito. Samantalang sa kabilang banda naman, nang marinig ni meara ang boses ng bata ay natauhan ito bigla sa galit na namumuo kanina. Ibinaba niya ang baril niya nang mabilis. Napasabunot pa ito sakaniyang buhok para mahimasmasan lalo

"M-meara iha, Hindi ko sinasadyang makita 'yon ang intensyon ko lang naman ay ayain ka sanang kumain," pilit na pinapaliwanag ni grace kay meara. Nakatalikod sakaniya ito at sabu-sabunot pa rin ang buhok. "I-im so, so, sorr-" Naudlot ang paghihingi ng tawad niya nang humarap na ang dalaga sakaniya, saka napapabuntong hininga.

"Get out of my house" malamig na utos ng dalaga habang tinitignan si grace nang matalim.

"Aalis kami? Pero, sa'n kami pupunta?! at saka papaano ka?" sunod sunod nitong tanong.

Napairap itong si meara sa mga katanungan iyon. Kinuha niya ang susing nasa bulsa niya at saka hinagis ito sa nakaupo sa sahig na si grace. May kalituhang ang ginang sa ginawang iyon ni meara.

"Use my car. I don't care kung saan man kayo mapapadpad niyan," dahan dahang tumayo si grace pagkasabi sakaniya nito. "And if you're worried about the gas and food don't worry, maraming stock sa sasakyan niyan. Nasa backseat ang food, ang gas naman ay nasa likuran nakalagay." Inis na paliwanag ni meara sakaniya.

"Naiintindihan ko ang ginagawa mo kanina, meara. Alam kong mahal mo lang ang m-magulang mo kaya mo 'yon nagawa, k-kahit ako gano'n din ang gagawin ko kung sakal-"

"Shut up! You know nothing!" Sabay buntong hininga nito at napapikit pa ng mariin. "Now! I'm giving you a chance to go, so kung ako sainyo aalis na lang ako bago pa magbago ang isip ko at barilin ko na lang kayo! Alis!" Nagpapatirapang umalis si grace kasama ang anak nito at alagang aso nila. Sa totoo niyan ay hindi alam ng mag ina kung saan sila mapapadpad o kung magiging ligtas ba ang biyahe nila o doon na sila mamatay. Pero isa lang ang positibong nasa isip ng ginang noon, 'yon ay ang makaalis sila sa lugar na iyon, ang makaalis sila sa halimaw na nakita nila roon.





THE CURE OF THE UNDEAD (ON-HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang