Tumango si ginoong arthon. "Sa ngayon hayaan na muna natin siyang magpahinga, baka mayamaya o bukas magising na siya, saka natin siya kakausapin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya at kung sino ang nakalaban Niya." Suhesyon niya rito.

Sumang-ayun si Adelina,  sinulyapan pa nila si Kaizen sa huling beses bago  sabay na  umalis at sinara ang pinto ng silid.

-----

Samantala sa loob ng kamalayan ni Kaizen ay makikita siyang nakatungo, iniisip Niya ang nangyaring laban.

"Huwag ka nang magmukmok pa, hindi mo talaga yun matatalo kahit ano pa ang gawin mo, masyado yung malakas ng sampong beses kaysa sa iyo." Pampalubag loob ng batang walang mukha.

Tumingin siya rito. "Alam ko, mayroon lang akong napagtanto" pagsang-ayun niya rito.

Umupo ang batang walang mukha sa kanyang harapan. "Ano naman iyon?" Pag-uusisa nito.

"Kailangan kong magsanay ng maigi at pabilisin ang aking paglakas, masyadong malakas ang ipinadala nila para ako'y patayin. Hindi ako maaaring magpakampante lang." Tugon niya rito. Makikita sa kanyang mga mata ang determinasyon lumakas agad.

Tumayo ito, at tumingin sa itaas ng kanyang star system. "Kung ganun, ano pang hinihintay mo?" Lumingon ito pabalik sa kanya. "Gumising ka na, at simulan mo na ang pagsasanay."

Napangiti siya at marahan tumango. "Tama ka, hindi dapat ako nagsasayang pa ng oras dito, sige, gigising na ako". Akmang pipikit na siya ngunit may sinabi pa ang batang walang mukha kaya napatigil siya.

"Bago ka umalis, hawakan mo muna itong mahiwagang bato" utos nito habang tinuturo ang mahiwagang bato.

Nagtataka siya. "Bakit?" Di niya mapigilang magtanong.

"Hindi ba't gusto mong makuntrol ng lubusan itong star system mo?, para ng sa ganun ay magawa mong utusan ito na higupin ang berding enerhiya at hindi ang puting enerhiya." Paliwanag nito.

"Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan," napakamot nalang siya sa ulo ng maalala niya ang tungkol sa pagsasanay na ibinigay sa kanya ni ginoong arthon.

Lumapit na siya sa mahiwagang bato. Dahan Dahan niyang inilapat ang kanyang palad sa ibabaw ng mahiwagang bato. Pumikit siya, naramdaman niyang parang hinihigop siya ng bato.

Mula sa mahiwagang bato ay lumabas ang iba't ibang kulay, Isa Isa itong nagtungo sa mga bato na nakadikit sa bawat tuktok ng kanyang tala. Makikita na mas higit na lumiwanag at kuminang pa ang pulang bato habang ang apat na natitira ay kuminang lang, ngunit kahit ganun ay may senyales narin ang mga ito na parang liliwanag narin di magtatagal.

Naramdaman ni Kaizen ang koneksyon Niya sa bato at sa kanyang star system. Maging ang koneksyon niya sa kapangyarihan apoy ay parang mas naging matibay.

"Ngayon ay maaari ka ng gumising, mag-iingat ka at huwag basta-basta magtitiwala kahit kanino man" Pag-papaalala nito.

Tumango si Kaizen at isinapuso ang payo ng batang walang mukha. Pumikit na siya, at sa kanyang pagmulat ay nabungaran niya ang puting kesame, paglingon niya sa paligid ay puro puti, mukhang nasa klinika siya. Maayos na ang kanyang pakiramdam, kaya walang ano-ano'y bungangon na siya. Plano niyang bumalik sa kanyang silid sa gusali ng Principiante. Ng sa ganun makapasok na siya sa mundo ng gwalima ang kanyang mundo. Doon niya planong magsanay. Magpapaalam muna siya kina Adelina at ginoong arthon dahil Alam Niyang naghihintay rin ang mga ito sa kanyang paliwanag tungkol sa nangyari.

Hahawakan na Sana Niya ang siradura para buksan ang pintuan ng kusa itong bumukas, nasa kabilang pinto na pala Sina Adelina at ginoong arthon akmang papasok. Kaya maging ang mga ito ay nagulat ng makita siyang nakatayo sa harap.

"Oh gising ka na pala Kaizen." Bungad ni ginoong arthon.

"Uhmm opo guro, pupuntahan ko na po sana kayo para magpaalam na babalik nalang po sana ako sa aking silid at doon nalang magpapahinga at gawin ang pagsasanay na ipinapagawa niyo sa akin." Marahan niyang paalam.

"Ganun ba, pwedi naman, kaya Lang pwedi ka ba muna namin makausap, may ilang katanungan lang sana kami." Tugon nito.

Tumango siya, pumasok na sa loob ng silid si Adelina at naunang umupo sa Isang upuan, habang sinara naman ni ginoong arthon ang pintuan. Bumalik si Kaizen sa kama at doon nalang umupo habang umupo din sa harap niya si ginoong arthon.

Tumingin muna si ginoong arthon Kay Adelina, nag-uusap sila sa tingin at mayamaya lamang ay tumango ito kaya  bumaling na siya kay Kaizen.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ano ba ang nangyari sayo nung iniwan kita para sa iyong pagsasanay?" Deretsong tanong niya kay Kaizen.

Huminga muna si kaizen ng malalim, handa naman siyang magpaliwanag, inaasahan Niya na ito kaya sasabihin Niya nalang ang lahat tungkol dun. "Hindi ko po siya kilala, pero isa po siyang third level goldrank. Narito po siya upang ako'y patayin, may nag-utos raw po sa kanya na gawin iyon." Paliwanag Niya

"Hmm nakita mo ba ang mukha Niya?" Tanong ni Adelina.

Tumingin siya rito,"hindi po, nakamaskara po kasi siya" sagot Niya rito.

"Anong kapangyarihan Niya?" Dagdag nitong tanong

Inalala Niya ulit ang huling pangyayari sa kanilang laban. Naalala niyang may inilabas ito sa mga kamay na Isang bola ng kuryente na ibinato sa kanya. "May kinalaman po sa kidlat, Yun po ang huling tinira Niya saakin bago umalis." Sagot Niya. "At bihasa din po siya sa paggamit ng mga patalim" dagdag pa Niya.

Napaisip naman si arthon, "kidlat? Patalim?Hmm"

"Bakit arthon? May kilala ka bang 3rd level gold rank na bihasa sa kapangyarihan kidlat?" Pag-uusisa ni Adelina rito.

"Meron, Pero imposibling siya." Halos bulong nito sa sarili. Napaisip siya ng malalim, 'kung sakaling siya nga, kung ganun bakit? Anong nangyayari para magpabayad ito?'. Tanong Niya sa isipan.

Napatingin din si Kaizen sa kanyang guro. Mukhang kilala ng kanyang guro ang misteryusong lalaki na nais siyang patayin.

"Sino sa tingin mo arthon?" Seryusong tanong ni Adelina.

Tumingin ito sa kanila at sinabing, "Si Neryum Avox" mahinang tugon nito.

Napasinghap naman si Adelina at di mapigilang mapatayo "Si Neryum Avox?!" Di makapaniwalang sigaw niya pa.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now