Nagpatuloy sa pagsasalita si Ginoong arthon. "Hindi kita matutulungan hasain ang iyong kapangyarihan apoy lalo na at ako ay nagtataglay ng kapangyarihan hangin. Kapag nakapasok ka na sa elite quads, naroon ang Tamang tao na makakatulong sa iyo. Sa ngayon ang tangin maitutulong ko lang sa iyo ay ang turuan ka kung paano ang paghigop sa berding enerhiya mula sa ating kapaligiran." Nakangiti nitong Saad habang tinitignan ang paligid.

Napakunot noo si kaizen. "Berding enerhiya?". Inosenti niyang tanong.

Tumango siya. "Oo Kaizen , berding enerhiya, ito ang mataas na Uri ng enerhiya mula sa ating inang kalikasan. hindi ito basta-basta nakikita ng mga ordinaryong adventurer. Kahit Isa ka pang sky rank kung hindi ka ganun katalentado ay hindi mo makikita ito. Dalawa lang ang antas ng enerhiya na ibinibigay mula sa ating inang kalikasan. Ang una ay ang puting enerhiya., ito ang madalas natin higupin Pag nasa proseso tayo ng cultivation. Madali lang Pero mabagal. Pansin mo ba kung bakit kahit anong higop ng angkan niyo sa enerhiyang mula sa kalikasan ay hindi parin sapat? Hindi parin ninyo maabot ang gold rank?" Tanong Niya Kay Kaizen. Makikita sa mukha ng bata na Mukhang naiintindihan na nito.

"Dahil hindi mataas ang kalidad ng puting enerhiya para suportahan ang aming star system," sagot ni Kaizen.

"Tama, hindi tataas ang antas ng Isang adventurer kung puro puting enerhiya lang ang kanyang hihigupin, kaya minsan kakailanganin ng iba't ibang matataas na kayamanan para lang punan ang pagkukulang ng puting enerhiya. Samantala ang pangalawang antas at mas mataas na Uri ay ang berding enerhiya. kung magagawa mong makita ito at magawa mo itong higupin sa iyong star system. Mas mapapadali mong mapapataas ang iyong antas kahit hindi ka na gumamit ng iba't ibang kayamanan." Mahabang Paliwanag ni ginoong arthon.

Napatango naman si Kaizen. "Ngayon naintindihan ko na guro. Pero paano ko po makikita ang berding enerhiya?". Tanong Niya

"Hindi lahat kayang makita ang berding enerhiya, iilan lang ang nakakagawa nito, kaya makinig Kang mabuti sa mga ituturo ko." Seryusong Saad ni ginoong arthon.

"Opo guro,"

Inutusan ni ginoong arthon si Kaizen na umupo na nakaekis ang mga paa at ipagdikit ang dalawang palad sa harap ng dibdib, "ipikit mo ang iyong mga mata. Ipadaloy mo ang iyong enerhiya mula sa iyong star system patungo sa iyong mga mata."

Ginawa ni Kaizen ang mga sinabi sa kanya ng kanyang guro. Sa una ay nag-aalangan siya dahil paano Niya makikita ang berding enerhiya kung nakapikit siya? Pero Ng nagkaroon na ng enerhiya sa nakapikit niyang mga mata ay may naaaninag na siya. Agad siyang napangiti, at dahil dito nahinuha na ginoong arthon na nagawa Niya ng Tama.

"Magaling Kaizen, ngayon kung may nakikita ka ng kulay berding usok na kasama ang puting usok, yan ang natural na enerhiyang mula sa ating inang kalikasan."

Tama, nakikita na ito ng malinaw ni Kaizen, kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay malinaw na malinaw na nakikita Niya ang mga puting usok at berding usok. Ito pala ang mga enerhiyang hinihigop ng kanilang Star system. "Guro papaano ko po magagawang mahigop ang berding enerhiya? Sa nakikita ko po kasi, ang puting usok lang nahihigop ng aking star system." Nakakunot-noong tanong Niya.

"Madali lang Kaizen. Ituon mo ang iyong pansin sa berding enerhiya. Utusan mo ang iyong star system na hindi papasukin ang puting enerhiya Kundi ang berding enerhiya." Sagot Niya na Tila ba ito ay napakadaling gawin.

Sinubukan ni Kaizen Sundin ang sinabi ng  kanyang guro, ngunit nahihirapan siya, hindi Niya Alam kung papaanong Utusan ang star system Niya. "Pero guro nahihirapan po ako, hindi ko po mautusan ang aking star system" naiinis niyang wika at dumilat na ang Kanyang mga mata, tumingin siya sa kanyang guro na nakangiti sa kanya.

"Ganun ba, ibigsabihin lang yan hindi mo pa kuntrulado ng lubusan ang iyong star system. Dahil pagsasanay naman ito. Simulan mo na ngayon pagtibayin ang iyong koneksyon sa iyong star system. Dahil Pag nagawa mo na itong makuntrol ng lubusan , magagawa mo narin mahigop ang berding enerhiya. Sa ngayon aalis na muna ako, subukan mong lutasin ang iyong problima, Isang lingo nalang at gaganapin na ang pagtatasa. Aasahan Kong may pagbabago sa iyo sa araw na iyon." Ngising bilin Niya dito. Hindi Niya hinintay ang sasabihin nito dahil mabilis siyang umalis. May kailangan pa siyang aasikasuhin.

"Pero guro---" nais pa Sanang magtanung ni Kaizen kaya Lang nakaalis na si ginoong arthon.

'Ano ba yan, paano ba to?' tanung nya sa sarili. Iniisip Niya kung paano ang gagawin Niya para makuntrol ng lubusan ang kanyang star system. Hanggang sa may sumagi sa kanyang ideya, 'tama papasok nalang ulit ako sa aking kamalayan kung nasaan naroon ang aking star system. Siguradong naroon din ang Isang batang walang mukha. Sa kanya nalang ako magpapaturo.'  nasasabik niyang Saad sa sarili. Bumalik na ulit siya sa dating puwesto at pipikit na Sana siya kung hindi Niya lang naramdaman ang mga patalim na paparating sa kanya. Mabilis siyang umilag at sumirko -sirko para maiwasan lang ang limang maliliit na patalim.

"Tulad nga ng inaasahan, magaling ka nga bata" bungad sa kanya ng na nakamaskara at nakaitim na lalaki. Tumalon ito mula sa Isang puno.

Napakunot noo si Kaizen. " Sino ka? Bakit mo ako inaatake?" Tanong Niya rito, kakaiba ang Isa ito, makikitang naglabas ulit ito ng mga patalim sa bawat pagitan ng mga daliri nito. Nais niyang malaman kung Isa rin ba itong studyante katulad nila o Isang tagalabas na nakapasok na dito sa kanilang paaralan. 

Pasugod na tumakbo ang nakamaskarang lalaki  patungo sa kanya. "ako?,,,,hmm  Ako ang papatay sayo rito. Pasensya na bata, trabaho lang!" Nakangising Saad nito bago inihagis ang sampong patalim patungo sa kanya.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now