lumiko pakaliwa si arthon, sumusunod naman sa kanya ang kanyang mga bagong estudyante. Makikitang nagniningning ang mga mata at halatang nasasabik na ang mga ito. Makikitang namamangha sila sa ganda ng kanilang kapaligiran. Maraming mga punong magkakahilira, mayroon pa Silang nadaanan na parang Parke at mayroon itong ilog, habang sa paligid nito ay maraming mga halaman na may iba't ibang bulaklak na mababango, may naririnig din silang mga huni ng iba't ibang ibon, may mga nakikita din Silang maliliit na mga halimaw na parang mga naglalaro lang. nakakakalma sa kanilang pakiramdam ang lugar na kanilang dinaraanan. 'parang ang sarap lang magpahinga rito, napakapayapa'. Sa isip ng bawat isa

Pero sa Kaizen ay blanko lamang ang reaksyon ng mukha, hindi na siya masyadong namamangha pa, ito ay dahil mas maganda kasi ang kanyang mundo. mas higit pang payapa ang kanyang nararamdaman sa mundo ng gwalima kaysa rito. Siguro kung wala lang siyang mundo ng gwalima, baka ganuon rin ang kanyang reaksyon katulad sa kanyang mga kasama.

Huminto sila sa harapan ng Isang pulang gusali, ito ay may sampung palapag. May nakasulat sa taas ng pintuan na "Principiante" o ang ibigsabihin ay the beginners.

Humarap si arthon sa kanila. "Ito ang magiging tahanan niyo sa susunod na buwan o taon." Turo nito sa gusali, lumakad ito sa pintuan at binuksan ito, "halina kayo sa loob at duon ko ipapaliwanag sa Inyo ang lahat lahat na dapat niyong malaman sa pagsisimula niyo sa Pag aaral sa paaralang ito." nauna na itong pumasok. Sunod-sunod naman pumasok ang mga batang adventurer. nauna ang Arcadian, sumunod ang Farion, ethod, golass ,golers windillian at ang huli si Kaizen mula sa angkang redvil.

Pagpasok nila sa loob ay makikita ang napakalawak na bulwagan tangapan (lobby area) may mahabang tatlong sopa na kulay puti ang nakaikot sa isang maliit na Mesa sa gitna. Sa likod naman ng Isang sopa  na nasa kanan ay Isang pintuan papuntang kainan. Sa may kaliwang sopa naman ay Isang elebeytor.
Mapapansin din sa dingding ang mga nakasabit na iba't ibang litrato ng mga naging hari sa bansang Goldbath. Pinaupo sila ni ginoong arthon sa mga sopa mabuti nalang at nagkasya Silang lahat, habang si ginoong arthon naman  nasa gitna.

"Makinig kayo dahil Isang beses ko lang sasabihin ang mga dapat niyong malaman habang nandirito kayo. Simulan natin sa batas ng paaralan ito."  Seryusong nakikinig ang Lahat ng mga bata. naghihintay ang mga ito sa mga bagay na kanyang sasabihin.

Kaya ipinagpatuloy Niya na. " Unang una sa lahat bawal ang pisikal na away dito, malaking kaparusahan ang mapapataw sainyo kapag nagsimula kayo ng pisikalan away lalo na kung gumamit kayo ng kapangyarihan para makasakit ng inyong kapwa." Tumingin siya sa mga Arcadian at farion. Napalunok naman ang mga ito at tumango. "Bawal din ang pumunta sa mga gusaling inyong nakita kanina, ang gusaling may kulay puti at kulay dilaw. Dahil ang mga gusaling iyon ay para lamang sa mga nakatapak na sa silver rank at gold rank. Habang itong pulang gusali na to ay para sa inyong mga bronze rank lamang."

" Para sa inyong kaalamanan , ako ang inyong magiging guro. Ang pintuan Nato " turo Niya sa kanan. "Ay patungo sa silid kainan, nanduon din ang kusina, wala tayong kusinero dito kaya kayo-kayo rin lang ang magluluto. Tuwing linggo ang panahon ng paglilinis, kaya Pag linggo wala kayong gagawin Kundi linisin ang buong gusali. At itong elebeytor, ito ang maghahatid sa inyo patungo sa inyong palapag, meron lamang sampong palapag dito. Ang pangalawang palapag ay ang silid pag-iinsayo. Dyan kayo minsan gagawa ng mga bagay na ipapagawa ko na may kinalaman sa pagpapalakas ng inyong istamina, pisikal na katawan , at higit sa lahat ang pagpapatibay ng inyong pundasyon. Sa pangatlong palapag naman ay para sa angkan golass, sa pang-apat ay ang golers, panglima ay ethold, sa pang anim, Farion, sa pang pito ay Arcadian, sa pang walo ay windillian at sa pang siyam ay para sa angkan redvil na nag-iisa lamang. Ang pangsampo at huling palapag ay bawal puntahan.  Kung tatanungin niyo ako kung saan ang silid ko rito, ay wala, hindi ako rito tumutuloy, mayroon lamang kaming mga guro na sariling gusali. At kung iniisip niyo na walang magbabantay sa Inyo kaya pwedi niyo ng gawin ang lahat ng naisin niyo. Diyan kayo nagkakamali dahil narito ang aking kaibigan, siya ang magbabantay sa Inyo." Mahabang Paliwanag nito. Napakunot ang mga nuo ng kanyang mga estudyante dahil wala naman nakikita ang mga itong ibang tao, kaya sino nag tinutukoy niyang kaibigan na maaaring magbantay sa kanila?.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now