Chapter 8 : Divine Camp

Start from the beginning
                                    


"Hep!" sigaw ni Lexi kay Yano dahil papunta siya doon sa elevator. "We're not going down that way."

"Why? Mas mabilis—"

"Mas mabilis din akong mamamatay dahil dyan." Napabuntung-hininga si Yano at naggive-up na sa elevator.


Pumunta kami doon sa window na nagiging archway at sinummon ni Lexi si Charlie kaya nag-appear ang bridge. Nakita ko namang nagtinginan si Yano at Ryleigh tapos umiling si Ryleigh. Hindi ko alam kung ano 'yun pero hindi ko na lang tinanong at sumakay ako sa likod ni Charlie.


After a few minutes ay nasa baba na kaming lahat at sina Yano and Ryleigh ang naglead ng way. Habang naglalakad kaming apat ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita ko. Ang daming praevala na lumilipad pero meron ding mga sasakyan sa mga kalsada. May mga naturaes din sa park malapit dito at alam kong sila ang nagpepreserve ng kagandahan ng mga halaman at puno doon. May nakita rin akong floras, or flower guardians, na sumasayaw sa ibabaw ng flower field sa tabi ng park at nakakatuwa dahil kakulay ng damit nila ang mga bulaklak na nirerepresent nila. Habang sumasayaw sila ay unti-unting namumukadkad ang mga bulaklak at mas lalong gumanda. Nakakatuwa rin dahil kahit urbanized ang Capital ay may places pa rin na nagpapaalala ng rural or countryside.


Sa sobrang pagkamangha ko sa lugar ay hindi ko napansin na tumigil na pala silang tatlo kaya nauntog ako sa likod ni Ryleigh. Nagsorry naman kaagad ako pero tinanong niya kung bakit kaya binawi ko na lang. Pagtingin ko sa harapan ay napasinghap ako dahil sobrang laki ng building kahit three-storey lang.


"This is the largest library in the country," sabi ni Yano at lalo akong nagulat nung nalaman kong library pala ang lugar na 'to.


Pumasok kaming lima doon at nung sinabi ni Yano na Divians kami ay pinapasok kami sa isang wooden gate. Unang dumaan si Ryleigh at biglang nagreflect sa wall ang dalawang pangalan in red letters—Bob and Kon.


"Ito ang way nila para malaman kung Divians talaga tayo. The names of your guardians when you marked them will be reflected on the wall because the wood used here is the same as the wooden tablet that houses a guardian," sabi ni Yano as a matter-of-factly habang inaayos ang salamin niya.


Pumasok din si Yano at nag-appear sa wall ang names na Jack at Finn, kay Lexi ay sina Charlie, Smith at Lio at sa akin naman ay sina Jerry, Carlos at Phoebe. After that ay dumiretso kami sa second floor kung saan nakalagay ang books na may kinalaman sa Divians and guardians, ayon kay Yano.


Pagkita ko sa second floor ay napanganga ako sa sobrang ganda. Circular 'yung room at nakapaikot lahat ng shelves pero mas namangha ako sa mga lumulutang na libro. Saka ko narealize na may parang pixies pala ang dahilan kung bakit lumulutang ang mga 'yun.


"Those are domusaes," sabi agad ni Yano. "They are actually house guardians and they are very protective when it comes to their territories."


Wala pa akong nakikitang domusae sa baryo namin kaya ito ang first time ko at para lang silang floras, pero ang kaibahan ay milky white ang balat nila at brown naman ang buhok, pakpak at damit nila. Tinatransport nila 'yung mga naiwang books sa tables papunta sa shelves, at nung nakita nila kami ay nagmadali sila, tapos nagdisintegrate sila into spirit particles.

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now