Napalunok siya. "Uuwi ka na ba?" Tanung Niya rito.

Tumingin ito sa kanya, "opo ka-tenyong" tipid na sagot ni Kaizen, may pagtataka sa kanyang mukha kung bakit tinawag siya ng kanilang pinuno.

Napatango nalang si ka-tenyong at muli ay nagsalita ito, "uuwi narin kami, maari ka bang sumabay sa amin?" Aya ni ka-tenyong Kay Kaizen. Sandaling nag isip ang bata, mayamaya lang ay napatango na siya. Napagtanto Niya kasing mas mabilis Kung sasakay nalang siya, kesa ang tumakbo ulit.

"Kung ganun halika na" masayang Saad ni ka-tenyong. Natutuwa siya at mukhang hindi nagtanim ng galit ang batang si kaizen sakanila. Naglakad na sila papunta sa karwahing nakaparada sa gilid ng daan. Mukhang lahat ng mga ka-angkan Niya ay nasaloob na at sila nalang dalawa ang hinihintay. Makikita ngayun sa mga mata ng mga matatanda ang paghanga para sa batang si kaizen. Habang ang kanilang mga anak naman ay naiingit. Si Kaizen naman ay naaawa para sa kanyang mga kababata. Nakikita niya kasi sa mga mukha nila ang paghihirap na nararanasan mula sa mga pinsalang kanilang natamo. Wala naman magagawa ang kanilang pinuno sapagkat hindi tulad ng ibang angkan , wala Silang gamot para dito. Kakailanganin pa nilang manguha sa gubat at maghanap ng mga halamang gamot para gawing alternatibo sa healing potion.

Napabuntong hininga nalang si Kaizen, mula sa kanyang bulsa ay kinuha Niya ang Isang bote, naglalaman ito ng gamot na ginawa Niya kagabi para sa kanyang ama. Marami pa kasing sobra kaya itinago Niya nalang. Bukod sa kaya nitong pagalingin ang star system ng kanyang ama at ina eh kaya din nitong lunasan ang isang simpleng pamamaga ng balat. Lumapit siya sa mga bata, isa Isa niyang pinahid ang bawat patak ng likido sa mga paa nila. Nagulat at nabigla ang kanyang mga ka-angkan sa kanyang ikinilos. At mas namangha pa sila ng magliwanag ang mga paa ng kanilang mga anak, at pagtingin nila ay wala ng bakas ng pamamaga. Tulayan naring gumaling ang mga ito. Nagkatinginan sila at lumapit Kay Kaizen. Lumuhod sila rito at buong pusong nagpasalamat. Hindi nila lubos maisip na sakabila ng pang hahamak at pang aalipin nila sa kanya ay Nagawa niya pang pagalingin ang kanilang mga anak. Ngayun nilang napagtanto na napakasama pala nila. Nabigla si kaizen sa inasal ng kanyang angkan.
" Tumayo po kayo, huwag po kayong lumuhod sa harap ko, hindi naman po kailangan." Ngiting Saad Niya.

"Patawarin mo Sana kami Kaizen maling mali ang mga Nagawa namin sa iyo. " Makikita sa mga mata nila ang labis na pagsisisi. Maiintindihan nila kung nagtanim ng galit ang batang si Kaizen, masyado silang Naging malupit sa kanya. Ni hindi nila tinulungan ang ama niya nung malaman nilang nawawala siya kahapon, hinayaan lang nila na mag-isang maghanap ang kanyang ama.

Ngumiti si Kaizen, "pinapatawad ko na po kayo. Kalimutan nalang po natin iyon" malumanay Niyang wika. Sabay sabay silang nagpasalamat sa kanya at may mga ngiting bumalik sa Kani-kanilang upuan.

Ilang sandali pa nakarating narin sa wakas ang kanilang sasakyang sa kanilang nayon. Nakikita nilang marami sa kanilang mga kanayon ang nakaabang sa kanilang pagbabalik. Nasasabik ang mga ito malaman kung may nakapasa ba at kung sino. Pagbaba nila sa sasakyan nagsilapitan ang mga kanayon nila.

"Pinunong ka-tenyong,, si zenu ba ang nakapasa!?" Sabik na tanong ng Isang ginang. Napatungo nalang si zenu, habang umiiwas ng tingin ang kanyang mga magulang sa mga taong nananduon.

Umiling si ka-tenyong "sa kasamaang palad hindi Niya naipasa" malungkot nitong sagot.

nalungkot ang mga kaangkan nila. Dahil si zenu lang naman ang inaasahan nilang makakapasa, Pero ngayun maging ito ay hindi, nawalan na sila ng pag-asa , magsisialisan na Sana sila. Kaya Lang nagsalita ulit ang kanilang pinuno. "Ngunit mga ka-angkan ko, wag kayong masyadong malungkot" Saad ni ka tenyong, Kaya humarap sila ulit at nasabik .

"Ibig mo bang sabihin ay mayroon nakapasa?" Umaasang Saad ng Isang matandang lalaki.

Tumango si ka-tenyong, nakahinga ng maluwag ang mga kanayon Niya. "Pinuno sino po sa kanila ang nakapasa?"  Nasasabik na tanung ng Isang binatilyo.

Tumabi sa gilid si ka-tenyong at inilahad Niya ang kanyang kamay na parang ipinaaabante ang batang na sa kanyang likuran. Napangsinghap sila ng makilala nila ang batang umabanti at tinabihan ni ka-tenyong.

"Mga aking ka-angkan ang nag iisa at natatanging nakapasa  sa pagtatasa ay walang iba Kundi ang batang si Kaizen" maraming ang hindi makapaniwala, meron din ang nagdududa, napakunot-noo pa ang Ilan.

Inaasahan na ni Kaizen na naganito ang magiging reaksyon ng kanyang ka-angkan. Kaya hindi na siya nagulat pa,. Alam ni ka tenyong na hindi agad maniniwala ang mga ito, at masyadong hindi angkop ang lugar para dito niya mismo ipaliwanag ang lahat, kaya sinabi Niya nalang "Alam Kong nakakagulat ito, naiintindihan ko kaya ipapaliwanag ko sa Inyo mamaya ang lahat lahat na nangyari sa bayan. Pumunta nalang kayo mamaya sa ating maliit na bulwagan doon natin Pag pupulungan ang lahat. Pag uusapan narin natin duon ang magiging hakbang natin para masulosyunan ang ating kasalukuyan problima." Pagtataboy nito sa mga tao. Tumango nalang ang iba at isa-isa na silang nagsialisan. Hindi parin sila makapaniwala pero sabi nga ng pinuno nila ipapaliwanag nito ang lahat.

Ng makaalis na ang lahat, humarap si ka-tenyong Kay Kaizen. "Huwag mo na sanang masamain ang mga ipinakitang reaksyon ng ating mga ka-angkan, pagpasensyahan mo nalang muna sila," hingin paumanhin nito.

Mapagkumbabang Ngumiti si Kaizen at sinabing " sanay na po ako pinuno, huwag po kayong mag alala at nauunawaan ko naman po."

"Salamat, napakabuti mong bata, saka nga pala, papuntahin mo ang Iyong mga magulang mamaya sa bulwagan, kasama sila sa gagawin naming pagpupulong."

"Sige po pinuno, makakarating po ang Iyong mensahe sa kanila, ako'y aalis na po" paalam ni Kaizen, tumalikod na siya at mabilis na Umalis.

"Naniniwala ka bang nasa 1st bronze rank palang ang batang iyon?" Tanung ni ka-tenyong tumingin ito sa lalaking nakasandal sa sasakyan. Ito ang kanyang kanang-kamay na si Elvin. Isang 4th silver rank.

Pinagmamasdan nito ang mabilis na pagtakbo ng batang si Kaizen. "Sa ganyang kabilis na pagtakbo? Hindi maaaring nasa 1st bronze rank palang ito. Tiyak Kong nasa silver rank na ang batang iyon pinuno." Seryusong Saad nito.

Napabuntong hininga nalang si ka-tenyong "Tama ka, hindi ko mawari kung paano Niya  naitago ang kanyang tunay na antas, siguro may kinalaman ang kanyang suot na kuwentas, Pero ang mas nakakapagtaka papaanung tumaas agad ng ganun ang antas Niya gayun katatapak palang nito sa 1st bronze rank ngayun araw". Matiim nitong Sabi.

Tumango si Elvin "tiyak iyon pinuno, pamilyar sa akin ang suot niyang kuwentas, mukhang nakita ko na at nabasa ang tungkol  dito sa Isang libro, tungkol naman sa napakabilis ng pagtaas ng kanyang antas, masyado nga Iyong imposible". Pagsang-ayun niya, saisip ni Elvin ay hahanapin niya ang libro tungkol sa mga kayamanan, dahil nakakasiguro siyang nabasa na niya ang tungkol sa suot-suot na kuwentas ni Kaizen.

"Buweno elvin, ihanda mo na ang ating bulwagan, doon tayo magtitipon tipon at magpupulong tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa ating angkan." Utos nito sa kanyang kanang-kamay.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now