"Sa wakas may bago na tayong master! Yehey!",, biglang may isang maliit na kuneho na may pakpak ng agila ang lumabas mula sa puno.

"Bata? Isang bata ang bagong may ari ng mundo natin?" Isa pang tinig ang kanilang narinig, mula sa taas ng puno ay may tumalon na isa pang kakaibang nilalang. Ito ay parang isang  tao Pero ang  kanyang mukha ay mahahalintulad sa Isang tigre, mayroon din itong mahabang buntot.

Lumapit ang dalawa sa kanya. Umatras siya ng Dahan Dahan, tatanungin na sana niya ang kanyang kasama ngunit paglingon niya ay wala na pala ito. Iniwan siya o sadyang bigla nalang itong naglaho ng walang paalam. Natumba siya sa kakaatras, di niya maiwasan manginig sa takot  dahil ramdam niyang napakamakapangyarihan ng dalawa.

"Bata wag Kang matakot sa amin, ako nga pala si Chen ang iyong bagong tagapaglingkod" Saad ng maliit na nilalang na may mukhang kuneho at pakpak ng agila. lumuhod pa ito sa kanya at nagbigay galang.

"Tinanggap mo na agad iyan maging master natin? Eh uhuging bata lang yan ah,, " naiinis na wika ng nilalang na parang tigre.

Napaismid na lumingon ito sa nilalang na parang tigre. "Anu ka ba Leon, Siya ang nakabukas sa pintuan iyan, at pumasok sa mundo natin, ibig sabihin siya ang pinamanahan ng kapangyarihan ng ating master Amer. Sa madaling salita siya na ang ating bagong master, responsibilidad natin siyang turuan at gabayan katulad nang ipinangako natin sa atin master." Mahabang Paliwanag nito.

"Tsk!,, bahala ka Chen, wala akong panahon kilalanin siyang master hanggat hindi ko napapatunayan karapatdapat siya." Tumalikod na ito at sa isang iglap nawala na ito.

Nakahinga siya ng maluwag. Nakakatakot naman ang Leon na iyon. Wika Niya sa isipan.

"Ganun talaga siya, pagpasensyahan mo na. Masyado lang kasing masakit sa kanya ang pagkawala ng amin master Amer." Paliwanag nito.

"A-aanu pong lugar ito?" Kinakabahan niyang tanung.

"Ito ang mundong ginawa ni master Amer. Kawangis nito ang mundong pinagmulan Niya. Halika , ililibot kita"  Aya nito sa kanya. Bigla itong nagbago ng anyo, mula sa pagiging maliit ay lumaki ito.

"Sumakay kana sa likod ko." Kahit natatakot ay pumayag nalang siya. Binaba nito ang kanyang pakpak at doon siya nito pinaakyat. Nang kumportabli na siyang nakaupo ay bigla nalang itong lumipad pataas. Mabilis siyang napahawak sa mabalahibo nito sa leeg.

"Aa-aray! Wag masyadong madiin sa pagkapit matatangal ang maganda Kong balahibo" sigaw nito. Mukhang nag aalala ito na baka mabawasan ang malambot nitong balahibo sa likod.

"Pa-pasensya na po kayo. Di-diko po si-sinasadya". Hingin  paumanhin niya

Nahimasmasan naman ang higanting kuneho. "Paumanhin master, ako'y nabigla lamang sa aking Pag taas ng boses sa iyo. Masyado ko lang kasing pinapahalagahan ang aking mga balahibo sapagkat ito ang nagbibigay ng kagandahan sa akin hehe". Tawa nito, 'kakaibang nilalang, mabilis mag palit ng ugali. Dapat siyang magdoble ingat. Hindi Niya Alam baka bigla nalang siya nitong ihulog, eh ang taas taas na nila'. Mula sa himpapawid ay nakita Niya ang kagandahan ng buong lugar. Mayroon mahabang ilog sa ibaba at may nakikita siyang mga iba't ibang hayop ang umiinom rito. Nakikita Niya rin ang iba't ibang mga isdang lumalangoy na may iba't ibang kulay. Maraming matatayog na puno na may iba't ibang bunga.

"Ang ganda naman po dito" namamangha Niyang wika.

"Tama po kayo master, ang lugar na ito ay napakaganda, binuo ito ni master Amer mula sa kanyang kapangyarihan, dito Niya inilagak lahat ng kayamanan naisalba niya mula sa mundo nila bago ito mawasak ng mga dyablo. At kami ni Leon ang ginawa niyang tagapagbantay habang hinihintay namin ang bagong magmamay-ari at kayo na po iyon. " mabilis na paliwanag nito.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now