Prologue

67 14 4
                                    

"Labing anim na mga may sapat na gulang ang nawawala ngayon sa lugar ng XX City. Ayon sa mga magulang ng mga bata, sinabi raw na mag-a-adventure sila ng isang araw ngunit tatlong araw na ang lumipas hindi pa rin sila nakababalik. Pinaghahanap na ngayon ang nasabing mga kabataan. Kung sila po ay inyong nakita ipagbigay alam na lamang po sa mga numerong sumusunod."

Nag-flash sa screen ng telebisyon ang mga litrato ng mga nawawala kasama ang kani-kanilang pangalan at ang mga phone numbers na maaaring tawagan kung sakaling nakita nila ang mga ito.

"Hays, mga kabataan nga naman. Gan'yan ang nangyayari sa mga batang puro gala lang ang alam. Kaya kayo pagtapos niyong kumain d'yan umuwi na kayo agad," sabi ng ale na nag-served ng pagkain sa mga estudyante na kumakain sa labas ng karinderya niya. "Grabe na talaga ang panahon ngayon," naiiling na dagdag pa niya nang tumalikod siya para bumalik sa loob ng karinderya.

Nagkibit-balikat na lamang ang mga estudyante at hindi na pinansin pa ang sinabi ng ale sa kanila. Habang ang isa sa mga kasamahan nila ay nakatutok sa balita na nagngangalang Jane.

"Huy!" Tinapik ng isa (na si Eliza) si Jane dahilan para magulat ito at mawala ang pokus sa telebisyon. "Tutok na tutok ka r'yan, ha? Natatakot ka ba? Hindi naman tayo pala-adventure kaya hindi 'yan mangyayari sa'tin."

"Mangyayari ang alin?" Tanong ng isa pa nilang kasama na si Edna. "Wala pa naman sinabi kung ano ang nangyari sa mga nawala. Malay mo naligaw lang sila."

"Naligaw my ass," pina-ikot ni Rhea ang kaniyang mga mata; isa pa nilang kasama. "Kung naligaw mga 'yan may makakakita sa kanila tapos p'wede sila magtanong ng daan."

"Pa'no kung bundok pala ang inakyat nila?" Tanong ni Jane.

"Hindi lang naman siguro sila ang nag-hiking sa araw na 'yon 'no," matulin na sagot ni Rhea. Bumuntong hininga siya at muling nagsalita, "Bakit ba natin iniisip 'yon? Kumain na nga lang tayo."

[1 month later]

"Natagpuan na ang dalawang sasakyan na sinasabing sinakyan ng labing anim na nawala sa XX City. Nakumpirma na ang dalawang sasakyan na 'yon ay pagmamay-ari ng dalawang tao na kasama rin sa mga nawawala. Hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol sa kanila, kung buhay pa nga ba ang mga ito. Gayunpaman, patuloy pa rin ang paghahanap sa kanila. Sana sa mga susunod na araw ay mahanap na sila ng ligtas at buo. Ako po si Miguel Guerrero, nagbabalita."

Habang pinapakinggan ang balita, hindi maiwasan na umiyak ni Sassy, ina ni Alysson, isa sa mga pinaghahanap ngayon. Habang ang asawa naman nito na si Lyam ay lumapit sa kaniya upang daluhan siya. Niyakap niya ang kaniyang asawa habang hinahaplos ang kaniyang likod. Maging siya ay gusto na rin umiyak dahil hindi niya kayang nakikita na umiiyak ang kaniyang asawa, dagdag din ang pag-aalala niya sa anak na nawawala.

Hinalikan ni Lyam ang tuktok ng ulo ng asawa habang mariin na ipinikit ang mga mata. "Mahahanap din sila, h'wag ka na umiyak, please."

Umiling si Sassy, patuloy pa rin sa pag-iyak. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi nila na hanap si Alysson. Isang buwan na ang lumipas, ang haba na no'n pero bakit... bakit hindi pa rin nila mahanap ang anak natin?"

"Nahanap na ang sasakyan, konti na lang at mahahanap na rin nila si Alysson," tugon ni Lyam, pilit na pinapatatag ang loob ng asawa dahil wala rin namang ibang gagawa no'n kun'di siya lang din. "Gusto mo ba magsimba mamaya para ipagdasal ang kaligtasan ni Alysson at ng mga kaibigan niya?"

Tumango si Sassy, nanatiling na sa bisig pa rin ng asawa. "Let's do that."

[Few months later]

Patuloy ang walang-humpay na paghahanap kay Alysson at sa iba pang mga nawawalang mga bata, ngunit sa kabila ng mga pagsisikap ng mga awtoridad at ng komunidad, wala pa ring mga tanda ng kanilang kinaroroonan. Si Sassy at si Lyam ay naging mga anino na lamang ng kanilang dating mga sarili, nabubuhay sa patuloy na kalungkutan at kawalang-katiyakan. Ang dating buhay na puno ng sigla sa kanilang tahanan ay ngayon ay nababalutan ng kawalan at pagkabahala.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now