Mutual Trust

17 1 0
                                    

Tagaktak ang pawis, kumakabog ang dibdib at  tumataas baba ang balikat ni Yael habang habol ang hininga dahil sa pagtakbo. Rinig ang pag kadurog ng bawat dahon na kanyang naapakan at pagkabali ng sanga na kanyang nadaraanan.

Halos isang oras na silang naglalaban ni General Evans, mula kaganina pag kagising nya ay naramdaman agad nya ang kilalang aura na palapit sa direksyon nya at nilabanan nya ito at simula kaganina hanggang ngayon ay patuloy parin silang naglalaban.

"Tigil!"

Agad na tinigil ni Yael ang pag takbo at nilingon si General Evans. Halos sagad na ang stamina nya at hindi nya masyadong ginagamit ang kakayahan nya dahil ayaw nyang mas lalong manghina.

Kung tinakasan na lang nya dapat ito kaganina, siguro hindi sya nasa ganitong sitwasyon ngayon.

Agad na tumalon pababa mula sa puno si General Evans, tumataas baba nadin ang dibdib nito dahil sa paghinga habang tumutulo ang pawis nito mula sa noo.

"Yow! Hindi mo talaga ako papaalisin Ahh!"

Ngising sambit nya Kay General Evans pero isang malamig na titig lang ang isinagot nito kasabay ng pag wasiwas ng espada nito palapit sa kanya kaya agaran syang yumuko at lumihis saka siniko ang likod ni General Evans pero umilag ito at nagpakawala ng tatlong espada papunta sa kanya. Nanlaki ang mata ni Yael saka Dali daling pinalabas ang kanyang espada. Lumiwanag pa ito ng gintong liwanag saka mabilis na iwinasiwas ang espada at sinangga ang tatlong espadang atake ni General Evans kaya naglaho ito sa eri at naging kulay pilak na abo.

"Woah! Pwede palang matunaw mga espada mo! Akala ko hindi eh"

Nakakunot ang mga noo ni General Evans habang nakatitig sa hawak na espada ni yael. Ginto ang hawakan nito na hugis dragon at kumikinang sa araw ang talim nun at ramdam ni General Evans ang aurang nilalabas nun.

'First Class Sword'

Sambit ni General Evans sa isipan, hindi nya alam na mayron palang first class sword ang tinaguriang Prinsipe ng Pandaraya. Ang first class sword ay mga espada na may sariling spiritual force at tanging piniling tao lang ang makakagamit at makakahawak nun.

Tinitigan ni General Evans ang mukha ng kaaway, at kahit hindi nya nakikita ang ilong at bibig nito dahil may takip itong tela ay alam nyang nakangisi ito.

Hinawakan ng mariin ni General Evans ang kanyang espada gamit ng dalawang kamay at lumabas ang Spiritual Symbol sa likod nya, lahat ng Spiritual Symbol ay may iba't ibang hugis at kulay. Nakadepende ang hugis sa iyong kakayahan at ang kulay naman ay nakadepende sa iyong spirit.

Lumabas ang Bilog na Spiritual Symbol ni General Evans, kulay puti iyon at may iba't ibang nakasulat sa bawat gilid nun.

Nanlaki ang mga mata ni Yael. Hindi nya alam kung ano iyang lumalabas sa likod ni General Evans, pero isa lang ang alam nya, lumalakas ang aura nito pag lumalabas ang kung ano man iyang nasa likod ni General Evans.

Hinawakan ng mariin ni Yael ang kanyang espada at kasabay nun ang pag bulusok papunta sa kanya ang napakaraming espada mula sa likod ni General Evans.

Nanlaki ang mata ni Yael at agad na iwinasiwas ang kanyang espada agad na natutunaw ang mga iyon subalit patuloy parin ang pagbulusok ng mga espada papunta sa direksyon nya kaya napapa atras na si Yael at ginamit ang kanyang bilis upang lumipat ng posisyon pero agad din syang nanghina dahil sa ginawa, subukan man nyang tumakbo ng malayo ay baka hindi na nya kayanin pang tumayo at matatagalan sya bago maka recover.

Napa angat ng tingin si Yael ng makitang tumalon papunta sa kanya si General Evans at nakaposisyon ang espada nito kaya agad itong sinangga ni Yael na nakalikha ng napaka tinis na tunog kasabay ng pagbulusok ng espada papunta sa bewang ni Yael kaya agad nyang tinulak si General Evans at sinangga ang espadang papunta sa kanya ngunit may Isa pang espada sa likod nya kaya agad nya din itong sinangga kasabay ng pag atake ni General Evans ng tumalikod sya kaya Agaran din lumingon si Yael at sinangga ang espada ni General Evans pero hindi napansin ni Yael ang pagbulusok ng isa pang espada sa binti nya kaya agad na umagos mula dun ang dugo nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Prince and The GeneralWhere stories live. Discover now