Barbarian's Code

19 4 0
                                    

Ng makabalik na si Yael sa El Ador kung saan sya tumitira ay binati muna sya ng mga guwardya dito. Ang El Ador ay ang pumapangalawang bahay-panuluyan dito sa Broston dahil ang nangungunang bahay-panuluyan ay ang Royal Hotel ngunit ito ay para lamang sa mga maharlika o matataas na posisyon. Ang isang buwan dito sa El Ador ay limampong gintong barya ang bayad. Sobrang Mahal kung tutuusin ngunit walang pagpipilian si Yael dahil ang bahay-panuluyan na ito ay sya ring tinitirhan ng mga mayayamang manlalakbay. Kinakaibigan nya ang mga ito upang mapagkuhaan ng impormasyon. Alam nyang maraming koneksyon ang mga mayayaman kung kaya't madali ang pagkuha ng impormasyon sa mga ito kung ikokompara sa mga pangkaraniwang tao lamang.

Hindi naman nya pinoproblema ang salaping ipangbabayad dito dahil ang benta ng bahay-panuluyan na ito ay yun din ang pinangbabayad nya sapagkat madali lang para sa kanya ang kumuha ng sapat na salapi na benta ng bahay-panuluyan sa pamamagitan ng pag kukuha nya ng salapi sa lagayan ng Pera sa silid ng matandang lalaki na syang namamahala sa El Ador.

Sa halos isang taon nya dito sa Broston ay wala pa talagang nakakahuli ng mga ginagawa nya kung kaya't ang tingin ng mga taong nakakakilala sa Kanya ay Isa syang mayamang binata na nagmula sa mayamang pamilya.

Nang makapasok na sya sa kwarto nya ay Dali Dali syang kumuha ng tela at pang sulat. Tela ang ginagamit nya sa pag sulat dahil Hindi nito mabubura ang mga isusulat nya kahit na maabutan ang ibon nya ng ulan sa himpapawid sa pag abot ng mensahi sa Ziortzia kung saan naninirahan ang mga Barbaro at Kung saan din sya lumaki.

Isinulat nya ang salitang

T K W D K
W I L W F
R A P F W
K A W O R
D A R W N

CK,Y

Kung saan ay mababasa ang salitang 'T' kung babasahin ito mula kanan at sa baba nito sa pangalawang letra ang "I" At sa pangatlo ay ang pangatlong letra din, at yun ang "P"

1X1,2X2,3X3.....

Hanggang sa mabuo ang salitang "TIPON".

Ang CK naman ay nangangahulugang "Ceralia Kingdom" at ang "Y" naman ay sa Pangalan nyang Yael.

Ito ang disenyo ng pagpapadala nila ng sa ganun ay walang maka intindi dito kung sakaling may makahuli sa ibon.

Ng Matapos ay agad nya itong nirolyo ng pabilog saka nya kinuha ang Kuwago na nakakulong sa munting kulungan nito sa loob ng kwarto ng binata saka Itinali sa mga paa nito ang sulat. Hindi ito pangkaraniwang ibon lang, dahil ang ibong ito ay may kaisipan ng tao. Bagama't hindi ito nakakapag salita ay nakaka intindi naman ito.

"Dalhin mo ito sa Ziortzia"

Sabi nya dito saka ito dinala sa bintana saka ito pinalipad. Bumuntong hininga ang binata saka umupo sa higaan nya at Napa isip ng malalim

Dalawang daang taon. Dalawang daang taon na ang nakalilipas nung nasakop ng mga Barbaro ang Kaharian ng Ziortzia at ngayon mga Barbaro na ang nakatira dun. At dalawang daang taon na din nung nakita sya ni Madame Leona sa Roille River. Hanggang ngayon ay Malaki ang pasasalamat nya dito dahil sa pagkopkop nito sa kanya. Binihisan at tinuruan sya nito ng mga bagay bagay tungkol sa mundong to.

Hanggang ngayon ay di pa din nalalaman ng binata kung sino ang magulang nya. Buhay pa ba ito o patay na. Isa sa mga hangarin nya ay ang malaman ang katotohanan na nangyari dalawang daang taon na ang nakalilipas. Maraming bumabagabag sa isipan ni Yael . Alam nya ang tungkol sa  pag tataksil ng isang tao sa loob ng palasyo ng Ziortzia kung kaya't nasakop ito ng mga Barbaro. Ngunit hindi nito alam kung sino ang tumulong sa kanilang tribo para sakupin ang Ziortzia. Ano ang layunin ng taong yun. Bakit walang balita tungkol sa mga dating naninirahan sa Ziortzia.

Ang alam ng binata ay sinakop ng mga Barbaro ang Ziortzia. Pero bakit madaling nasakop ang Ziortzia? Sino ang tumulong sa kanila? At bakit ang Hari at Reyna ng Ziortzia lang ang namatay.? Wala ba itong mga anak? At bakit ang naka saad sa libro ay mahigit tatlong daang libo lang ng mga taga Ziortzia ang namatay? Masyadong malawak ang Ziortzia at Hindi naniniwala ang binata na ang tatlong daang libo na napatay ay yun na ang lahat ng naninirahan sa Ziortzia. Alam ng binata na may iba pang naganap tungkol sa digmaang naganap dalawang daang taon na ang nakalilipas.

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon