General Evans and Prince Markus

13 4 0
                                    

Sa paglisan ng lahat ng natitirang liwanag sa langit at ang pag kagat ng dilim ay agad na sinabihan ni Yael si Enzo na ayusin sa ang kasuotan nya dahil pupunta na silang palasyo.

  Pagkatapos maligo, tinulungan ni Enzo na bihisan ang amo. Sa pagiging alipin nya ng ilang daang taon ay nagkaroon na sya ng ideya sa lahat ng bagay ukol sa ganitong gawain. Natuto syang maglaba, maghugas, magluto, at mag ayos ng kasuotan. Marunong na din sya ng mga kasuotan na dapat suotin sa bawat salo-salo dahil iba-iba ang kasuotan sa iba't ibang kaganapan.

  Ng maging maayos na ang kasuotan ni Yael ay tumingin sya sa salamin at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita ang buong hitsura. Dahil mahaba ang salamin dito sa silid nya ay Kitang kita nya kung paano bumagay ang suot nya sa marangyang kasuotan na ito na tila ba'y ito talaga ang dapat na sinusuot nya sa araw araw.

"Mas lalo kang naging gwapo at kaaya ayang tingnan Amo"

Hindi nalang ito pinansin ni yael at sinabihan itong Mag ayos na din.

"Pagkatapos mong maligo at mag ayos ay sunod mong ayusin ang kalesa sa baba. Ng sa gayon ay walang maging problema sa pag dalo natin mamaya"

"Masusunod po Amo"

Nakayukong sambit nito saka pumasok sa paliguan. Umupo naman sa higaan si yael at kinuha sa mahiwagang pitaka ang kahon na kanyang ire-regalo sa prinsesa.

"Kailangan may makuha akong impormasyon sa loob ng palasyo"

  Sa loob naman ng palasyo sa mismong Hardin nito ay tanaw ang magagarang kagamitan at rinig ang magandang musika mula sa mga orkestra. Nasa gilid ng Hardin paikot ang mga mesang may puti, makapal at magarang tela na nakapatong dito at sa ibabaw nito ay samo't saring mga prutas na nasa ibabaw ng gintong mangkok at naka ayus naman ang mga mesa kung saan naka upo ang mga maharlika at mga aristocrats, sa gitna nito ay may apat na babasaging tasa na gawa sa marmol at mga plato, kutsara at tinidor na gawa sa pilak. Sa bawat puno naman na nandito sa Hardin ay may limang mga lampara na nakasabit sa bawat sanga nito na nagbibigay ng liwanag sa buong harden na nagpadagdag ng karangyaan dito.

Sa gitnang dulo naman ng Hardin ay may malaking mesa na puno ng sari saring regalo mula sa mga dumalo. Sa gilid naman ng daan sa unahan ng Hardin, may munting Arko na gawa sa mga bulaklak na nagmula sa iba't ibang bulaklak na makikita lamang sa mga palasyo ng iba't ibang kaharian sa loob ng emperyo at ito'y nagsisilbi bilang tarangkahan sa Hardin. Nasa gilid naman nito sa kaliwang banda ng Arko si Prince Markus Ciceró na syang Crown Prince ng Ceralia Kingdom at ang susunod na magiging Hari ng Ceralia at nasa tabi nito si General Joseph Danilo na heneral ng Ceralia. Parehong nakangiti ang dalawa para salubungin ang mga panauhin na nagpapasalamat naman sa kanilang imbitasyon.

   Maya maya lang ay natanaw ni General Danilo ang seryosong mukha ng binatang ayaw nyang makita. Napairap nalang sya at napaikot ng mata.

"Ayaw ko talaga sa binatang yan tsk!"

Sa sinambit ni General Danilo ay napatingin sa kanya si Prince Markus na nakakunot ng noo at mga matang nagtatanong.

"Sino ang tinutukoy mo Heneral"

Huminga muna ng malalim si General Danilo bago tinuro ang binatang nakasuot ng marangyang damit at sa likod nito nakasunod ang alipin nitong naka yuko ang ulo na ngayon ay limang metro nalang ang layo nila mula sa arko. Napatingin naman dito si Prince Markus at agad na Kumunot ang noo nito at inaalala kung nakita nya na ba dati ang binata pero nasisiguro syang ngayon palang nya ito nasilayan. Base sa kasuotan nito at pang galaw ay batid nyang galing ito sa marangyang pamilya lalo na't imbitado pa ito, ngunit ang ipinagtataka nya ay bakit ngayon lang nya ito nakita.

Ng makatapat na nila ang binata ay ngumiti ito sa kanilang dalawa saka yumuko, ganun din ang aliping kasama nito,

"Your Highness"

The Prince and The GeneralWhere stories live. Discover now