At Siren's Pearl

12 4 0
                                    

Sa loob ng Isa sa maraming silid ng Siren's Pearl ay naka higa sa malambot na kama si Yael. Iniinat pa nito ang katawan dahil sa pagod kung kaya't naisipan nyang mag inat dahil pakiramdam nya'y nagkahalo halo na ang mga buto nya.

"Hayyst Grabe!"

Sambit nito at kinuha pa ang unan at yinakap ito.

Hindi naman maintindihan ni Enzo kung bakit parang sobrang pagod na pagod ang Amo lalo na't parang hindi naman nakakapagod ang ginawa nila ngayong araw. Pero naisip nyang Baka hindi lang ito sanay lalo pa't mayaman ito. Hindi nya alam kung para San ang salo salo na pupuntahan nila. Sinabihan kasi sya nitong sumama sa salo salo at Hindi naman sya makatanggi lalo pa't binilhan na naman sya nito ng mas magarang kasuotan na susuotin nya sa salo-salo kaya mas lalo syang hindi makatanggi dahil nahihiya sya dito. Ngayon palang kasi may nagsabi sa kanya na sumama sa isang magarang salo-salo kung kaya't kinakabahan sya lalo pa't wala syang ideya sa kung Ano ang gagawin.

Alam ni Enzo na pang mayamang salo-salo ang kanilang dadaluhin lalo pa't tatlong pirasong jade coin ang halaga ng ipang reregalo ng kanyang Amo dun. Hindi nya mabatid kung gaano kayaman ang kanyang Amo. Ngayon palang sya nakakita ng jade coin at mukhang may maraming jade coin ang Amo nya, kaya kung may kawal Lang ito ay iisipin na nyang Prinsipe ang Amo nya at nagaaliw aliw lamang.

Inilagay na nya sa gilid ang mga maleta ng kanyang Amo na naglalaman ng mga pinamili nito saka sya Lumapit sa Amo at tinanggal ang suot nitong sapatos bago nito nilagyan ng kumot.

Tumayo sya at tinitigan ito. Kung titingnan ang mukha nito ay para itong strikto dahil sa makapal na kilay nito, matangos na ilong at manipis na mapupula nitong labi. Binatang binata itong tingnan at Di nya maitatangging gwapo din ito. Di na sya magdududa kung ilang babae na ang napaluha nito.

Lumabas na sya ng silid ng Amo at pumunta sa silid na nasa tabi Lang ng silid ng kanyang Amo dahil dito sya pinapatulog ng Amo nya imbis na dapat ay sa labas lang ng silid nya.

Binuksan iyon ni Enzo at Namangha sya sa magiging silid nya. Umupo sya sa malambot na kama at Di maiwasang tumalon talon dito ng kunti. Ngayon palang sya nakahawak dito at mas lalong ngayon palang sya makakatulog ng gantong karangyang kama dito sa marangyang silid.

Humiga sya dito saka tumingala. Habang nag mumuni muni.

Halos dalawang libo na Sya dito sa mundo ng mga tao. Ngunit sa tagal ng panahon ay sariwang sariwa parin sa kanyang alaala ang mukha ng babaeng Mahal nya. Sa tuwing humihiga sya ay ang nakangiting mukha ng dalaga ang unang pumapasok sa isipan nya.

"Dalawang libong taon. Dalawang libong taon ngunit bakit hindi parin Kita makalimutan? Bakit ikaw parin ang laman nito?"

Sambit ni Enzo at napahawak sya sa dibdib nya kung nasan tumitibok ang puso nya patunay na sya ay buhay pa.

"Bakit ko pa kailangang mabuhay kung patay na ang puso ko? Pagod na akong magdurusa ng ganto. Bakit mo ba kasi ako iniwan?"

Hindi napigilan ni Enzo na tanungin ang babaeng Di mawala sa puso't isip nya kasabay ng pagtulo ng luha nito na naging perlas.

Sobrang sakit sa puso nya na masaksihan mismo ng mga mata nya kung paano patayin si Alona. Ang babaeng tinitibok ng puso nya. Parang naging yelo ang buo nyang katawan sa nasaksihan. Kitang Kita nya ang pagtulo ng Gintong dugo ng dalaga habang isinasalin ang dugo nito sa garapon upang ibenta sa mamahaling halaga.

Sariwa sa alaala nya kung pano ito tumingin sa kanya habang tumutulo ang luha, mga matang humihingi ng tulong, mga matang nagmamakaawa ngunit wala man lang sya nagawa.

"Ang hina mo!. Ang hina hina MO! Hindi mo man lang naipag tanggol ang babaeng Mahal MO! Wala kang kwenta!"

Naiiyak na sambit nito sa sarili. Kung Hindi Lang Sana sya mahina. Kung sinunod nya lang sana ang payo ng kanyang ama na magpalakas ay hindi Sana mawawala sa kanya ang babaing mahal nya. Mapoprotektahan nya sana ito.

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon