Emperial Edict

7 1 0
                                    

Sa loob ng emperyo, sa mismong Throne Hall ng Emperor kung saan makikita ang gintong trono at ang malaking rebulto ng gintong dragon na nasa likod ng trono na nagsisilbing sandalan, at ang buntot nito na nagsisilbing silyon (armchair) sa kaliwang banda habang ang nasa kanang silyon naman ay ang isang kamay ng dragon. At ang mga mata ng dragon ay gawa sa malalaking bato ng Ruby.

At ang trono ay nasa itaas ng pitong baitang, at sa bawat baitang ay nakaukit ang mga pangalan ng mga kaharian ng mga nasasakupan ng emperyo. Ang Ceralia, Laigania, Herbachia, Zogolare, Inveria at Noiodia ngunit ang unang baitang ay walang pangalan sapagkat nasakop na ng mga barbarian ang Ziortzia kaya binura na iyon sa mga baitang.

At sa baba ng mga baitang, sa bawat gilid nakahelira ang mga pansamantalang upuan ng mga Hari, sa kanang banda nakaupo si Haring Cornelius Ciceró ng Ceralia at sa tabi nito si Haring Alpheus Wright ng Laigania at katabi naman nito si Reyna Aurelia Galdire ng Noiodia at sunod sa kanya si Marquis Arel ng Timog at katabi nito si Marquis Trine ng Hilaga.

Sa kaliwang banda naman sa gilid ng Throne Hall, si ibaba ng baitang ng trono nakaupo si Haring Amos Niel ng Zogolare katabi naman nito si Haring Darius Claudií ng Herbachia at sunod si Reyna Eleanor Harrison ng Inveria. Sunod naman sa kanya si Marquis Zaar ng Kanluran na katabi naman si Marquis Afland ng Silangan.

Tahimik silang lahat habang ang ilang Hari ay nakakunot ng noo at ang dalawang Reyna naman ay taimtim na umiinom ng tsaa. Ang munting paglagay ng tasa sa mesa ng dalawang reyna at ang pagbuntong hininga ng mga Hari ang tanging maririnig na tunog sa buong bulwagan. Lahat may katanungan ang isipan kung bakit napa aga ang pag tawag sa kanila ng Emperador.

"Para naman kayong papatayin sa lagay na yan haha"

Natatawang sambit ni Queen Eleanor ng Inveria habang nakatakip sa kanyang bibig ang kanyang abaniko (Fan/pamaypay)

"We can't help it Sister Eleanor. Alam naman nating sa loob ng limang buwan ginaganap ang pangkalahatang pagpupulong at ito ang kauna unahang pangyayari na napa aga ata"

Nakakunot na sambit ni Haring Amos ng Zogolare na sinang ayunan naman ng iba

"Marahil ay may mahalagang sasabihin ang emperador"

Tanging sambit ni Marquis Zaar ng Kanluran. Sa sinabi nito ay mas lalong Kumunot ang noo ng karamihan.

"PARATING NA ANG EMPERADOR!"

(A/N:Emperador light? San Mig Light? O Beer Pilsen Hahaha"

Malakas na pahayag ng nasa labas ng bulwagan kaya tumayo ang mga Hari At Reyna ng Iba't ibang lugar saka yumuko kasabay ng pagbukas ng pinto ng bulwagan.

Umalingawngaw sa buong bulwagan ang unang pag apak ng lalaking may katandaan na, at ang mga itim nitong mata na tila kumikinang na gaya ng bituin habang nakatingin sa mga Hari at Reyna.

Kulay pula ang kasuotan nito na may mga simbolo ng gintong dragon sa harapan at likod ng damit, maging ang mga balikat ng kasuotan nito ay may gintong dragon din.

Sa bawat pag hakbang nito, ramdam na ramdam ng mga Hari at Reyna ang malakas na aura na nilalabas ng Emperador ngunit sa kabila nun ay hindi sila nakaramdam ng takot dahil tila ba'y magaan ang kanilang pakiramdam.

Palihim na nagkakatinginan ang mga Hari at Reyna sa is at Isa habang nakakunot ang mga noo at mga matang nagtatanong.

Nasa gilid naman ng Emperador sa likod nito naka yuko si Eunuch Erick at sa likod nito nakahelira sa kanan at kaliwa ang mga taga silbi habang nakayuko.

Pagdating sa baitang humakbang paakyat si Emperor Levi at tumindig ng tuwid paharap sa mga nakayukong Hari't Reyna ng makarating sya sa kanyang trono. Umakyat din si Eunuch Erick sa mga baitang at Huminto sa baitang na may naka ukit na Noiodia kung saan sya pinanganak at saka pumunta sa gilid sa pinaka dulo ng baitang na iyon.

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon