What a Gold-sidence!

14 4 0
                                    

Ng malapit na sya sa pinto may mag inang nais pumasok sa loob ng kainan ngunit pinipigilan sila ng mga bantay dahil sa mga punit punit at maduming suot ng mga ito.

"Umalis kayo dito! Wag nyong sirain ang reputasyon ng Aleninte!"

Sigaw ng bantay dito habang pinandidilatan ng mata ang mag ina at pilit itong tinataboy.

"Makikihingi lang po kami ng makakain"

Magalang na Sabi ng ina habang nakayakap sa binti nito ang bata na nakasiksik sa damit ng ina ang mukha nito. Ngunit kahit ganun ay itinulak parin sya ng bantay.

"Umalis kayo dito kung ayaw nyong masaktan"

Bantang sabi ng isang bantay saka nito hinugot ang espada at itinutok sa mag ina kung kaya't wala itong magawa kundi ang umalis na lamang. Ayaw nyang masaktan sya at lalong lalo na ang anak nya.

Napabuntong hininga si Yael saka kumuha sa pitaka ng dalawang gintong barya saka lumapit sa mag ina at ini abot sa kanila ito.

Nanlaki ang mga mata ng Ina sa nakitang salapi na nakalahad sa kanila. At saka ibinaling ang tingin sa binata.

"Maraming Salamat Ginoo! Maraming maraming Salamat!"

Naiiyak na sambit ng ina. Sa buong buhay nya ay ngayon palamang may nag abot sa kanya ng ganong kalaking salapi. Ang dalawang gintong barya ay sapat na para sa kanilang dalawa ng kanyang anak para may makain sa loob ng sampong araw.

Ngumiti lang si Yael saka ibinigay sa batang babae ang salapi. Kita naman ng dalawang bantay ang binigay na salapi ng binata sa mga palaboy at talaga namang malaking halaga ito. Ang dalawang gintong barya na ibinigay ng binata sa Mag ina ay talaga namang may malaking halaga. Hindi nila maisip na may ganong klaseng kayamang tao na magbibigay ng ganung halaga sa mga palaboy.

Miski sila ay ngayon palamang nakakita ng mayamang tao na nag abot ng ganung salapi sa mga palaboy.

Sa ilang buwan na pagiging guwardya nila ay ngayon lang nila nasaksihan ang gantong kaganapan. Kadalasan kasi ay lima hanggang sampong pilak na barya lang ang binibigay ng mga mayayamang tao at ang mga maharlika naman ay bente Hanggang limampong pilak na barya ang ibinibigay ngunit ang binatang ito ay dalawang gintong barya ang ibinigay. Bawat isang gintong barya ay nagkakahalaga ng dalawang daang pilak na barya at ang pagbigay ng dalawang gintong barya ay talaga nga namang nakakamangha.

Ng lumingon ang binata sa kanila ay saka palamang nila nakita ang mukha nito. Nakilala nila ang binata dahil madalas itong kumakain dun na nangangahulugan lamang na mayaman ito at hindi isang ordinaryong tao lamang. Lalo na't nasaksihan nila ang pagsayang nito ng dalawang gintong barya sa mga palaboy.

Ng makalapit na ang binata ay saka nila ito pinagbuksan ng pinto na may ngiti sa labi. Amoy na Amoy din nila ang mamahaling pabango na ginamit nito na nagbibigay ng nakakamanghang halimuyak.

Ng makapasok sa loob ay saka sya binati ng isang dalagang nag sisilbi sa kainan nato.

"Magandang Hapon Ginoo"

Nakangiting Sabi nito habang namumula ang pisngi. Nginitian ito ni Yael na mas lalong ikinapula ng dalaga.

"Dito po tayo"

Sabi nito saka naguna ng lakad kaya sumunod sya sa likod nito. Sa paglalakad nya papunta sa kanyang mesa ay di nya maiwasang makarinig ng mga pag ka mangha tungkol sa kanya. Di na kataka taka iyon sapagkat miski sa kanilang tribo ay marami na ang humahanga sa kanya.

Pasimple nyang nilibot ang paningin nya at nakita ang magagarang kasuotan ng mga taong nandito. Mga kumikinang na mga alahas ng mga kababaihan dito at ang mga mamahaling espada ng mga kalalakihan.

The Prince and The GeneralWhere stories live. Discover now