A Thief in The Market

28 4 0
                                    

---100 Years Ago---

"At alam nyo ba na may sabi-sabi na kaya daw madaling nasakop ng mga barbaro ang Ziortzia dahil daw may nag taksil sa loob ng palasyo at kaya din maalam ang mga barbaro ng mga pasikot-sikot sa loob ng palasyo sa kabila ng maraming mga patibong na magiging dahilan sana ng pagkamatay ng ilang Barbaro sa loob ng palasyo at talaga nga namang nakakapagduda na ang lahat ng patibong ay sira at hindi gumagana "

Tumango-tango naman ang mga tao na taimtim na nakikinig sa kwento ng isang lalaking may kulubot na balat at maputi ang ibang hibla ng buhok habang nasa gilid ng kalye dito sa Broston na syang Kapital na syudad ng kaharian ng Ceralia. Nasa harapan naman nito ang mesang may nagkakapatong patong na mga libro habang ang ibang libro ay hindi naka lagay ng maayos at tila ba'y nakaligtaan ng ayusin.

Maging ang mga taong dumaraan sa kalyeng ito ay nagpapantig ang mga tenga, napapalingon, at napapatitig habang tila ba'y hindi nila maiwasang makinig sa sinasabi ng lalaking naka suot ng kakaibang kasuotan, gusot, butas-butas at medyo maduming damit na naiiba sa mga karaniwang kasuotan ng mga taong nagtitinda dito sa kalyeng ito na nagpapatunay na sya ay isang ordinaryong manlalakbay lamang at nakikipagsapalaran sa Broston na syang Kabisera na syudad ng Kaharian ng Ceralia upang makipag kalakalan.

"At yun din ang dahilan Kung bakit pinili ng Hari't Reyna na isakripisyo ang kanilang buhay para sa mamamayan ng Ziortzia"

Dahil as narinig, kita ang pag kagat ng ngipin ng ilan at pag kuyom ng kamao, sino ba naman kasi ang taong hindi magagalit sa kasamaang dulot ng mga Barbaro sa Hari't Reyna ng Ziortzia maging ang mga inosenteng mamamayan nito.

"Totoo bang mga Barbaro na ngayon ang naninirahan sa lugar ng Ziortzia?"

Tanong ng isang babaeng may kunot na noo habang naka taas ang isang kilay nito. Hawak sa isang kamay ang batang lalaki at isang supot ng kanin sa kabilang kamay. Agad namang nabaling ang tingin sa kanya ng taong nag lalako ng libro maging ang ilang mga tao.

"Walang duda!"

Maikling sagot ng naglalako na may seryosong mukha na nagpasinghap ng mga nakikinig at mas lalong kumuyom ang palad nila at parang may lumalabas na usok sa mga ilong at tenga nito na tila ba'y handang pumaslang ng Barbaro.

"Ano ba ang hitsura ng mga Barbaro"

Ngumisi muna ang tatay na naglalako at tila ba nakarinig ng tanong na matagal na nyang hinihintay.

"Ang mga Barbaro ay may kulay berde na katawan na gaya ng isang ahas, malalaking braso na kaya kang durugin at mga matutulis na ngipin na sa isang kagat ay siguradong tatagos sa mga buto nyo"

Dahil sa narinig nanginig ang labi ng bata na hawak ng ginang habang tila agos ng Ilog na pumatak ang kanyang mga luha kaya agad na kinuskos ng ginang ang likod nito gamit ang isang kamay.

Sa kabilang gilid naman ng kalye ay naroon ang isang binata na nakasandal sa pader at nakatapak ang kaliwang paa nito sa isang kahon habang ngumunguya ng mansanas.

Napapalingon naman sa kanya ang ilang kababaihan na dumaraan kaya tinitingnan nya din ang mga ito gamit ang mapupungay nyang mga mata na may kasamang pag taas sa bawat gilid ng labi nya sabay kindat sa kaliwang mata nito na talaga namang ikinapula ng mga mukha ng mga babae at mga binabae. Ang iba naman ay tumitili sabay parang tangang tatakbo paalis. Napapailing nalang ang binata at minsan naman ay napapatawa sa mga pinapakitang reaksyon ng mga ito.

Ng makita nyang paubos na ang mansanas ay sinuot nya ang tela na ginagamit nyang pantago sa mukha nya. Naitatatago naman ng telang to ang ilong at bibig nya pababa sa kanyang leeg. Ng maiayos ang sarili, saka nya basta basta nalang tinapon ang mansanas sa mesa ng tatay na naglalako ng libro na ikinalaki ng mata nito at napatingin sa gawi nya na may namumulang mukha at parang may lumalabas na usok sa tenga nito habang nakatitig ang matatalim nitong mga mata sa kanya.

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon