Knowledge is power

12 0 0
                                    

Sa pagdating sa kubo ng matandang to ay agad na napansin ni Yael ang kalinisan sa paligid, malusog ang mga bulaklak at mga puno dito, matitingkad ang kanilang kulay at halos walang makikitang tuyong dahon sa kahit saang sanga o lupa dito, mayron din maraming paru-paru na may iba't ibang kulay at laki na masayang lumilipad sa bawat mga bulaklak at halaman. At sa di kalayuan ay may mataas na talon na bumabagsak sa malinaw na tubig na may kalawakan at dumadaloy ang tubig sa Ilog na rinig ang lagaslas na tunog nito. Isa itong paraiso kung maituturing.

Inilagay muna ng matanda ang plorera (vase) sa may pinakadulo ng nakahelirang bulakalak at may inilagay doon na tatlong pirasong binhi . Maya maya lang may lumapit na munting nilalang, umiilaw ito ng gintong kulay at sa bawat paglipad nito ay may nahuhulog na ginto at umiilaw na buhangin.

Nanlaki ang mata ni Yael sa nakita. Bagama't nakakita na sya dati ng munting diwata ay sa Fronhemia lamang iyon kung saan naninirahan ang lahat ng munting diwata at ngayon lang sya nakakita ng diwata na naninirahan sa labas ng Fronhemia.

"Ehhh? Bakit isang plorera lang? Nakakayamot naman!"

Natawa ang matanda sa narinig na sinabi ng diwata. Maliit at matinis ang boses nito na maririnig lang kung malapit ka sa kanya. Hindi ito marinig ni Yael at tanging tunog lang ng munting kampanilya (bell) ang kanyang naririnig kaya lumapit sya dito.

"mabuti narin yun para may mapaglibangan ka"

"Kahit na! Hhmmpp!"

Sagot ng diwata at nagpapadyak pa ito ng kanyang maliliit na mga paa sa ire.

"Paano nyo naging alaga yan?"

Nabaling ang tingin ng diwata kay Yael at agad na nanlaki ng mata at Dali daling lumipad palapit sa kanyang mukha at pinakatitigan nito ang bawat ditalye ng mukha nya.

"Ayyiiee! Ang gwapo hehehe"

Napakunot ng noo si Yael sa inakto ng diwata. Sanay na syang pinupuri ng mga tao pero hindi ng isang diwata.

"Arayy!"

Nanlaki ang mata ni Yael ng makita kung pano tumilapon yung diwata sa halamanan dahil sa isang pitik ng matanda. Gulat syang napatingin doon.

"Sumusubra ka na ha! Hhmmpp!'

Sambit ng diwata bago lumipad palayo. Napailing nalang ang matanda habang natatawa. Pero nanlalaki parin ang mata ni Yael, nagaalala sya para sa munti at maliit na diwatang iyon.

'Buti hindi yun napisa'

Sambit nito sa sarili. Tumingin si Yael sa matanda at nakita nyang pumasok ito sa kubo kaya Itinali nya muna yung kabayo sa isang kahoy sa labas ng bakod kung saan mayron doon tumutubong damo. Sa loob kasi ng bakod walang damo at ang mga bulaklak ay nasa plorera lamang.

Ngayon lang napansin ni Yael na kulay puti pala ang kabayo at mayrong itim na hugis dyamante. Malusog din ang pangangatawan nito at mayron itong kwentas sa leeg. Tiningnan ito ng mariin ni Yael at nakaukit doon ang....

"pfftt! Doggie? Doggie ang pangalan mo? Hahahaha"

Lumalabas ang ngipin at gilagid ni Yael sa kakatawa.

"Hindi ko sukat akalain na ang magandang kabayo nato na maangas ang pangangatawan ay may pangalang doggie!! Hahaha"

Natatawa paring sambit nito. Maya maya lang bumuntong hininga ito saka hinimas ang ulo ng kabayo bago naisipang pumasok na sa kubo.

Pagpasok palang unang unang makikita ang di ganong kalaking mesa kung nasan ngayon ang matanda habang dinudurog nito ang dahon gamit ng makinis na kahoy sa maliit na plorera. Nilibot ni Yael ang paningin at nakitang yari sa kahoy at talahib ang buong kubo, nasa kaliwa ang maliit na kusina at nasa gilid nun ang mga sampong bote na naglalaman ng iba't ibang klaseng halamang gamot at sa kanang banda naman ng kubo ang silid na kasya ang tatlong tao, mayron din itong kataasan mula sa lupa at may isang baitang na nagsisilbing hagdan nito. Wala itong pintuan kung kaya't nakikita agad kung anong meron sa loob.

The Prince and The GeneralWhere stories live. Discover now