Breaking the Barrier

6 1 0
                                    

Sa pagkagat ng dilim, paglitaw ng libo libong bituin kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin. Nasa labas ng kubo si Yael, namamanhid ang kanyang mga binti at tumatagaktak ang kanyang pawis sa kabila ng lamig ng gabi dahil sa pagtakbo palibot sa gilid ng barrier. Ramdam nya ang pag katuyo ng kanyang lalamunan, ang panginginig ng kanyang mga paa at ang mabilis na pag alsa at pag baba ng kanyang dibdib. Hindi nya ginagamit ang kakayahan nya, tumatakbo sya na puro physical na tatag lamang.

Sa maghapong pagbabasa ng libro, nakatapos sya ng apat na libro at yun ang The Spiritual Core, A Battle's Strategy, Techniques to Endless Mana, at The Ancient Abilities.

Napag alaman nyang ang stamina ay nakadepende sa lakas at tatag ng katawan, sa bawat pag gamit ng kakayahan ay hindi lang mana ang nagagamit nito kundi lakas din ng isang tao. Kaya sya mabilis mapagod kapag gumagamit  ng kakayahan ay dahil hindi sanay ang katawan nya na mapagod. At upang maging malakas ang stamina nya, kinakailangan nyang masanay na tumagal sa pagtakbo, at masanay sa iba't ibang physical na gawain.

Mahigit apat na oras na syang tumatakbo kaya halos mamuti na ang kanyang mga labi. Ng halos ayaw ng gumalaw ang kanyang katawan ay saka sya huminto at humiga sa damohan. Habol habol nya ang kanyang hininga at halos maligo sa sariling pawis. Ramdam nya ang pag nginig ng lahat ng kalamnan pero hindi nya iyon pinagtuonan ng pansin.

Nakaawang ang kanyang bibig habang nakatingala sa langit at tanaw na tanaw nya ang nagkikislapang mga bituin. Dahan dahan nyang iniangat ang kanyang mga kamay sa langit, sinusubukang abotin ang mga ito.

"Ama.... Ina.... Isa ba ang mga spirit nyo sa mga bituin na yan? Ama, Ina... Buhay pa ba kayo?"

Hindi mapigilan ng binata ang pagtulo ng kanyang luha. Oo nga't lalaki sya, pero tao lang din sya, may damdamin at nasasaktan. Sa kabila ng mapait na karanasan sa buhay, naging matatag sya upang malaman ang kanyang dahilan kung bakit sya nandito, nabubuhay.

"200 years.....200 years na akong nabubuhay. 200 years na walang magulang sa tabi. Dalawang daang taon na puro kalungkutan, pagdurusa at kasakitan. Ina sabihin mo..... Kailan ba ako sasaya? Lagi na lang ba akong ganto? Hahaha"

Natatawa ang binata saka pinunasan ang luha. Ramdam nya ang lamig nito sa kanyang mga palad at ang pag nginig ng kanyang mga labi.

"Ama... Wag kang mag alala. Matatag tong anak nyo. Ako ata ang Prinsipe ng Pandaraya! Hahahaha"

Tumigil sa pagtawa ang binata kasabay ng pagdaloy ng kanyang luha.

"Ama, Ina.... Pagod na po akong tumawa, pagod na akong ngumiti, pagod na akong mag panggap na malakas, pagod na akong maging matatag. Ina.... Sa buong buhay ko palagi akong mag Isa. Walang yumayakap sakin kapag nalulungkot ako, walang nagsasabi sakin na magpatuloy. Lahat ng yun Mag Isa lang ako!"

Napahikbi ang lalaki saka pinunasan ulit ang luha nyang tila walang tigil sa pag agos.

"Walang Ina na nag aalaga sakin..... Walang Ama na nagpapatatag sakin.... Lahat ako! Ako ang nag aalaga sa sarili ko, ako ang nagsasabi sa sarili ko na Yael Magpakatatag ka! Kaya mo yan! Alam nyo kung bakit? Kasi wala akong karamay!"

Halos magputukan ang kanyang ugat sa leeg dahil sa pag sigaw. Pagod na ang katawan at isipan nya. Pero kailangan nyang magpatuloy, Kailangan nyang mabuhay para mahanap ang layunin nya sa buhay. Kahit yun nalang ang dahilan nya para magpatuloy.

Umupo si Yael saka huminga ng malalim, kinakalma ang sariling isipan at katawan. Pagkatapos nito'y napagdesisyonan nyang pumasok na sa kubo.

Hindi na sya nag atubiling sindihan ang lampara at nahiga nalang sa sahig dito sa loob ng nagiisang silid sa kubo.

"Bukas ng Gabi. Sisiguraduhin kong masisira ko ang barrier bukas. Gagawin ko ang lahat masira yun at pagkatapos nun...Ililigtas kita bukas ng Gabi Enzo. Maging matatag ka lang"

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon