The Servant and The Blood Seal

11 4 0
                                    

Lumabas sa silid ang binata saka bumaba para makalabas sa El Ador at para makapag simula ng bumili ng dapat nyang bilhin.

Kita na din ang pasikat na araw at ramdam nya ang katamtamang init nito kung kaya't kinakailangan na nyang magmadali sa kanyang dapat na gawain.

Napansin ng binata ang maraming mga tao sa daan at ang pag lilibot ng mga kawal. Nakikita nya ang magkapares na kawal na sabay nag lilibot o di kaya nama'y tumatambay sa iilang parte ng daan.

Maya maya lang may isang kawal na nakasakay sa kabayo ang tumindig sa gitna ng kalsada habang may dala dalang sulat sa kamay.

"Mga mamamayan ng Kaharian ng Ceralia!. Dadaan si Prinsipe Cyrus ng Inveria dito sa daraanang ito! Kung kaya't lahat ng mga paninda, mga maliliit na bata at mga aktibidadis ay dapat munang pansamantalang ititigil upang masiguro ang kaligtasan ng Prinsipe. Kinakailangan din na walang dadaan sa kabilang parte ng kalsada o tatambay sa gitna nito sapagkat kinakailangan na masiguro ang kapakanan ng Prinsipe. Inaasahan ng Iyong Mahal na Hari ang iyong buong pusong pagsunod sa kautusang ito! Ang sinumang lumabag ay mapaparusahan"

Pasigaw na sabi ng kawal na kakikitaan at mahahalata na may mataas itong ranggo dahil sa may dibdib na parte nito ay may nakalagay na isang gintong bituin na nangangahulugang sya ay isang Adjutan.

Dahil sa narinig ay dali daling niligpit ng mga mamamayan ang kanilang mga paninda saka Pumasok sa bahay upang maligo at Mag suot ng maayos na damit. Matagal ng utos ng emperor sa buong emperyo na kinakailangan ng mga mamamayan na lumabas at humilira sa gilid ng daraanan ng mga maharlika sa tuwing dadaan ito upang ipakita ang mainit na pag tanggap ng mga mamamayan. Ngunit kalakip nito na hindi sila pwedeng tumayo lamang kundi ang lumuhod na nakayuko at ang noo ay kinakailangan na nakadikit sa lupa at Kailan man ay hinding hindi nila pwedeng iangat ang kanilang mga ulo upang maiwasan ang maaaring pagkakaroon ng disgraysa gaya ng pag tangkang pag patay sa mga maharlika. Ang sinumang suwayin ito ay tiyak na kamatayan ang parusa.

Ng marinig ng binata ito ay agad nyang sinuot ang Dark Cloak at Naglakad na patungo sa tindahan ng kalesa. Hindi nya alam kung bukas ito o hindi. Pero may tyansa namang bukas iyon dahil hindi naman madadaanan ang lugar na yun ng Prinsipe kung sakaling galing ito sa Royal Hotel.

Pagkatapos ng halos pitong minuto ay sa wakas ay nakita nya ang tindahang iyon at laki ang pasasalamat nya sa langit ng makitang nakabukas iyon at agad nyang tinanggal ang hood ng kanyang Dark Cloak.

Lumapit sya dun saka pumasok. Binati naman sya ng isang binata na nagbabantay dito.

"Magandang Umaga ho ginoo. Ano pong uri ng kalesa ang nais nyo?"

Nilibot ng binata ang tingin nya sa mga kalesa na may iba't ibang disenyo. Magaganda ito at mamahalin ngunit tila wala ito sa panlasa ni Yael lalo pa't kinakailangan nyang magpakita ng karangyaan mamaya sa pagpunta nya sa duongan ng barko.

Tumingin sya sa binatang taga bantay at napansing mas bata pa ito sa Kanya ng ilang taon. Sinuri nya ito at nakita nya ang kulay asul na mga mata nito at kapansin pansin ang mga galos at sugat nito sa kamay at braso.

Ng napansin ng binata na tila sinusuri sya ng binata at mayayamaning kostumer ay agad nyang tinago sa likod ang mga kamay nito.

Napailing nalang si Yael. Kahit hindi na sabihin o tanungin nya alam na nitong isang alipin ang binatang nagbabantay sa tindahang ito.

"Nasaan ang iyong Amo?"

Tanong ni Yael na agad namang kinalaki ng mata ng tagabantay saka agarang lumuhod sa harapan ni Yael at yumuko.

"W-wag na po G-ginoo! Kayang-kaya ko naman k-kayong pag silbihan dito sa tindahan! Wag na po ang Amo ko! Pakiusap!"

Hindi na nagulat si Yael sa naging pagtugon at pagluhod ng tagabantay sa kanya. Alam ni Yael na sasaktan na naman ng Amo ang tagabantay na ito lalo pa't parang lumalabas na hindi nito kayang tugunan ang nais ng mga kostumer.

The Prince and The GeneralWhere stories live. Discover now