The Undefeated General

17 4 0
                                    

Sa loob ng barkong pang digma ng Ceralia Kingdom, ang barkong tinatawag na Siren's Claw. Naka tayo ang isang makisig, matipuno at gwapong binata. Kita ang mga muscles at biceps nito habang naka silip sa teleskopyo, nakakunot ang makapal nitong kilay, seryoso ang mukha nito at halata din ang pagiging strikto dito.

Kitang Kita ng binata ang Kapital na syudad ng Ceralia, ang Broston City. Ilang taon na din nung huling makita ng binata ang syudad, kung hindi sya nagkakamali ay mahigit pitompot taon na nung huli syang makapunta dito. Napapaisip sya kung patay na ba o buhay pa ang kanyang kaibigan dito.

Sya si General Kent Evans, may gulang na dalawang daan at tatlompu't siyam, ang makisig, matipuno at gwapong binatang General ng Mevesian Empire. Nag iisa sya, at ang pinaka bata na naging General sa kasaysayan ng Emperyo. Bagama't binatang General din ang kanyang kaibigan na si General Danilo, ay sa Kaharian ng Ceralia lamang ito naging General kung kaya't mas mataas parin ang ranggo nya sapagkat sa emperyo sya naninilbihan bilang general at ang kaharian ng Ceralia ay Isa lamang sa anim na kaharian na nasasakupan ng Mevesian Empire.

Hindi na kataka taka ang pagiging magaling ni General Evans sa pakikipag digma dahil si Emperor Levi mismo ang nag ensayo sa kanya.

Alam ng mga Hari't Reyna ng iba't ibang kaharian na si General Evans ay ang dating Prinsipe ng Kaharian ng Ziortzia dalawang daang taon na ang nakalilipas noong hindi pa nasasakop ng mga Barbaro ang lupain ng Ziortzia. Namatay ang kanyang mga magulang sa naganap na pananakop ng mga Barbaro sa loob mismo ng kanilang kaharian kaya sya at ang bunsong kapatid na babae na si Lady Amor Evans nalang ang natira.

Kaya't Malaki ang utang na loob ni General Evans kay Emperor Levi dahil sa pagkopkop nito sa kanya at sa kanyang kapatid.

Kung kaya't ganun nalang din ang galit ni General Evans sa mga Barbaro At Isa lang ang hangarin nya,  ang mapatay lahat ng mga Barbaro, ang Leader nito at ang nag taksil sa kanila. Ito ang dahilan nya kaya sya nabubuhay, kung kaya't naging General sya ng emperyo, at nag ensayo ng mabuti at nagpalakas upang maipaghiganti ang kanyang mga magulang at ang kanyang mga nasasakupan.

Isinusumpa nya na kukunin nya ang lupain ng Ziortzia na dapat ay sa kanya.

Ngunit may sekreto at iba pang layunin si General Evans na sya at ang Emperor lamang ang nakaka alam.

Tinawag ni General Evans ang Legion Commander at sinabihan itong ihanda na ang dapat ihanda at siguraduhing naka Ayus na ang lahat ng mga silid dahil ang ibang kawal na nasa Broston ay dito sasakay sa Siren's Claw At ang mga imbitado sa Salo salo ay sa Siren Pearl sasakay.

Pumasok na si General Evans sa kanyang silid at nag suot ng Uniporme. Sakto naman ang pag duong ng barko sa pantalan ng Broston kung kaya't lumabas na sya dahil kinakailangan nyang salubungin ang Prinsipe ng Inveria na syang sadya nya dito sa utos ng Emperor.

Kitang Kita ni General Evans ang mga nagkalat na kawal at ang iba ay naka hilera sa gilid ng daan na alam nyang inayos na ng kanyang kaibigan na si General Danilo.

Mukhang hindi naman makapaghintay si General Danilo sapagkat ng mabalitaan nya ang pag dating ng Siren's Claw ay Agaran nyang tinungo ang kaibigang General.

Agad na natanaw ni General Danilo ang kaibigan sapagkat nakaka agaw pansin ang kakisigan at kagwapohan nito. Bagay na bagay ito sa suot na Uniporme at napansin ni General Danilo na tila ba'y hindi manlang tumanda ang kaibigan.

"Bigyan moko ng Pana at Palaso "

Sabi ni General Danilo sa kanyang kawal na nasa likod nya na agad namang ibinigay sa kanya.

Ngumisi muna ang binata bago itinutok ang pana sa kaibigang General na nakatayo lamang at nililibot ang tingin sa paligid.

Lahat ng kawal na nasa likod nya ay napasinghap sa ginawang kapahangasan ng kanilang General sa General ng Emperyo. Alam nila na magkaibigan ang dalawa ngunit hindi nila maintindihan kung bakit kung magkita ang dalawa ay parang gustong magpatayan.

The Prince and The GeneralWhere stories live. Discover now