Original???

17 4 0
                                    

Ng matanaw ng binata ang Royal Hotel ay nagtago muna sya sa gilid ng halaman at tiningnan ang dalawang guwardya na nakabantay sa may tarangkahan nito. Hindi sya pwedeng makita ng mga ito lalo pa't hindi sya isang maharlika.

Umayos sya ng tindig at tinago ang Aura nya. Kahit naman na hindi na sya nakikita ng mga ito ay maari parin nitong maramdaman ang presensya nya lalo pa't hindi nya alam kung may kakayahan ang mga to o pangkaraniwang tao lamang.

Ng masigurong pwede ng lumabas ay saka sya nag umpisang lumapit sa tarangkahan. Hindi na nya pinansin ang dalawang guwardya na nasa gilid nya at pinaka titigan ng mabuti ang tarangkahan kung meron itong Barrier o wala. May nga barrier kasi na kayang mapawalang bisa ang Dark Cloak na suot nya at malaking problema iyon pag nagkataon.

Ng masiguro ng binatang wala itong barrier ay Napangisi sya saka na pumasok sa loob ng walang kahirap hirap.

Pag pasok nya sa loob ay Nakita nya ang karangyaan nito. Nasa taas ang gintong chandelier at nasa baba naman ang pulang mamahaling carpet. Nanghinayang pa sya dahil mamahalin iyon pero inaapak apakan lang yun dito.

May nakita syang hagdan sa gilid at dalawang guwardya sa magkabilaan nito kaya yun ang tinungo nya at dinaanan lang nya dalawang guwardya pero mga limang hakbang palang sya ng marinig ang sinabi ng guwardya na nagpatigil sa kanya.

"Bakit mabango?"

Nagtatakang tanong ng isang gwardya kaya napatampal nalang ng noo ang binata. Ni hindi man lang nito naisip na maari syang mahuli dahil dito. Mukhang nakasanayan na nga talaga ng binata ang mag pabango sa tuwing nag susuot ito ng mamahaling damit.

"Sa taas yun. Baka nagsasayang ng pabango ang Prinsipe"

Nagulat naman ang isang guwardya sa sinabi nito sa kanya. Miski si Yael ay nagulat din.

"Bibig mo! Ipapahamak mo ako! Alam mo bang pwede kang ipapatay dahil dyan sa sinabi mo?!"

Pabulong na medyo may diin na sabi ng isang guwardya kung kaya't Nakita ang takot sa mukha ng guwardyang nagsabi nun saka humingi ng Pasensya dito.

Napapailing nalang si Yael dahil sa kapangahasang sinabi ng guwardya. Kung may nakarinig lang dito at sinumbong sya ay natitiyak talaga ang kamatayan nito.

Simpleng salita lang ngunit katumbas nito ang buhay mo. Kung kaya't pinipili ng mga tagapag silbi ang manahimik nalang kesa Maging dilikado ang buhay nila.

Nag simula ng humakbang ulit ang binata at sa taas nun ay bumungad sa kanya ang malaking larawan. Sobrang laki nun na lagpas sa taas ng binata at makikita dun ang Isang lalaking may suot na korona. Kita ang kagwapohan at kakisigan nito dahil sa makapal nitong kilay, seryosong mga mata, matangos na ilong at malinaw sa litratong to ang perpektong guhit ng panga nito pero hindi na katakas sa paningin ni yael ang expression nito. Kitang Kita ang pagiging strikto at pagiging matapang nito pero hindi ang mga mata nito na tila ba'y napakalungkot at para bang nangungulila ito sa taong hindi na Kailan man makikita pa.

Sa ibaba ng malaking larawan na ito ay naka sulat dito ang ginto at malalaking litra na...

"Emperor Levi Hill"

Nagulat ang binata sa nabasa at tinitigan muli ang nasa larawan. Sa tanang buhay nya di pa nya nakikita ang emperor. Kaya ito ang unang beses na makita nya ito kahit sa pamamagitan lang ng larawan.

Nakarinig ang binata na may tila nabasag sa unahan kaya pinuntahan nya agad iyon at nakompirmang nasa isang silid nanggaling yun. Kung kaya't Sinilip nya iyon sa pamamagitan ng maliit na awang ng pinto at Nakita nya dun si General Danilo habang napapakamot sa batok na nakatingin sa nabasag na bote. Kung Hindi nagkakamali ang binata ay bote iyon ng alak na "langit" na Minsan na din nyang natikman pero sobrang matapang iyon kaya nalasing agad sya sa isang bote palang.

The Prince and The GeneralWo Geschichten leben. Entdecke jetzt