" Wala po ito tay, si inay?" Pag iiba Niya, Pumasok siya sa kanilang bahay habang nakasunod ang kanyang ama. Nilagay ng kanyang ama ang mga panggatong sa kanilang maliit na kusina. Pilit niyang iniiwas ang kangyang tingin sa kanyang ama. "Anduon sa kanyang higaan at natutulog, halika nga muna rito anak." Sagot nito. Umupo ito sa isang mahabang upuan. Nais na Sana niyang pumasok sa kanyang silid para Sana maitago niya sa kanyang ama ang mga iniinda niyang sugat. Kaya Lang mukhang napansin na nito iyun kaya wala na syang magagawa Kundi Umupo sa tabi nito.

"Maayus lang po ako itay,," nakatungo niyang Saad. Napabuntong hininga nalang ang kanyang ama. "Sila na naman ba? Tignan mo nga itsura mo, namamaga pa yang kamay mo." Hinawakan nito ang kanyang kamay na namamaga dahil sa pagkakapalo ng kahoy ni bebe kanina. "Halos araw araw ka nalang nila inaapi, hindi na ito makatarungan!" Tumayo ito at akmang aalis at susugurin ang mga batang umapi sa kanya. Agad niyang niyakap ang kanyang ama. "Huwag  na po itay!, maayos lang po ako. Wala narin naman po tayong magagawa dahil hindi naman po tayo pinapakinggan ni pinunong ka-tenyong". Pagpigil Niya sa nais nitong gawin.

Napaupo nalang ang kanyang ama, napagtanto nitong magsasayang lang siya ng panahon at laway kung susugurin niya pa ang mga batang nang-api sa kanyang anak. Wala siyang laban dahil mahina din sya kumpara sa mga magulang na nang api Kay Kaizen. Sa edad niyang apatnapung lima. Hangang first silver rank lang ang naabot Niya. Habang ang mga kaedaran Niya ay nasa third silver rank na. Kaya hindi din talaga sya bibigyan importansya ng kanilang pinuno na si ka-tenyong. Mas prayoridad nito ang mga kaangkan nilang malalakas kumpara sa kanilang mahihina. Ito ang masaklap na katotohan sa mundong kanilang ginagalawan. Kapag mahina ka, wala Kang karapatan, aalipinin ka lang ng mga malalakas. Kailangan mong sumunod kung nais mo pang humaba ang iyong buhay. Naaawang pinagmasdan Niya ang kanyang kaawa-awang anak, napakapayat nito, maraming galos sa katawan, naisin man niyang itong lapatan ng lunas Pero dahil sa walang wala sila, ni panbiling gamot ay imposible.

"Ayus lang po talaga ako itay, wag niyo nalang po ito ipaalam Kay inay para hindi narin siya mag-alala. Makakasama lang po iyun sa kanyang kalagayan". Pilit Siyang ngumiti at ipinakita sa kanyang ama na maayos lang sya. Ayaw niyang nakikita ang kanyang mga magulang na nag aalala. Nakikita nya sa mga mata nito ang labis na Pag aalala, nasasaktan ito sa kalagayan Nila. Napakahirap ng estado nang kanilang pamumuhay, halos wala Silang makain sa isang araw. Nagkasakit kasi ang kangyang ina, nahawa ito sa kakaibang sakit kung saan unti-unti nitong sinisira ang kanyang star system.

Ang star system ay makikita sa loob ng katawan ng tao, ito ay nasa sentro ng katawan. Mayroon itong mga linyang parang ugat na kung saan  kumukunekta ito sa bawat bahagi ng katawan ng tao. Ito rin ang responsabli sa paglakas o paghina ng tao. Kung maraming kayamanan ang masisipsip ng star system doon lalakas ang tao, nagsisimula ang rango sa  bronze rank na mayroon limang stage. Sunod ang silver, na mayroong anim na stage. Gold na mayroong pitong stage, at ang huli ay sky rank na mayroon walong stage. Ang kanyang ina ay nasa 1st silver rank noon Pero dahil sa kanyang sakit bumaba ang kangyang ranggo sa 5th bronze stage at patuloy pa itong bababa kapag di pa nila malapatan ng Lunas. Ang mas kinakatakutan pa nila ng kanyang ama ay baka mamatay ito.  Nais niyang lumakas ng sa ganun magawa niyang makahanap ng mga kayaman na makakatulong sa kanyang ina.

"Kumain ka na ba anak?" Tanung nalang ng kanyang ama.

"Opo itay" sagot Niya kahit ang totoo ay hindi pa.

"Sigurado ka?"

"Opo, pinakain po ako ni aling Nena bago Niya ako pinauwi." Pagsisinungaling niya pa. Nang makitang parang naniniwala na ang kanyang ama ay nagpaalam na sya rito. Tinignan nalang siya ng kanyang ama, Alam ng kanyang ama na nagsisinungaling siya. Hindi nalang din ito nagpumilit na ipakain sa kanya ang natira nilang pagkain dahil Alam nitong tatangihan lang Niya ito at ipipilit niya na sa kanyang ina nalang ipakain.

The Prophecy From Lower Realm Kde žijí příběhy. Začni objevovat