Chapter 28

381 7 0
                                    

JULIETTE REVERIE


Magpi-pitong buwan na akong buntis at sa bawat araw na dumadaan ay bumibigat na akong umbok kong tiyan.

During this phase of my pregnancy, mas napapadalas na ang pagliban ni Pietro ng trabaho para alagaan ako. Ngayon kasi ay sobra na akong binabalot ng katamaran, ang bilis ko na ring mapagod kaya panay tulog at kain nalang ako.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at narinig ko ang mahinang yabag ng sapatos papalapit sakin.

"Juliette, my friend!" sigaw ni Rachel at tumakbo papalapit sakin.

"Rach..." mahina kong usal ng pangalan niya.

"Aba! Career na career mo na ang bed rest diyan, ha?" aniya.

"Kung ikaw kaya magbuntis, paniguradong sobra pa sa bed rest ginawa mo!" natatawa kong tugon at nagpatulong kay Rachel na bumangon sa kama.

Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"Kamusta ka na pala? Ilang linggo rin tayong hindi nagkita. Hays! Napaka-busy ko kasi eh." tanong ni Rachel habang naglalakad kami palabas ng kwarto.

"Eto..." saad ko habang nakahawak sa tiyan ko. "Ayos lang. Maayos naman kami ni baby... Yon nga lang ay wala na ako masyadong nagagawa kasi ang hirap nang kumilos lalo't ang laki na rin ng tiyan ko."

Sa totoo lang, sobrang hirap pala talagang magbuntis. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ang pagdadaanan ko. Minsan nga'y napapaisip ako kung paano nagagawa ng ibang mga ina na magkaroon pa ng sandamakmak na anak kung ganito ang palagi nilang nararanasan eh.

"Mabuti naman at maayos kayong dalawa ni baby..." sagot niya sa akin.

Inaalalayan ako ni Rachel sa bawat pag hakbang ko pababa nitong malaking hagdanan ng bahay. Ingat na ingat din si Rachel na nakahawak sa akin na para bang nakasalalay sa kanya ang buhay ko.

"Itong bata sa sinapupunan ko ang pinaka importante sa amin ngayon ni Pietro, Rach. Kung pwede lang na pabilisin ang ikot ng araw ay ginawa na namin para mailabas ko na si baby..."

"Juliette!" asik niya. "Huwag niyong madaliin 'yang pagbubuntis mo, no!" ani ni Rachel.

"Enjoyin mo yang pagbubuntis mo dahil kapag nanganak ka na, sigurado akong papangarapin mo nalang na bumalik sa ganitong sitwasyon." aniya. "Sana nga ay mabuntis na rin ako... Malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad ko pero wala man lang naglalakas loob para ligawan ako eh!"

"Huh? Akala ko ba'y nagkakamabutihan na kayo ni Pierro?" takang tanong ko.

"Akala ko rin..." sagot ni Rachel na may bahid ns lungkot. "Mukha namang joke time yon si Pierro, baka nga ay nandoon yon sa ibang babae at nakikipaglampungan!"

Natawa ako sa ekspresyon sa mukha ng kaibigan ko.

"Gusto mo na siya 'no?" I teased.

Rachel rolled her eyes on me.

Well, I guess that's her way of saying yes.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Pierro na naglalakad papalapit sa direksyon namin. Kahit sa malayo ay kita ko na agad ang mga ngiti niya.

And I suddenly came up with an idea.

I waited for a few seconds when Pierro was close enough to us so I could start doing my plan. From a distance, I signaled Pierro intense through eye contact and he walked nearer to us as he maintained not being noticed by Rachel.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now