Chapter 6 [TB-3]

307 6 0
                                    

JULIETTE REVERIE


Wala akong kabuhay-buhay na kumain ng breakfast, kahit si Rachel ay hindi magawang kausapin ako dahil pansin niya ang pagiiba ng kilos ko ngayon. Kahit yata ang tignan siya ay hindi ko magawa. Nababalot ng lungkot at takot ang puso ko dahil sa nangyari kagabi, wala akong maisip na dahilan para maging masaya.

"For our last day, we will have an island hopping. This wasn't part of our plan, however, Mr. Phoenix-Creed shouldered the expenses for the island hopping. Right after we're all done eating breakfast, we should all proceed to the seashore." anunsiyo ni Madam Suzette.

"Julie," mahinang sambit ni Rachel. "Sama tayo sa kanila, ha?"

Nilingon ko siya at nginitian. "Hindi ako makakasama, Rach. Masama kasi pakiramdam ko eh." malumanay kong sabi at itinuon ang paningin sa natitirang pagkain sa plate ko.

"May sakit ka?!" napalakas ang boses niya at mag iilang tao ang binalingan kami ng tingin.

Mahina akong natawa. "Oo." pagsisinungaling ko.

"Ay nako! Sayang naman kung hindi ka sasama, last pa naman na to. Uminom ka nalang muna ng gamot, mawawala rin yan agad."

"Gusto ko kasing matulog muna eh. Kulang ako sa tulog kagabi, alam mo namang pumunta ako roon sa Bar. Medyo late na rin nang makabalik ako." sagot ko.

"Oo nga pala," tumatango niyang pag-sang ayon. "Nalasing ka siguro kaya masama pakiramdam mo ngayon."

"Parang ganon na nga," sagot ko nalang at binilisan na ang pag kain.

Natanawan ko sa hindi kalayuan si Mr. Phoenix-Creed na busy sa pagc-cellphone, kaharap niya ang secretary niya at may kung anong pinaguusapan.

Maya maya pa ay nagsipaglakad na ang mga kasama namin papunta sa shore at naghintay ng signal ni Madam Suzette para sumakay na sa mga naka hilerang malalaking bangka.

Pinapunta ko na si Rachel doon para makasabay siya sa iba. Naiwan akong nakatayo sa may labas nitong function hall at pinanood silang lahat.

Lumingon lingon pa ako, nahagip ng mga mata ko ang lalaking nangbastos sakin kagabi na papunta sa direksyon ko. May sugat siya sa mukha gawa nang pagka bugbog sa kanya ni Mr. Phoenix-Creed.

Palakas ng palakas ang kabog ng puso ko kaya walang ano-ano'y patakbo akong lumayo sa lugar. Parang nanlalabo ang mga mata ko dahil sa kaba, ilang segundo ko itong ipinikit at huminga ng malalim habang nagmamadaling maglakad.

Nasasaktan akong nagbuka ng mga mata at nakita ko ang pigura ni Mr. Phoenix-Creed na nakatingin lang sakin. Kamalas-malas ng buhay ko't siya nalang palagi ang nabubunggo ko!

Agad akong nagtago sa likuran ni Mr. Phoenix-Creed at hinawakan ang manggas ng damit niya, dinungaw ng tingin ang lalaking sumusunod sa akin.

"Ikaw ba ang bumugbog sakin?!" galit na sigaw no'ng lalaki kaya napahigpit ang hawak ko sa damit ni Mr. Phoenix-Creed. Pinakiramdaman ko ang kilos ng boss ko ngunit parang wala lang sa kanya ang inaakto ng lalaki ngayon.

He stoically stood in front of me.

"What would you do if I did?" aroganteng tugon ni Mr. Phoenix-Creed.

"Gago ka ah!" akmang susugod na ang lalaki ngunit kaagad akong pumunta sa harapan ng boss ko para protektahan siya.

Ewan ko ba kung bakit ako pa talaga ang poprotekta sa boss ko e di hamak na mas malakas pa siya sakin. Sus! Bahala na!

"Oh, nandito na pala ang chic ko eh." nakangising sambit ng lalaki, nangilabot ako sa sama ng mukha niya at nang tono ng pananalita niya. Tunog manyak talaga! "Boypren mo ba yan?"

"Umalis ka na rito bago pa kita ipapulis!" nagmamatapang kong banta pero agad akong napaatras nang humakbang siya ng ilang dipa.

Naramdaman ko sa likod ko ang katawan ni Mr. Phoenix-Creed kaya parang nakukuryente akong lumayo sa kanya.

"You heard the girl, dumbass." ani ng boss ko.

"Tsk. Bakit ako matatakot sa papulis pulis niyang babae mo? Kilala niyo ba kung sino ang binabangga niyo?!" nanggigigil na ang mukha niya, naiyukom na niya ang mga kamao at animo'y handa nang manuntok ng tao.

"I'm giving you a choice," saad pa ni Mr. Phoenix-Creed. "It's either you walk away here safe and sound, or..." walang bakas ng takot ang boses niya. "Or I'll beat you up until you're completely paralyzed and fucking invalid."

"Huh!" naghahamong tugon ng lalaki. "Magiingat ka sa mga banta mo, pare! Baka kapag ikaw ang binantaan ko, hindi mo magustuhan?"

"Umalis ka na sabi!" sabat ko.

"Manahimik ka, puta!"

"Is there something wrong here, Mr. Phoenix-Creed?" dumating ang mga tauhan niya at nakakalokong tinignan ang kabuuhan ng lalaking manyak.

"Wala pa tayong ginagawa, nagtawag ka na ng back-up? Hindi mo yata ako kaya eh."

"Stop acting strong, dunderhead. You look coward in my eyes." sagot naman ng boss ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko at dahan dahang hinila papalayo. Nilingon ko kaagad si Mr. Phoenix-Creed pero parang may sinisignal siya kay Garrett na para bang sila na ang bahala doon sa nanggugulo samin.

Tuluyan na kaming nakalayo sa lugar at pumunta sa beach house ko.

"Lock the doors, don't go out until they're back here." aniya.

"Sige po. Thank you."

Nakapamulsa siyang naglakad papalayo at kagaya ng sabi niya ay nilock ko ang pinto at hinintay sila Rachel na makabalik.

Ginugol ko ang natitirang oras para magcellphone, nang mabugnot na ako kakascroll sa mga social media account ko ay nagligpit nalang ako ng mga gamit ko para handa na ako mamaya paguwian na.

Sinubukan kong hanapin ang social media account ni Mr. Phoenix-Creed pero puro lang mga poser ang nakita ko, kahit yata ay personal na impormasyon tungkol sa kanya ay mahirap tuntunin. Walang bakas ng kung ano ano sa profile niya sa Google.

Puro lang age, height, at businesses ang nakalagay doon.

198.12 cm

Hazel eyes

September 20, 1994
29 years old (present)
Virgo

Businesses:
POINTE Shopping
POINTE Hotel and Casino
RAFAELLO VENTURA POINTE C.d.A

Parents:
Serena Constanza Esposito-Rossi
Rafaello Ventura Phoenix-Creed

Sibling:
Pierro Vitale Phoenix-Creed

Ang gaganda ng mga pangalan nila, parang mga aristocrat. Para silang mga tao na hindi nakaranas ng hirap ni minsan sa buhay nila.

Nakabalik na silang lahat sa pag-island hopping at nagempake, ako naman ay nakahanda na ang maleta ko at hinihintay ko nalang si Rachel na makatapos ng pageempake para sabay kaming pumunta sa Company Bus.

"Tapos na ako, Julie. Tara na?" aniya.

"Tara na, gusto ko nang pumwesto roon eh." sagot ko.

Habang naglalakad kami patungo sa bus ay puro lang kwentuhan ang ginawa ni Rachel. Naikwento niya sakin ang mga ginawa nila habang nag-island hopping, mukha ngang masaya ang ginawa nila dahil bakas din sa mga mukha ng iba ang tuwa.

Almost 1 hour ang itinagal bago kami bumyahe at sa tansya ko ay mahigit 5 hours kaming magbbyahe pauwi sa siyudad.

Pinili kong maidlip at sumandal sa balikat ni Rachel, at gayundin siya.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Där berättelser lever. Upptäck nu