Chapter 14 [C-21 Premier]

275 8 1
                                    

JULIETTE REVERIE


I started the day with a hot coffee. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil medyo napuyat ako kakaisip sa biglaang changes ng event.

It's the 3rd day of the 1 week celebration and since the board of directors decided to finish the races early, thankfully, ay natapos talaga ngayong araw ang 3 batches ng racers, iniba nila ang schedule for tomorrow's supposed event, magkakaroon daw ng Nightingale's Gala na gaganapin bukas ng gabi at kailangang mabigay na ang awards ngayong araw para marecognize na bukas ang awardees for the Canon 21 Premier titleholders for the year 2023.

Mabuti nalang at a week before the C-21 Premier ay nakapagproduce na kami ng plaque awards and cash prizes for the winners kaya ngayon ay walang aberya ang awarding ceremony ng mga medalist.

Si Godfrey Aamon ang gold medalist, siya rin ang nakatanggap ng gold na plaque na may red and black hue.

Lahat ng plaque of awards ay customized na naaayon sa theme ng Canon 21 Premier. Red and Black din ang theme ng event this year kaya ang natanggap ni Godfrey Aamon ay 'yong gold plaque with a touch of red and black sa hawakan. The rest of the plaques were made of glasses but those glasses were high-end plaques, still.

The major sponsors and Mr. Phoenix-Creed were seated in front and from where I was standing, Mr. Phoenix-Creed and I were just meters away from each other.

Tumayo si Mr. Phoenix-Creed at pumunta sa direksyon ko. I doubt that he noticed my presence here since his eyes were fixated in the stage and the awardees. In fact, he wasn't looking at my direction when he walked here.

I chose to disregard my bossʼ presence beside me and just focused on handing the awards to Ma'am Suzette as she's the one award the plaques in the stage with the awardees.

Medyo siksikan din sa parteng iyon sa gilid ng stage dahil doon nakatayo lahat ng mga empleyado sa department namin. Nagkakatulakan pa nga dahil kada minuto ay may dumadating at sumisingit.

Halos mawalan naman ako ng balanse nang may isang empleyado na tinulak ang katabi kong babae sa direksyon ko, dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa braso ng boss namin. Muntik ko nang mabitawan ang glass na plaque, mabuti nalang ay nailapag ko iyon pabalik sa lamesa bago ako nawalan ng balanse.

"Sorry, Julie. Ito kasing si Marian, panay tulak! Kita nang siksikan tayo rito eh." sabi ni Khriza at tinapik ang balikat ni Marian.

Nagbangayan pa ang dalawa imbes na tulungan ako, ni hindi man lang ako tinatanong kung okay lang ba ako?!

"Don't touch me, Juliette. That's not part of your job description." angil ni Mr. Phoenix-Creed at para naman akong napaso dahil sa bilis ng pagkalas ko sa pagkakahawak sa kanya.

He's certainly an embodiment of professionalism that even a slightest touch could violate his code of ethics.

Hindi man lang ba niya aabalahin ang sariling magtanong bago mangsermon? Kita nang naitulak ako, ganyan pa rin sasabihin!

Hay! Nakakabadtrip talaga 'tong araw na to!

Nang matapos na ang awarding ceremony ay nauna na akong lumabas sa hall at pumunta sa quarters namin para kuhanin ang hand bag ko. Wala talagang magandang idinulot itong araw na to sakin at puro inis nalang ang nararamdaman ko imbes na maging masaya!

Nasaan naman kaya si Rachel? Yayayain ko nalang siyang kumain sa labas!

Ni-dial ko ang number niya at mabuti nalang ay sinagot niya iyon kaagad.

Hello, Julie? May kailangan ka?

"Busy ka pa ba ngayon? Kain tayo sa labas."

Tangeks! Nandito pa ako sa Hall kasi closing remarks na ni Mr. Phoenix-Creed!

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now