Chapter 15 [C-21 Premier]

295 9 1
                                    

JULIETTE REVERIE


"Are you ready?" pinal na tanong ni Mr. Phoenix-Creed habang nakatayo sa labas ng kwarto ko. Pinapanood niya akong maglagay ng panghuling parte ng makeup — ang paglalagay ng lipstick.

Marunong akong mag makeup kaya hindi na ako gumastos para magpamakeup. May nabili rin akong hair straightener dito at buti nalang ay tinuruan ako ni Rachel kung paano ito gamitin para mag curl ng buhok kaya ang ginawa ko kanina ay ni-curl ko nalang ang buhok ko, pagkatapos ay sinuklay iyon para mas malaki ang waves ng buhok ko.

My makeup was in between light and heavy. I had to put a gloss to my pink matte lipstick para maging match pa rin iyon sa suot ko. Everything I put on my face was in different shades of pink and I loved the outcome! I looked like a literal goddess!

Tumayo ako at binitbit ang maliit kong pink purse, nakalagay doon ang cellphone ko at panyo. Hindi na ako nagdala ng pera dahil sabi naman ni Mr. Phoenix-Creed ay ihahatid niya ako pauwi.

"Tara." sabi ko.

Sandaling napatitig sa akin si Mr. Phoenix-Creed, he was looking as if he can't believe what he was seeing. Well, sa ganda ko ba naman ngayong gabi, baka lahat ng tao sa venue ay mapatulala rin sa akin?

"You look..." napahinto siya at ibinalik sa mukha ko ang paningin. "Perfetta."

Translation: Perfetta means perfect.

Ngumiti lang ako at nilampasan siya. Nauna na akong lumabas sa apartment at hinintay siyang makalabas para mailock ko na ang pinto.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at sumakay naman agad ako. Pinaandar na niya ang kotse at magmaneho. Habang nasa byahe kami ay nagscroll ako sa instagram ko at naghanap ng inspo photos para sa poses ko. Nakita ko naman itong aesthetic na medyo blurry picture ng babae na nakapose sa loob ng car.

I looked at Mr. Phoenix-Creed. Nagdalawang isip ako dahil alam kong hindi ko naman siya mauutusan, pero hindi naman bawal ang mag-baka sakali eh.

"What?" saad niya kahit diretso ang tingin sa daan.

"Sa tingin mo pwede ko itong gayahin?" pinakita ko sa kanya ang picture ng babae at nagbuntong hininga siya, alam niya na yata kung anong gusto kong mangyari.

"Your phone or mine?" huminto siya sa gilid ng kalsada.

Tinignan ko naman ang cellphone ko at iphone rin naman ito kaso ay year 2019 ko pa nabili. Medyo luma na rin.

"Pwede bang sayo nalang? Tapos ay i-airdrop ko nalang mamaya." sabi ko.

Hindi siya sumagot at kinuha na ang cellphone. Nagstart na akong magpose at panay picture lang din siya sakin. Tinignan ko pa ang result at maganda naman kaya ipinagpatuloy ko pa ang pagpo-pose hanggang sa napagod ako.

"Tama na yan, tara na. Baka ma-late pa tayo."

Nagmaneho na siya ulit at hawak hawak ko ang phone niya dahil iniisa isa kong tinignan ang bawat picture. May mga dinidelete pa ako dahil pareho lang din naman ang angle at medyo may weird face ko pa kaya deserve talagang idelete!

Maya maya pa ay huminto na si Mr. Phoenix-Creed sa pagmamaneho. Nilibot ko ang paningin sa paligid at iyon na pala ang hotel na gaganapan ng Nightingale's Gala.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now