Chapter 20

294 13 5
                                    

JULIETTE REVERIE


Nang maimulat ko ang mga mata ay tumambad sa akin ang presensya ni Rachel, nang mapansin niyang gising na ako ay agad siyang lumapit sa akin.

"Kamusta ang pakiramdam mo, Julie?" nagaalalang tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko siya masagot. I was overwhelmed with emotions right now. All I could think about was what happened before I got here in the hospital.

"Pisteng magkakaibigan talaga yon!" bwelta agad ni Rachel. "Buti nalang ay tinanggal agad sa trabaho ang mga pangit na yon! Tsaka alam mo, sinampahan din sila ng kaso ng Management."

"H-huh?" I was startled.

"Nevermind." ani ni Rachel. "Kakagaling lang dito ni Ma'am Suzette, tinanong kung ano nang lagay mo. Sabi ko naman ay hindi ka pa nagigising pero okay naman ang vital signs mo."

Bahagya akong ngumiti. "Ilang oras akong nakatulog, Rach?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Isang araw kang tulog teh! Alalang alala na ako kung napano ka't bakit hindi ka pa gumising! Yon pala..." bigla siyang nahinto.

"A-ano?" inosente kong tugon.

"Mas naiistress ako sa balitang to, Juliette! Magtapat ka sa akin, okay? Tayong dalawa lang nandito kaya gusto kong sagutin mo ako ng totoo. Huwag na huwag kang magsisinungaling..." aniya.

"Sa alin?" bahagyang sumakit ang ulo ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

"3 months ka nang buntis! All this time, I thought single and virgin ka! Hindi pala ha. So, sino ang ama nitong pinagbubuntis mo?!"

Namaang ako.

Hindi pwede.

Buntis...?

Naglakbay ang mga luha sa pisngi ko matapos marinig ang sinabi ni Rachel. Hindi ko lubos akalain na mabubuntis ako ni Pietro...

"R-rach..." napabalikwas ako ng bangon at niyakap ang nagiisang kaibigan na meron ako.

Humagulgol lang ako ng iyak.

"Juliette, makakasama sa baby mo kapag umiyak ka ng sobra..." mahinahong sabi ni Rachel parang inaalo ako. "Shh... Tahan na..."

"S-sorry... Hindi ko sinasadyang mangyari 'to lahat..." hindi ako halos makahinga kakaiyak kaya binitiwan ako ni Rachel at kumuha siya ng isang baso ng tubig upang ipainom sakin.

"Julie! Please lang, tahan na, okay? Inumin mo to..." inabot niya sakin ang tubig at kahit umiiyak ay ininom ko iyon. "Huminga ka ng malalim..." nag inhale at exhale rin siya at wala sa sariling sinunod ko iyon.

Nang kumalma ako ay diyan pa lang niya ako kinausap tungkol sa pagbubuntis ko.

"Sino ba kasing nakabuntis sayo?" iyan ang una niya talagang tanong. "May pera ba yang lalaking yan para buhayin ka at yang magiging anak ninyo?"

"Rach..." naibigkas ko nalang, muling tumagas ang luha ko dahil sa matinding lungkot. Nakakapanlumo masyado ang mga nangyayari sakin. "Si..."

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now