Chapter 7

291 9 0
                                    

JULIETTE REVERIE



Walang bago ngayong araw dahil puro trabaho lang kami mula nang matapos ang team building. Kagaya ng dati, hindi kami masyadong nakakapagusap ng mga workmates ko dahil sa takot na baka mahuli kami ni Mr. Phoenix-Creed.

Nakaramdam ako ng pagka ihi kay tinungo ko kaagad ang Toilet Room dito sa floor namin, nang papalapit ako ay doon ko lang nabasa ang signage na 'Toilet Room under renovation, Head to Floor 4'.

Pabagsak ang bawat hakbang ko dahil sa katamarang dumayo ng ibang floor para lang umihi. Pero no choice, alangan namang pigilan ko sarili ko edi magkakasakit pa ako nito?!

Sumakay ako ng elevator papuntang 4th Floor at tinungo ang Toilet Room. May bumungad sa akin na babaeng nasa late 50s na, maganda ang postura niya, fit ang katawan niya at may curves pa. Bagay na bagay.

"Hello, there." biglaang bati niya sa akin kaya gulat ko siyang tinignan. She was smiling and was busy putting makeup on her face.

"Hi po, Ma'am." bati ko pabalik at niyukuan siya. Pinasok ko na ang bakanteng cubicle at umihi na. Ilang minuto pa akong naupo kahit tapos nang umihi dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw.

Lumabas na ako at naghugas ng kamay. Tinignan ko rin ang sarili ko sa mirror at bahagyang inayos ang buhok ko.

"What's your name, bella?"

"I'm Juliette po, kayo po?"

"My name is quite long, but you can call me Séza." aniya.

"Nice to meet you po, Miss Séza." sagot ko.

"Me too. Are you an employee here?"

"Yes, Ma'am."

"Do you know where is Pietro Phoenix-Creed's office? I'm just heading there, I just stopped to do some retouch." seryoso naman ang pagkakatanong niya kaya walang dahilan para isipin kong jinojoke time niya lang ba ako.

"As far as I know, nasa last floor po ang office niya. May private elevator naman po siya kaya mapupuntahan niyo kaagad siya if may appointment kayo." sagot ko at tinuyo na ang kamay ko gamit ang hand dryer.

"Alright. Would you mind accompanying me?"

Binitbit niya na ang bag niya at nakatingin ng diretso sa akin.

"S-sure po..." nagaalinlangan kong sagot at sinabayan ang paglalakad niya palabas. Hindi kami magkalevel habang naglalakad kaya meron akong kalayaang tignan ang kabuuan niya.

The way she walked, it was confident. She is very classy. Baka girlfriend to ni Sir? Hindi naman malabo dahil sexy naman siya at mukhang yayamanin.

Iginiya ko na siya patungo sa private elevator ni Mr. Phoenix-Creed at dalawa lang kaming sumakay. Bago pa man makapasok sa elevator ay may narinig kaming babae na sumigaw kaya nilingon namin ito.

"Miss Esposito, I've been looking for you!"

Si Chloe Gordon pala iyon, ang secretary ni Mr. Phoenix-Creed. Patakbo siyang lumapit sa amin at kaagad ding huminto para makipag-beso kay Miss Séza.

"We're just heading to my baby's office. Shall we go now?" aniya.

Baby daw. Magjowa nga yata sila!

My goodness!

Ganito pala ang tipo ni Mr. Phoenix-Creed, iyong mas matanda pa sa kanya.

Tsk! Erase, erase! Hindi naman parte ng trabaho ko ang makialam sa relasyon ng boss ko.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now