Chapter 13 [C-21 Premier]

296 9 0
                                    

JULIETTE REVERIE


1 week ang itatagal ng Canon 21 dahil sa iba't ibang araw ay ibang grupo rin ng mga racers ang magtatagisan ng galing sa larangan ng car racing.

Our station was assigned to monitor and organize the events per day, and that's what I'm exactly doing today. It's the first day of the event and it should be grand!

While the opening ceremony is on-going, I was holding my umbrella while carrying the brown folder on my other hand since I'm tasked to make sure that the participating individuals are ready for their race today.

"Hey, miss. May I know where the bathroom is?"

May lumapit na isang lalaking may suot na makapal na costume na para yata sa racing. He was a tall, good-looking guy.

"Oh, I'm Godrey. You are?"

"Juliette." sagot ko. "I'll accompany you to the bathroom, Mr. Godfrey. This way please." saad ko at naunang maglakad sa kanya. Ramdam ko namang sinundan niya ako kaya pinagpatuloy ko lang ang paglalakad.

"No, drop the Mr. please, it's Godfrey only, Juliette. Formality sucks a lot." pahabol niya habang binabagtas namin ang papasok sa isang hall.

Lumiko kami sa isang hallway at natanawan ko ang COMFORT ROOM sign.

"Here you go, Godfrey." pormal kong sambit at nilahad ang palad sa direksyon ng pinto papasok sa Comfort Room.

"Thank you, Juliette. See you around." aniya.

Tumango lang ako at tumalikod na. I headed back outside and positioned myself beside the center stage where I could clearly see the entire place.

I saw Mr. Phoenix-Creed together with some businessmen, they were busy talking. Katabi niya si Chloe at focused lang si Chloe sa pakikinig sa kung ano mang pinaguusapan ng boss niya.

"Grabe, ang init na Juliette." biglang nagsalita sa tabi ko si Rachel at medyo nagulat naman ako dahil sa biglaang pagsulpot niya sa tabi ko.

"Sinabi mo pa," naiiritang tugon ko. "9:45 na oh, hindi pa tapos kakatalak tong emcee. Bakit hindi nalang simulan agad ang race total iyon naman talaga ang highlight ng event na to."

"Patapos na rin daw siya, exactly 10 AM ay magsisimula na ang racing. Manonood nga lang ako ng konti at babalik na rin agad sa loob ng hall. Baka maheatstroke lang ako rito, no!" aniya.

"Gaga ka ba? Dito lang tayong dalawa, baka pagalitan tayo kapag hindi tayo nakita ni Madam Suzette na nakabantay dito." sagot ko sa kanya.

"Eh, ang init?!" reklamo niya pa.

"Magpasalamat ka nalang kasi mainit, alam mo namang hindi magiging okay ang flow ng event kapag maulan, Rach..."

Natapos na nga ang opening ceremony at nagsimula na ang racing. Dumami ng dumami ang mga taong nanonood sa event at halos mapuno ang bleachers dahil sa mga manonood.

"Juliette!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko ang likuran ko at nakita ko sila Florence, Malia, Warren, at Trent, na naglalakad papalapit sa akin. Nakipagbeso agad sa akin ang dalawang babae at nagyakapan lang kami nina Warren at Trent.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now