Chapter 12

284 7 0
                                    

JULIETTE REVERIE


After 4 days...

"Julie, bakit hindi mo man lang ako nichat ng isang linggo, ha?! Namiss kaya kita! Akala ko kung napano ka na eh!" pagmamaktol ni Rachel habang nasa cafeteria kami para kumain ng snacks.

"Eh paano, umuwi kasi ako sa amin. Binisita ko si mama roon sa probinsya. Alam mo namang bilang lang sa daliri ko ang mga beses na lumuwas siya rito, diba?"

Tuwing nagsisinungaling ako, parang sinusunog ang kaluluwa ko. Hindi ko talaga gusto ang magsinungaling dahil hindi naman ako tinuruan ng mama kong maging sinungaling eh. Kukutusan pa ako no'n kapag nahuli akong nagsisinungaling.

"Kung sabagay! Oh, ano? Masaya ba sa probinsya niyo?" usisa niya.

"Masaya roon no. Simple lang ang pamumuhay, hindi mahirap pero hindi rin sobrang ganda. Tama lang na makukuntento ka sa kung anong meron ka. Tsaka, fresh din ang hangin doon hindi katulad dito sa city." sagot ko.

"Can't relate! Wala kaming bahay sa probinsya tsaka lumaki na ako rito sa city. Sanay na rin ako sa paraan ng pamumuhay dito."

"Subukan mong pumasyal sa probinsya, Rach. Malakas ang pakiramdam kong magugustuhan mo roon. Maaliwalas, hindi maingay, at puro halaman at kahoy makikita mo. Malayo sa kung anong meron dito sa city."

Sa hindi kalayuan ay natanawan ko si Pierro at iilang mga tao na palakad lakad dito sa floor namin. May kasama siyang isang empleyado rin papunta rito sa kinaroroonan namin.

Nang makita ako ni Pierro ay lumawak agad ang ngiti niya at nagmadaling puntahan ang table na kinauupuan ko.

"Juliette!" sigaw niya.

Tumayo naman ako para makipag-beso kay Pierro.

"Hi, Pierro. Bakit napasyal ka naman dito?" tanong ko.

"I went to my brother, I just thought of passing by on your floor to greet you though." aniya. "Anyway, who's she?"

"Ah, si Rachel. Kaibigan ko, dito rin siya nagtatrabaho." sagot ko. "Rach, si Pierro. Kapatid ni Mr. Phoenix-Creed."

Tumayo si Rachel para makipagkamay kay Pierro. Nakangiti lang si Pierro habang tinitignan si Rachel.

"Nice to meet you, Mr. Phoenix-Creed." magalang na bati ni Rachel at bahagyang yumuko matapos nilang magkamayan.

"Don't call me Mr. Phoenix-Creed, that's too formal! You can call me Pierro, instead."

Nginitian lang siya ni Rachel.

"You're beautiful, Rachel."

Namula naman ang mga pisngi ng kaibigan ko nang marinig ang papuri ni Pierro sa kanya.

"Thank you, Pierro..." nahihiyang tugon ng kaibigan ko at umiwas pa ng tingin para hindi ipahalata ang kilig na namumutawi ngayon sa kanya.

"Oh, well... I just passed by to greet you, I didn't know I'd meet a gorgeous lady today. Hm, I won't be stay long though, I still have to attend to my prior commitments. But it's nice to see you Juliette." aniya. "It's my pleasure to meet you as well, Rachel. I'm really hoping to see you around." ngumisi pa ang lalaki at iwinagayway na ang kamay bilang pagpapaalam.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now