Chapter 25

281 10 0
                                    

JULIETTE REVERIE

Maganda ang tempo ng panahon ngayong araw at ngayon din nila naisipang bisitahin ang pribadong sementeryo ng pamilya nila Pietro.

Tapos na akong maligo at magbihis, si Pietro naman ay may kinakausap pa sa phone niya kaya naglagay na muna ako ng kaunting makeup sa mukha ko para magmukhang presentable.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may kumatok na sa pinto ng kwarto namin dahilan para mabaling ang atensyon ni Pietro sa pagbukas no'n.

"They're waiting for us downstairs, my love. Are you ready?" nilingon ako ni Pietro habang hawak ng isa niyang kamay ang phone at sa isa naman ay ang doorknob ng pinto.

"Yes, tapos na ako." sagot ko at tumayo na sa kinauupuan.

Sinara muli ni Pietro ang pinto at binaba na ang tawag. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya at ang wallet sa may bedside table. Huli niyang kinuha ang sunglasses niya at iprinisenta ang kamay sakin.

Tinanggap ko naman iyon at sabay kaming naglakad palabas ng kwarto. Dahan dahan ang bawat hakbang namin sa staircase nila dahil katulad ko ay praning na rin si Pietro sa pagiging maingat sa akin.

Nasa van sina tita Séza at ang ibang kapatid ng namayapang asawa niya na si Rafaello Ventura. They seemed so close.

Si Pierro naman ay nasa sariling kotse niya pati na kami ni Pietro. I don't know why they wanted to drive separately, eh iisa lang naman ang destinasyon namin kaya bakit hindi nalang kami lahat sumakay sa iisang sasakyan? Agaw atensyon pa ang mga nakasunod sa aming bodyguards na nakasakay dalawang SUV at sa harap ay tatlong malalaking motorcycles na puro tauhan din ni Pietro.

Para namang presidente 'tong pamilyang ito!

It was approximately a 20-minute drive before we arrived safely at the private cemetery. Before we could fully enter the vicinity, the guards on-duty had us all checked one-by-one.

Nang makilala ng driver sina tita Séza, Pietro, at Pierro ay hindi na ininspect ng guards ang tatlo. Kaming mga kasama nalang nila ang pinagtuunan ng pansin nitong apat na guard na nakabantay sa gate.

Kinausap pa ni Pietro sa sarili nilang lengguahe ang mga guards at kalaunan ay pinapasok na rin kami.

I held Pietro's hands to feel comfortable because I didn't really like the idea of not being recognized as Pietro's plus one.

Sana sa susunod na babalik kami rito ay makilala na nila ako bilang girlfriend o 'di kaya ay asawa ni Pietro...

Napailing ako sa sariling naisip at bumuntong hininga. Napaka-ilusyunada mo na Juliette!

Why do I feel this way? Do I have a right to feel this?

Why do I want to be part of Pietro's life?

What does this mean?

Bumalik na kami sa sasakyan at tinahak ang napaka-laking mausoleum sa may gitna ng lugar. The mausoleum almost looked exactly like a palace and it's beyond beautiful!

Cimitero dei Credo della Fenice

Pumasok na kami sa loob at doon ko lang napagtanto na 9 pala silang nandito sa loob nakalibing. Puro lapida ang makikita sa may bukana ng malaking mausoleum at sa ibaba ng bawat pangalan ay ang painting ng mga mukha nila at ang jar na may lamang abo.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now