Chapter 4 [TB-1]

341 9 0
                                    

JULIETTE REVERIE


Welcome to Lualhati! Enjoy your stay!

Bungad sa amin dito sa entrance nang makababa sa company bus.

Lualhati ang pangalan ng beach resort na ni-book ng kumpanya para sa tatlong araw na team building namin.

Kanya kanya kaming bitbit ng mga dala naming bag at maleta papunta sa beach houses nitong resort. In fairness, ang laki ng lugar. Sobrang lawak at maaliwalas ng environment, mahangin pa masyado. Perfect place for recreation talaga.

Mahigit 100 kami lahat kaya iniimagine ko na kung gaano kalaki ang nagastos ng kumpanya yearly para sa ganitong event. Since malalaki ang mga beach houses na kinuha ng management ay tig 10 kami isang BH, roommate ko si Rachel kaya kampante naman akong matulog kasama itong mga katrabaho ko.

Separate ang room ng mga Department Heads samin, pero isa lang din naman ang room na tutuluyan nila.

Alas onse na ng umaga kaming nakarating dito dahil malayo itong beach sa kabihasnan pero hindi naman ito mahirap tuntunin since cementado naman ang daan.

Mamayang gabi pa raw maguumpisa ang Team Building dahil may program na inihanda ang management para kay Mr. Phoenix-Creed. Sa ngayon, didiretso muna kami sa nirentahan naming hall. Nilagyan na rin ng mga dining table itong lugar at kasya naman kaming lahat doon.

Natakam na kaming lahat nang magsipagdatingan ang mga service crew. Niserve na sa amin ang mga pagkain kaya hindi na nagatubiling kumain ang kahalatan.

May mga seafoods at meat talagang kasama sa inihanda nilang pagkain. Wow naman! Napakagalante yata ng team building ngayong taon?! Noon ay kadalasan manok na niluto sa iba't ibang putahe lang ang nakain namin eh.

"Sana lagi nang nandito si Mr. Phoenix-Creed, Julie, para mas masarap ang mga pagkaing siniserve satin. Tignan mo oh, may seafoods at beefsteak!" bulalas ni Rachel habang nginunguya ang pagkain sa bibig niya.

"Ang sarap ng pagkain, parang ayoko nang umuwi. Dapat araw araw na tong team building!" sagot ko at tumawa.

Mabilis kaming natapos sa pag kain ng lunch at maya maya ay nagkanya kanya na sa pagpipicture taking.

Of course, magkasama kami ni Rachel dahil photographer namin ang isa't isa. Pang-instagram ko ito eh kaya dapat marami akong pictures today. Nagsuot pa naman ako ng bikini para ma-flaunt ko ang sexy kong katawan!

"Dito, picturean mo ko rito, Rachel!" sigaw ko sa kanya. Sandamakmak na pose ang ginawa ko at seryoso naman masyado si Rachel sa pagpi-picture sakin.

Nang matapos na ako kakapose kay si Rachel naman ang pinicturean ko. Mabuti nalang at pareho kaming marunong sa pagkuha ng picture kaya puro magagandang angle ang nakukuha namin.

May nakita akong mga gwapong foreigner na nags-sunbathing at nang mapalingon ang mga ito sa gawi namin ay agad kaming napatalikod ni Rachel.

Mag-gagabi na nang bumalik kami sa beach house at tumambay muna roon. Sumasakit ang balat ko dahil sa init ng araw kaya nagbihis na ako ng kumportableng damit at humiga sa kama.

Kinalikot ko ang cellphone ko at pumili ng mga magagandang picture para ipost sa instagram. 7 ang napili kong picture kaya ipinost ko na iyon kaagad.

PHOENIX-CREED [TDH - VI] Where stories live. Discover now