[6] Traped In A Labyrinth

11 4 0
                                    

C   H   A   P   T   E   R   6:TRAPED IN A LABYRINTH

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

C   H   A   P   T   E   R   6:
TRAPED IN A LABYRINTH

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

"AUGUSTINE, makinig ka sa akin, you need to join this pageant dahil it can help us to support our needs, lalo na ngayon na matumal ang business ko, we need something that can be our secondary source of money, para hindi na tayo umabot sa point na wala na tayong pera upang bumili ng mga kailangan nating dalawa," Mommy argued.

She heard about somewhere na meron daw gaganapin na beauty pageant dito sa baranggay namin, and base sa sabi niya ay ang mapapanalunan ng 1st place ay 200,000 pesos which I honestly think ay hindi naman masama, but the thing here is... I don't want to join this kind of pageant, I don't want to walk there like I'm the most beautiful girl in the planet, and answer questions like how should we end the problems in our baranggay and how should we address such problems to our constituents. Screw that.

"Mommy, gusto kong makatulong sa'yo but not in this way, pageantry is not my league."

"Ano pa bang paraan ang nakikita mo, huh? You just turned 16 years old and wala pang ibang trabaho na tatanggap sa iyo sa edad mong iyan, mabuti na nga at 16 ang minimum age ng pwedeng sumali sa pageant kaya qualified kang sumali."

"I don't care if I'm qualified or not, ayaw kong sumali sa ganyang mga bagay."

"Ang tigas din talaga ng ulo mo, Augustine, ano pa bang gagawin mo kung hindi ka sasali doon? Anong gusto mong gawin mo lang, magpapatuloy sa pagiging lamunin habang ako ay nagpapakahirap para sa ating dalawa?!"

"Hahanap ako ng ibang paraan."

"Augustine, ano bang problema mo? Hindi mo ba nakita 'yung anak ng kapitbahay natin? She's the same age as you at nakakatulong na siya sa nanay niya dahil sa pagsali sa mga beauty pageant, tapos ikaw... araw-araw ka lang nakatu—"

"Bakit kailangan mo akong i-kompara sa kaniya?! Iba ako at iba siya, kung gusto niyang mag-fashion walk doon, I don't freaking care! Wala akong pakialam sa gusto niy—"

I was stunned and left dumbfounded... hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang dumapo sa mukha ko ang kamay ni Mommy.

"Watch that mouth, Augustine! Hindi ka na naawa sa akin, ilang taon na akong nagpapakahirap na mabuhay tayong dalawa, tapos hindi mo ako tutulungan? Hindi mo gagawin ako gusto ko?!"

"Gusto mo? Hindi ko ginawa? Mommy, alam mo ba na sa buong taon kong nabubuhay dito, 'yung gusto mo lang palagi ang sinusunod ko, pero... nasunod ba ang gusto ko? Pinakinggan mo ba ang gusto ko gaya ng pakikinig ko sa gusto mo?!"

"Wala kang h—"

"Kung sana hindi mo nalang pinaalis si Daddy noong bumalik siya dito a few years ago, hindi ka sana mahihirapan dahil may katulong ka sa buhay, pero dahil selfish ka at hindi mo siya tinanggap, hindi ko na 'yan kasalanan kung sarili mo lang iniisip mo. Huwag kang umasa sa akin na bata palang para magtrabaho dahil noong mga panahong gustong tustusan ni Daddy ang kakulangan niya, hindi mo siya tinanggap kaya kasalanan mo rin lahat ng 'to dahil selfish ka!!"

"Augustine! Bumalik ka dito, Augustine!!"

Screw you, Mommy. Screw you.

Puro nalang ikaw ang nasusunod, tapos ngayon gusto mong pagkakitaan ako ng pera sa pamamagitan ng pagpapasali sa akin sa mga walang kwentang pageant na 'yan, I freaking hate you!

I hate this, it feels like it became my routine daily to have something reason to hate her more.

Wala na akong pakialam kung saan man ako mapunta sa kakatakbo, gusto ko lang na malayo ako sa bahay at kay Mommy dahil wala na akong ibang nararamdaman simula pa noon, I feel trapped in a maze.

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

Follow me on my socials;
Facebook: Rhon Justine Samodal
Instagram: @rvboligrafo

×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓×××✓××

Join the official hashtag blast online: #DramaofaNaiveGirl

And, share your inspiring stories online with a hashtag; #What'smyDrama and get the chance to be recognized and win something.

Drama Of A Naive GirlWhere stories live. Discover now